Kabanata 82

79 2 0
                                    

Xaver's POV

NAPAMULAT ako ng mata nang may dumagan sa akin na kung ano.

Ugh! 

Damn, ang bigat!

"Lavisha?" Siya ang nabungaran ko, at siya rin 'yong kung ano na dumagan sa akin.

Napakalapit ng mukha namin sa isa't isa."Lavisha, is that you?" hindi makapaniwalang aniko.

"Hindi, clone niya lang 'to."

Payak akong natawa. "Sabi na nga ba, imahinasyon lang kita. Kasi imposible namang punatahan mo ako dito."

Gago talaga 'yong Caleb na iyon. Paasa amputa!

"Ang funny mo, ang fanny-walain. It's really me, Xaver."

Parang hindi pa ako kumbinsido kaya naman iniangat ko ang kamay ko at dinala ito sa mukha niya. Hinaplos ko ito. Totoo nga. She's really here.

"A-anong ginagawa mo dito?" Tangna nautal pa ako.

"Ano---ano kasi... gusto lang kitang kumustahin," naiilang na aniya sabay layo sa akin, umalis siya pagkakadagan sa akin.

"Ayos lang ako," malamig na sabi ko sabay iwas ng tingin.

"May sakit ka..."

"Ano naman sayo? 'Di ba wala ka namang pakialam sa akin?"

"Pupunta ba ako dito kung wala?"

"So, mayroon?"

"Malamang!"

"'Di ba galit sa akin?"

"Saan mo naman nakuha iyan?"

"Sa magaling mong bestfriend," matabang na sabi ko.

"Kay Cyrus?"

"Bakit may iba ka pang bestfriend na lalaki?"

"Anong sinabi niya sayo?"

"Sinabi niya lang naman sa akin na galit na galit ka daw sa akin---na ako ang sinisisi mo sa nangyari sa papa mo. Well, totoo naman talaga."

"Xaver, hindi..."

"Totoo naman. It's really my fault. Ako ang dahilan kung bakit na-hospital ang papa mo---kung bakit naging malala ang kondisyon niya."

"Si Cyrus din ba ang nasabi sayo na naging malala ang kondisyon ni papa?"

"Sino pa ba? E, feeling magaling 'yong bestfriend mo na iyon, e!'

"Xaver... hindi totoo iyon. Hindi naging malala ang kondisyon ni papa..."

"So, ginagago lang pala ako ng kaibigan mo. Hanep ang galing ng technique niya. Kapag nakita ko siya bibigyan ko siya ng reward, makakatikim siya sa akin ng magtropang suntok."

"Hindi ako makapaniwalang sinabi iyon ni Cyrus."

"At least ngayon alam mo na, na may kakaibang ugali ang kaibigan mong iyon," labas sa ilong na sabi ko.

"Pasensiya na Xaver. Pero maniwala ka hindi talaga kita sinisisi sa nangyari kay papa. Kung mayroon mang dapat sisihin ako iyon." Napayuko siya.

Napabangon ako sabay hawak sa kamay niya. "Hey, don't blame yourself."

"Hindi mo naman kasi maiisipan na kidnapin ako kung binigayan lang kita ng chance..." malungkot na sabi niya.

"No. Natatakot ka lang na sumugal sa akin. You just wanted to protect your heart against me," masuyong sabi ko.

"Ngayon hindi na ako natatakot, kasi wala naman akong dapat ikatakot, e..." Halos bulong na aniya dahilan para hindi ko ito marinig ng malinaw.

"Ano iyon?" I curiously asked.

The Fake GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon