Lavisha's POV
"Mahal kita Adrianna..."
Parang sinaksak ng ilang ulit ang puso ko sa mga narinig ko.
Labis na sakit sa puso lang pala ang aabutin ko sa pagsunod ko sa kaniya.
"Bakit Xaver? Bakit sa kabila ng nagawa ko nasasabi mo pa rin ang salita iyan sa akin?" tanong ni Adrianna.
"Kasi mahal kita!" wika ni Xaver.
"I cheated on you, Xaver!"
Napatakip ako sa bibig ko nang marinig ko ang winika ni Adrianna.
She cheated on him?
"Hindi ka ba galit sa akin? Sa ginawa kong pangloloko sayo?" tanong ni Adrianna.
Bakit niya nagawang lokohin si Xaver?
Anong dahilan?
Oo kakaiba 'yong ugali ni Xaver, pero kahit ano pa ang dahilan niya hindi niya dapat niloko si Xaver!
"Kinalimutan ko na iyon Adrianna. Ngayon magsimula tayong muli."
Ang martir naman ng lalaking ito! Niloko na nga siya pero hinahabol-habol niya pa rin-mahal niya pa rin!
At ito namang Adrianna na ito, akala mo kung sinong mabait, e nasa loob naman pala ang kulo
Naalala ko 'yong sinabi niya na hindi daw siya malanding babae, pero anong tawag sa ginawa niya? 'Di ba kalandian rin? Niloko niya si Xaver at sa kaibigan pa nito! Anong klase siyang babae?
Hindi na ako nakapagpigil pa, lumabas ako sa tinataguan kong poste at natagpuan ko na lang ang mga paa kong papalapit sa kanila.
"Akala mo kung sino kang santa, e malandi ka naman pala!" wika ko dahilan para mapatingin sila sa akin.
"Lavisha... what are you doing here?" kunot noong tanong ni Xaver.
Hindi ko pinansin si Xaver, kay Adrianna ako nakatuon.
"Niloko mo si Xaver! At talagang sa kaibigan niya pa talaga! Anong klase kang babae? Tinuhog mo 'yong magkabigan, napaka landi mo!" wika ko habang dinuduro-duro siya.
"Lavisha!" malakulog na tawag sa akin ni Xaver.
Hindi ako nagpatinag kay Xaver.
"Lavisha, hindi ganoon iyo-" Hindi na natuloy pa ni Adrianna ang tangka niyang sasabihin.
"Ganoon iyon, Adrianna! Isa kang maland-"
"That's enough, Lavisha! Wala kang alam!" sigaw ni Xaver sabay habalot sa braso ko.
"Nasaktan ako sa ginawa niyang ito pero hindi ko ito ininda. Kumawala ako sa pagkakahawak niya saka siya pinagkatitigan sa mata. "Pinagtatanggol mo pa siya matapos ng ginawa niya sayo?"
"It's all in the past, Lavisha. Tapos na iyon. At ngayon handa na kaming magsimula muli!"
"Xaver, hindi yata tayo nagkakaintindhan. Ang sabi ko pagkakaibigan lang ang kaya kong i-offer sa---"
"Manahinik ka!" Pagpapatigil ko kay Adrianna. "Kita mongg kami ang nag-uusap 'di ba? Kahit kailan ang papampam mo! Napaka attention seeker mo! Gusto mo palagi kang napapansin!"
"Ano ba, Lavisha! Hindi ka ba titigil?" sigaw sa akin ni Xaver. At muli niya naman akong hinabalot sa braso, pero this time bumaon na ang kuko niya sa balat ko.
"X-xaver, n-nasasaktan ako..." wika ko.
"Talagang masasaktan ka sa akin!" aniya sabay kaladkad sa akin palayo kay Adrianna.
At nang tuluyan na kaming makalayo ay saka niya lang ako binitawan sa pabalyang paraan.
"Anong naisip mo para pagsalitaan ng ganoon si Adi?" sigaw niya sa akin.
"E, bakit totoo naman, ah?! Totoong malandi siya!"
"Kung may malandi man sa inyong dalawa ikaw iyon!"
"A-ano?" Napatanga ako. "Ako malandi?" Tinuro ko ang sarili ko. "Bakit ano bang ginawa ko para matawag mo akong malandi? Bakit ako ba 'yong nang-cheat? Ako ba 'yong hindi na kuntento? Ako ba 'yong pumatol sa isang lalaki kahit may boyfriend ako? Sige nga, sabihin mo! Ako ba 'yong malandi, ha Xaver?"
Napasabunot siya sa buhok niya gamit ang dalawa niyang kamay. "Naman, Lavisha! Bakit ba sumasabay ka pa? Bakit nakikisali ka sa issue namin ni Adrianna!"
"Matagal na akong kasali, Xaver. The day na ginawa mo akong peke mong girlfriend sinali mo na ako sa magulo mong mundo!"
"Kung ganoon umalis ka na, hindi na kita kailangan!"
"Gano'n-gano'n na lang iyon, Xaver?" Peke akong natawa. "Pagkatapos ng lahat basta mo na lang ako itatapon?"
"Oo."
"Wow! Ang galing mo talaga."
"Ito naman talaga 'yong naging usapan natin 'di ba? Bakit may ini-expect ka bang ibang mangyayari?"
Mayroon...
Nag-expect ako na mababaling sa akin ang pagtingin mo.
Mapakla siyang natawa. "Don't tell me you fell in love with me? Do you?"
Biglang umurong ang dila ko. Hindi ako makapagsalita.
"Oh come on, Lavisha. Na-inlove ka nga sa akin?" natatawang tanong niya.
"So, ako 'yong tinutukoy mo na lalaking gusto mo na may mahal ng iba?"
Napakagat ako sa pang-ibabang labi ko at napayuko.
Napahagalpak siya. "You know what tama ka, tama lang na nagparaya ka at hindi ipaglaban ang nararamdaman mo para sa akin, kasi it's useless---kasi kailanman hindi kita magugustuhan--- hindi kita magugustuhan kahit pa ikaw na lang ang natitirang babae dito sa mundo. My heart belongs to one girl, it belongs to Adrianna. Siya lang ang babaeng mamahalin ko wala ng iba."
Parang ulan na bigla na lang pumatak ang mga luha ko. Inangat ko ang mukha ko. "Alam ko---matagal ko ng alam. Hindi mo kailangan isampal pa sa pagmumukha ko," wika ko at tinalikuran na siya.
Pagtalikod ko ay lalong bumuhos ang luha ko.
Isang hakbang, dalawa, tatlo, apat... at tumakbo na ako.
BINABASA MO ANG
The Fake Girlfriend
RomanceLavisha Magno have a peaceful life, pero ang tahimik niyang buhay ay nabulabog nang sa hindi inaasaang pangyari ay aksidente niyang natapakan ang cellphone ni Xaver Alvuena. Hindi alam ni Lavisha kung paano niya mababayaran ang cellphone nitong ubo...