Lavisha's POV
SOBRANG natakot talaga ako. Akala ko talaga ipapakulong ako ni Xaver, buti na lang nadaan ko siya sa charm ko—este napakiusapan ko pala siya. And as usual may hiningi na naman siyang kapalit. Napaka utak niya talaga!
Ang gusto niya lang naman ay sundin ko daw lahat ng gusto niya. O 'di ba ang galing niya 'no?
Hindi naman na ako makaalma pa dahil kung hindi ang ending ay behind the rehas ako.
Saka nakapag isip-isip ako. Siguro mabuting sumunod na lang ako sa agos ng gusto niyang mangyari. Magpo-focus na lang ako sa pagpapanggap ko bilang girlfriend niya para matapos na agad ito at makalaya na ako sa kaniya at para hindi niya na ako guluhin pa.
"Nagkatampuhan ba kayo ni Xaver?" tanong sa akin ni Adrianna. Oo magkasama kami, nandito kami sa VIS room, tanging kaming dalawa lang. Sila Xaver ay nasa canteen bumibili ng pagkain.
"Huh? Bakit mo naman naitanong iyan?" tanong ko rin.
"Pansin ko lang nitong mga nakaraang araw parang nag-iiwasan kayo. Tapos itong si Xaver parang palaging aburido at wala sa mood," aniya.
"Naku, palagi namang aburido iyon, wala ng bago doon," I murmured.
"Ha?"
"Ah, wala. Ang sabi ko lang ganoon talaga iyon kapag nagkakatampuhan kami, nagiging mainit ang ulo. Gusto niya lang magpalambing sa akin."
'Yong lambingan namin ni Xaver na tinutukoy ko ay banghayan.
"Lavisha?" tawag niya sa akin
"Um?" tanong ko rin.
Huminga siya ng malalim na para bang kumukuha siya ng lakas ng loob. "Lavisha, sana huwag mong isipin na... na nilalandi ko si Xaver, kasi hindi ako ganoong tao," mahina niyang sabi.
Payak ko siyang nginitian. "Adrianna, hindi ko naman iniisip iyon," wika ko. Saka ano naman kung landiin niya si Xaver? E, siya naman talaga ang mahal nito. E, dakilang extra lang naman ako sa love story nilang dalawa, e. Pero ako 'yong tipo ng extra na may mahalagang ganap sa buhay nila, kasi ako ang magiging susi para magkabalikan sila.
Hinawakan niya ako sa kamay dahilan para mapatitig ako sa kaniya. "Sana, Lavisha... alagaan, ingatan at mahalin mo siya. Pasayahin mo siya, iparamdam mo sa kaniya na mahalaga siya--na siya lang ang mamahalin mo wala ng iba. Higit sa lahat huwag mo siyang lolokohin at sasaktan," aniya. Ang lungkot ng tinig niya. Ramdam ko ang bigat nito na para bang nagi-guilty siya. Sa malamang naging mabigat talaga ang hiwalayan nila ni Xaver.
Ano ba 'yong pinagsasabi niya? Bakit niya sinasabi ang mga ito sa akin? Ang labas kasi parang tuluyan niya nang binitiwan si Xaver--na pinapaubaya niya na sa akin ito at wala ng chance pa na magkabalikan sila.
"'Yan 'yong mga bagay na hindi ko nagawa sa kaniya no'ng mga panahong kami pa, kaya please ikaw na lang ang gumawa. Deserve niyang sumaya, Lavisha. At ikaw na lang ang makakagawa nito, ikaw na lang ang makakapagpasaya sa kaniya, kaya please make him happy. Tama na 'yong minsang nasaktan ko siya."
Ano ba talaga ang rason ng paghihiwalay nila?
Teka, anong isasagot sa kaniya? Na hindi ko magagawa ang hinihingi niya dahil ang mayroon sa amin ni Xaver ay malaking pagpapanggap lang?–Na siya pa rin ang mahal ni Xaver kaya hindi ko magagawa ang mga bagay na sinabi niya?
Haist! Ano ba! Siyempre dapat sumagot ako as girlfriend ni Xaver! Dapat ipakita at iparamdam ko sa kaniya na nagkamali siyang iniwan niya si Xaver–na dapat hindi niya na ito pinakawalan pa.
"Adrianna, iyan naman talaga ang gagawin ko, mamahalin ko siya... mamahalin ko siya ng higit pa sa buhay ko..." seryoso kong sabi.
Ngiti na lang ang sinukli niya sa akin.Pero hindi pa ako tapos. Naku talaga kuto! Pasalamat ka ang nabingwit mong magpapanggap na girlfriend mo ay best actress.
"Thank you, Adrianna," ani ko pa dahilan para mabaling siya ng tingin sa akin. "Thank you kasi... iniwan mo si Xaver, kung hindi mo ginawa iyon hindi ko siya makikilala–hindi kami magkakatagpo... at higit sa lahat hindi namin mamahalin ang isa't isa," wika ko.
"Masaya ako para sa inyo," ani naman niya. Napaka sinsero niya, hindi siya mabakasan ng pagiging plastic.
...
Xaver's POV
NANDITO ako sa isang sulok, nakikinig sa pag-uusap nila Lavisha at Adrianna.
Damn! Adrianna ano ba iyang pinagsasabi mo? Bakit mo ako pinapaubaya sa baliw na babaeng iyan? Ikaw ang mahal ko hindi siya!
Pero nang marinig ko ang sinabi ni Lavisha ay parang may kung ano akong naramdaman sa aking dibdib. Kinilabutan ako, iyon ang naramdaman ko... iyon lang.
Hanep! Ang galing niya talagang umarte, at least kahit papaano may silbi siya at hindi puro sakit sa ulo ang inaabot ko sa kaniya.
"Oh, dre. Anong meron?" biglang sumulpot si Adam. Agad ko naman siyang sinenyasan na huwag maingay.
"Bakit ano bang meron?" tanong niya ulit sabay tabi sa akin at silip sa pinagkaka-busy-han ko."Woah! Tagisan pala itong ng mga babae mo dre, e."
Tinignan ko siya ng matalim. "Damn, shut up, dre! Napaka-ingay mo! Kung wala kang sasabihing maganda manahimik ka na lang!" singhal ko sa kaniya.
Tinawanan niya lang ako. "Ang init agad ng ulo mo, dre. Hula ko hindi mo nagustuhan 'yong tinatakbo ng usapan nila 'no? Iyan ang napapala ng mga chismoso," natatawang sabi niya.
Buwiset amputa!Mamaya ka sa akin. Humanda ka.
"Nagkakainitan na ba sila?" tanong pa niya. "Basta ako kay Lavisha ako. Siya ang manok ko."
Siraulo talaga!
"Just kidding, dre. Siyempre huwag naman sana sila umabot doon."
Kasasabi ko lang na huwag siyang maingay. Hindi talaga makaintindi amputa!
Hindi ko na lang siya pinansin. Ibinalik ko na lang ulit kila Lavisha at Adrianna ang atensiyon ko.
"Nasaan na kaya sila? Ang tagal nilang bumalik." Si Adrianna ang nagsalita.
"Sa malamang baka sinumpong na naman ng kaartehan iyang si Xaver. Siguro gustong magpasikat sayo—este sa akin pala kaya baka binili niya lahat ng paborito kong pagkain," anang ni Lavisha.
Tsk. Kung bibilhin ko ang paboritong mong pagkain ay baka maubos ang isang buwan kong allowance sa dami ng paborito mong pagkain. Napaka takaw.
"Ang funny talaga niyang si Lavisha," wika naman ni Adam.
"Pabida kamo," ani ko naman.
Talagang pinapakita niya pa talaga ang kabaliwan niya kay Adrianna. Hindi marunong mahiya.
BINABASA MO ANG
The Fake Girlfriend
RomanceLavisha Magno have a peaceful life, pero ang tahimik niyang buhay ay nabulabog nang sa hindi inaasaang pangyari ay aksidente niyang natapakan ang cellphone ni Xaver Alvuena. Hindi alam ni Lavisha kung paano niya mababayaran ang cellphone nitong ubo...