Lavisha's POV
MADALING araw na pero hindi pa rin ako dinadapuan ng antok.
Bakit niya ginawa iyon?
Bakit niya ako hinalikan?
First kiss ko iyon!
After he kissed me para wala lang nangyari, pinababa niya ako sa sasakyan niya tapos pinaharurot niya na ito paalis. Ganoon na lang, parang walang nangyari, parang wala siyang ginawa.
Tapos pagpasok ko pa dito sa bahay, buong pamilya ko ang naghihintay sa akin, si mama, papa at Lancel. Sinabon nila ako ng tanong pero nalusutan ko naman sa pamamagitan ng malupitang paghahabi ng kuwento at pasisinungaling. Nakaka-guilty magsinungaling pero wala naman akong pagpipilian.
Pero hindi pa diyan nagtatapos dahil may pa-round two ang magaling kong kapatid. As usual hindi siya naniwala sa mga pinagsasabi ko kaya ayon may pagbabanta na naman akong nakuha sa kaniya.
Kainis!
Aish!
Gusto ko nang matulog pero ayaw naman ako dalawin ng antok!
Sa tuwing ipinipikit ko ang aking mga mata ay 'yong kiss namin ni Xaver ang nakikita ko.
Gusto kong kiligin pero kapag iniisip ko 'yong naging reaksiyon niya matapos akong halikan... hindi ko mapigilang malulungkot at masaktan. Mukha kasing hindi niya ginusto iyon at nadala lang siya ng damdamin niya dahil that time si Adrianna ang topic namin, baka na-imagine niya na ako si Adrianna.
"Kawawang Lavisha, hanggang panakip butas ka na lang." I said to myself.
Paano ko kaya siya haharapin bukas? Umarte lang ba ako ng normal?
'Yong parang walang nangyari?
'Yong may pa-amnesia effect na walang maalala?
Iiwasan ko ba siya?
Pero teka... Siya kaya apektado rin sa nangyari?
Iniisip kaya din niya 'yong kiss namin? Sa malamang hindi! Kasi wala lang naman ako sa kaniya, e.
Hindi siya maapektuhan, kasi hindi naman ako si Adrianna.
Hindi ako ang babaeng mahal niya.
...
Xaver's POV
BAKIT ko ginawa iyon? Nasisiraan na ba ako? Bakit ko siya hinalikan?
Hindi ko na alam ang naging takbo ng utak ko, basta bigla na lang akong minagnet ng labi niya.
Kasalanan niya rin naman, e. Bakit ba kasi kailangan niya pang kagatin ang pang-ibabang labi niya? Iyan tuloy nadarang ako.
Pero sa totoo lang, ang tamis ng labi niya. Dahil kaya iyon sa kinain niyang cotton candy? Siguro doon nga, kasi imposible namang may matamis na labi 'di ba? Liban na lang kung gumamit siya ng lipstick kaso hindi naman siya gumagamit ng ganoon.
Ewan ko ba pero natagpuan ko na lang ang sarili ko na nakangiti habang hinahaplos ng thumb finger ko ang labi ko. Nababaliw na ako... iyon ang totoo!
Pagkauwi ko sa condo ko ay agad akong nagtungo sa kuwarto ko at pabagsak na nahiga sa kama. Madali lang akong nakakuha ng tulog dahil sa sobrang pagod. Pinagod ako ng husto ng matakaw na babaeng iyon, pero aaminin ko... nag-enjoy akong kasama siya.
Kinaumagahan, ang weird dahil kondisyon na kondisyon ang katawan. Maybe because ang sarap at himbing ng tulog ko.
Napatingin ako sa cellphone ko nang mag-vibrate ito. Nang tignan ko, si Caleb ang nag-text.
BINABASA MO ANG
The Fake Girlfriend
RomanceLavisha Magno have a peaceful life, pero ang tahimik niyang buhay ay nabulabog nang sa hindi inaasaang pangyari ay aksidente niyang natapakan ang cellphone ni Xaver Alvuena. Hindi alam ni Lavisha kung paano niya mababayaran ang cellphone nitong ubo...