Xaver's POV
SI LAVISHA ba iyon? Yea, siya nga. Pero sino 'yong kasama niya? I know him. Ah, oo. Siya 'yong kaibigan ni Lavisha.
Hindi muna ako lumabas sa sasakyan ko at pinanood lang sila. Naglalakad sila at madadaanan nila ang sasakyan ko. Buti na lang tinted ang bintana ng sasakyan ko kaya hindi nila ako makikita.
Nagtatawanan sila. I don't believe na magkaibigan lang sila. Hindi ako tanga. At halata naman sa loko na may gusto siya kay Lavisha. Anyway, ano bang pakialam ko sa kanila? Magsama sila wala akong pakialam.
Nang madaanan nila ang sasakyan ko ay napatingin pa si Lavisha sa gawi ko. Nakita niya kaya ako? Alam niya kaya nandito ako sa loob? I don't think so. Baka nga hindi niya alam na sasakyan ko ito, kasi wala namang pakialam ang babaeng iyon sa mga bagay na pagmamay-ari ko... wala siyang pakialam sa akin.
Biglang nag-vibrate ang phone ko. May nag-text. Nilabas ko ang cellphone ko para basahin ito.
—
Baliw na babae:
Nandiyan ka na ba sa room mo?
—Bakit kaya niya tinatanong?
Ni-reply-an ko siya.
—
Ako:
Bakit mo tinatanong?
—
Baliw na babae:
Nakita ko kasi 'yong kotse mo. Hindi maayos 'yong pagkaka-park, baka ma-guidance ka pa.
—Ipa-park ko na nga sana ng 'yong kotse ko kaso nakita ko kayo kaya napahinto ako.
Teka, concern ba siya sa akin?
Ni-reply-an ko siya.
—
Ako:
Bakit hindi ikaw ang gumawa tutal ikaw ang nakaisip.
—
Baliw na babae:
Aba't! Ikaw na nga 'tong inaalala tapos ikaw pa 'tong nagsusungit.
—
Ako:
I don't need your concern.
—
Baliw na babae:
Edi don't!
—
Baliw na babae:
Hmp! Kahit kailan napaka gaspang ng pag-uugali mo!
—
Baliw na babae:
Mapadapa ka sana!
—Napailing na lang ako. Kahit sa message napaka ingay at daldal niya.
Inayos ko na ang pagkaka-park ng sasakyan ko at pumasok na sa building. Bago ako tumungo sa room ay dumaan muna ako sa banyo.
Kasalukuyan akong naghuhugas ng kamay sa sink nang may pumasok. At bad trip dahil ito ay walang iba kundi ang kaibigan-kaibigan na lalaki ni Lavisha. Hindi ko siya tinapunan ng tingin, I just saw him in my peripheral vision.
Ramdam ko ang pagtitig niya sa akin then he walked towards in my direction. At talagang tumabi pa siya sa akin at nahugas din siya ng kamay.
"Xaver, right? 'Yong boyfriend ni Lavisha, my bestfriend?"
Buti naman kilala niya ako.
Hindi ko siya pinansin at sa paghuhugas lang ng kamay ang atensiyon. Wala akong oras para sa katulad niya.
He laughed lightly while barely shaking his head. "Ano kayang nakita ni Lavisha sayo?"
Bored ko siyang tinapunan ng tingin. "Sino ka ba?" tanong na kunwri ay hindi ko siya kilala. "And yes, I'm Lavisha's boyfriend. Why? Have a problem on that?"
"Hindi mo ba narinig ang sinabi ko? I'm her bestfriends."
"So?" Inismiran ko siya.
"Umayos ka."
Nagsalubong ang mga kilay ko. "What?"
Ako sinasabihan niya ng ganiyan? Bakit sino ba siya sa tingin niya?
BINABASA MO ANG
The Fake Girlfriend
RomanceLavisha Magno have a peaceful life, pero ang tahimik niyang buhay ay nabulabog nang sa hindi inaasaang pangyari ay aksidente niyang natapakan ang cellphone ni Xaver Alvuena. Hindi alam ni Lavisha kung paano niya mababayaran ang cellphone nitong ubo...