Kabanata 42

90 1 0
                                    

Lavisha's POV

AYOS na ang pakiramdam ko. Paano ba naman kasi hindi aayos, e kalahating araw ako nasa clinic kahapon. 'Yong natitirang oras ko hanggang sa mag-uwian ay inilagi ko sa clinic. Hindi na kasi ako pinayagan ni kuto and his friends na bumalik sa klase, maging sila din hindi na bumalik sa klase. Nang uwian naman ay nagulat ako dahil naabutan ko si Lancel sa labas ng gate, naghihintay sa akin. Buti na lang malayo pa lang natanawan ko na siya kaya naman nasabihan ko na agad si Xaver na dapat ay ihahatid ako. Sinabi ko kay Xaver na hindi dapat kami makita ng kapatid ko na magkasama kundi lagot ako, buti naman at naintindihan niya.

Ngayon bagong araw na naman, heto ako papasok na sa building pero napaatras ako nang makita Si Adrianna. Liliko na sana ako at iiba ng daan kaso huli na dahil nakita niya na ako.

Ayaw ko muna siyang makausap. Aaminin ko, may sama ako ng loob sa kaniya. Kasalanan niya kung bakit nagalit sa akin si Xaver. Hindi n'yo naman ako masisisi na magalit sa kaniya. Tao lang ako na umaandar ang pagiging over thinker. Kasi what if sinadya iyon 'di ba?

Oo maling akusahan siya pero hindi ko mapigilan, e! Hindi ko mapigilang hindi isipin na hindi iyon ang intensyon niya!

Agad niya akong nilapitan. "Lavisha, nasabi sa akin ni Caleb 'yong nangyari sa inyo ni Xaver. I'm sorry Lavisha, hindi ko alam na mangyayari iyon---"

"Hindi nga ba, Adrianna?" putol ko sa kaniya.

"Lavisha... hind---"

"Sinadya mong ibigay sa akin 'yong kuwintas 'no? Para magalit sa akin si Xaver?"

"Lavisha, hindi, nagkakamali ka ng iniisip, hindi ko magagawa sayo iyon. Ibinigay ko sayo 'yong kuwinstas dahil akala ko okay lang kay Xaver dahil girlfriend ka naman niya."

"Sana manlang tinanong mo muna siya kung okay lang sa kaniya. Regalo niya iyon sayo, e! Kaya dapat na pahalagahan mo! Hindi 'yong pinamimigay mo! Huwag ka namang maging insensitive, Adrianna!" Tumaas ang boses ko.

"I'm sorry Lavisha..."

"Hindi ka dapat sa akin mag-sorry kundi kay Xaver."

"Sobra siyang nasaktan dahil sa ginawa mo," aniko pa.

Hindi rin nagtagal at humaba pa ang pag-uusap namin, naghiwalay din kami agad.

"Xaver, anong ginagawa mo dito?" gulat kong tanong nang makita siya sa labas ng room ko.

"Ako na ang maghahatid sayo," aniya.

"Xaver, nakapangako na kasi ako kay Cyrus na magsasabay kami."

"Then, where is he?"

"Hinatid niya lang 'yong teacher namin sa faculty," sagot ko.

"I-text mo na lang siya, sabihin mo sasabay ko sa 'boyfriend mo'," aniya at hinatak na ako.

.

.

.

"NAGUGUTOM ka ba?" tanong niya. Nakasakay na kami ngayon sa sasakyan niya.

Napangiti ako ng malaki. Well, let just say na ito na ang bayad niya sa pang-aakusa sa akin kahapon. Buburautin ko siya ng bonggang-bongga hanggang sa maubos ang laman ng wallet niya, iyon ay kung maubos ko nga. Sa dami ng pera ng kuto na ito ay malabo iyon.

"Oum, nagugutom na ako," sagot ko na hindi mapigil ang ngiti.

"Saan mo gustong kumain?" tanong niya.

"Drive-thru na lang, dito na lang tayo kumain sa sasakyan. Okay lang ba?"

"Yea, of course."

"Marami kasi akong kakainin, nakakahiya naman kung makita pa ng iba kung gaano ako kalakas kumain."

The Fake GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon