Kabanata 90

64 4 0
                                    

Lavisha's POV

'YONG tensyon nangyari kanina between Xaver and Cyrus, agad na nawala at napalitan ng masayang inuman at kuwentuhan.

"Xaver, ayos lang ba sa daddy mo na mag-inom kayo dito?" I curiously asked.

"Hmn? Yea. Sanay na siya."

"Palagi kayong umiinom?"

"Nope. Kapag nagkakayayaan lang."

"Gaano kadalas naman iyang pagkakayayaan na iyan?"

"Every weekends."

Napasimangot ako. "Ang dalas pala. Buti ayos lang sa daddy mo?"

"Baby, nasa tamang edad na ako," natatawang sabi niya.

Nasa tamang edad na daw? Hindi halata.

"Lavisha, uminom ka naman, oh." Inabutan ako ni Mayet ng basong may lamang alak.

"Kung gusto mong uminom ikaw na lang, huwag mo siya idamay," malamig na ani ni Xaver.

"Daya naman. Lahat kami umiinom," anang ni Mayet. Lasing na ito.

"Mayet, lasing ka na," aniko.

"H-hinde ako lashing, Lavi."

"Mayet gusto mo bang umuwi na? Ihahatid kita," anang ko.

"Ayaw ko pa, Lavi."

"Pero lasing ka na," giit ko.

"K-kasalanan niya, e! Bakit ikaw pinigilan ka uminom ng boyfriend mo? Bakit ako hindi?"

"Mayet..."

"U-umaasa ako na pagbabwalan niya ako, kaso hinayaan niya lang ako." Natatawa ito ngunit lungkot ang mababakas rito.

"Xaver, ihatid na natin siya," aniko. "Shanny, Nicole, sumabay na rin kayo sa amin." Baling ko sa dalawa kong kaibigan na mukhang wala pang balak umuwi dahil abala sila sa pakikipagkuwentuhan kila Caleb at Adam.

"Ha? Ayaw ko pa," pagtutol ni Nicole.

"Me too, ayaw ko rin," ani rin ni Shanny.

"Baka malasing rin kayo," aniko.

"Malabo iyon. And if ever man ihahatid naman kami nina Adam at Caleb, di ba?" tanong ni Nicole sa dalawa.

"Yea, sure, no problem," sagot ni Adam.

"Kaya na kayong ihatid ni Adam," sagot naman ni Caleb.

"Si Adam ang mahahatid kay Nicole. Ikaw naman ang maghahatid sa akin," anang ni Shanny kay Caleb.

"Who told you na ihahatid kita?"

"Ay, suplado. But weather you like it or not, ihahatid mo ako."

Aba ayos 'tong si Shanny, paladesisyon.

"Ikaw, Cyrus, sasabay ka ba?" tanong ko rito.

Tumayo siya. "Ako na maghahatid kay Mayet."

"Sigurado ka?"

Tumango lang siya. "Sasabay ka ba?"

"Nice move, but sana hindi mo lang sinubukan. Hindi sasama sayo ang girlfriend ko. Ako ang maghahatid sa kaniya, or puwede rin naman dito ko na lang siya patulugin."

"Xaver!" Pinandilatan ko siya.

"Why?" Nagpatay malisiya siya.

Inirapan ko siya.

Napahagalpak naman siya. Umaandar na naman ang kapilyuhan niya.

"Ayaw ko pang umuwi!" Parang bata na nag-tantrums si Mayet. "Hindi ako uuwi! Gusto ko dito. Gusto ko pa uminom!"

The Fake GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon