Kabanata 46

87 3 1
                                    

Lavisha's POV

ANG plano ko pa naman ay iwasan siya, pero paano ko gagawin iyon kung siya na mismo ang lumalapit sa akin?

Kanina lang hindi ko alam kung paano siya haharapin. Hindi pa rin ako maka-recover sa paghalik niya sa akin, sabagay kagabi lang naman nangyari iyon, e!

Nang makita ko siya automatic na namumula ang mukha ko dahil sa hiya. Pero siya pa-cool lang, para bang wala lang sa kaniya 'yong ginawa niya kagabi. Don't tell me wala lang sa kaniya iyon? Aasa pa ba ako na may halaga sa kaniya iyon? Siyempre huwag na akong umasa 'di ba?

Nang matapos ang klase at pumatak na ang oras ng pananghalian, kila Cyrus ako sumabay. Kakaririn ko muna itong pag-iwas ka kahit pa nag-epic fail ako kanina.

"Himala yata sa amin ka sumabay?" -Mayet

"LQ ba kayo ng bebe Xaver mo?" -Shanny

"May taguan pa kayong nalalaman kanina, huh." -Nicole

"Psh! Yabang kamo," bulong-bulong ni Cyrus.

"Kumain na nga lang tayo. Sasabay ako sa inyo kasi 'di ba nangako sa inyo no'ng isang-araw? Na kayo naman ang sasabayan ko? Tinutupad ko lang," anang ko.

Thank God at hindi na sila nangulit pa sa kakatanong.

At nagpapasalamat din ako sa Diyos dahil lumipas ang buong maghapon na walang kuto na nagpakati ng ulo ko. Hindi na siya nagparamdam sa akin matapos ng pagpunta niya sa room kanina umaga, iyon na ang huling pagkikita namin.

Ngayon kasalukuyan na akong naglalakad palabas ng campus, uwian na kasi. Parang James Bond ang peg ko, tingin sa kanan, tingin sa kaliwa. Tinitignan ko kung may kuto sa palagid. Nakahinga ko ng sobrang luwag nang makitang wala. Binilisan ko ang paglalakad ko at nang tuluyan na akong malakabas at makalayo sa CLU ay saka lang naging normal ang tibok ng puso.

...

Xaver's POV

TATLONG araw ko nang hindi nakikita si Lavisha. Hindi siya magpupunta sa VIS room. Ayaw ko naman puntahan siya sa room dahil bakit ko naman gagawin iyon 'di ba? Hindi siya ganoon ka importante para pagsayang ko ng oras at pagod.

"Saan kayo pupunta?" tanong ko dalawang tukmol. Imbis kasi na papunta kami sa VIS room ay liliko sila, iiba sila ng daan.

"Sa canteen, sasabay kami kay Lavisha mag-lunch. Nadadamay kami sayo, ikaw lang 'yong iniiwasan niya, e," sagot ni Caleb.

"Iniwasan niya ako?" tanong ko.

"Ano ba sa tingin mo, dre?" tanong ni Adam.

Is that for real?

Bakit niya naman ako iiwasan?

"Mauna na kami dre, don't worry may kasabay ka naman, pinapunta namin doon si Adrianna. Kapag hinanap niya kami sa sabihin mo-ikaw na lang ang gumawa ng dahilan, bahala ka na," wika ni Caleb.

"Enjoy, dre," ani pa ni Adam at iniwan na nila ako.

Well hindi na masama, sobrang good news nga, e. Masosolo ko ang pinakamamahal kong babae.

"NASAAN sila Adam?" Iyan agad ang tanong ni Adrianna pagkapasok na pagkapasok dito sa silid.

"Hindi sila makakasabay sa atin. Si Caleb na library nagbabasa na naman. Si Adam naman nasira ang tiyan kaya ayon nagkukumpisal sa CR," bored na sagot ko.

"Si... Lavisha?"

"Sa mga kaibigan niya sasabay."

"So, tayong dalawa lang?"

The Fake GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon