Kabanata 55

92 3 1
                                    

Lavisha's POV

"HINDI pa ba tayo uuwi?" tanong ko kay Xaver. "Wala naman tayong ginagawa dito, e, kung hindi panoorin sina Adrianna at Marcuz. Tapos magpanggap na sweet kapag aksidenteng napapatingin sa direksyon natin si Adrianna. E, sa totoo lang parang waeffect naman kay Adrianna ang ginagawa natin."

"Nope, hindi pa tayo uuwi."

"Kung ganoon doon muna ako sa table nila Adam at Caleb."

"Anong gagawin mo doon?" kunot noong tanong niya.

"Makikipag-chikahan sa kanila, ang gara mo kasi kausap, e. Para kang robot, isang tanong–isang sagot."

"Iiwanan mo ako dito?"

"Puwede ka namang sumama kung gusto mo. Ikaw naman kasi, e. Masiyado kang pa-sadboy. Pahiwalay-hiwalay ka pa sa mga kaibigan mo, dinamay mo pa ak—"

"Kung gusto mo silang kasama go to them." Ang iritasyon ay nasa tinig niya.

"Tampururot naman agad 'to. Siyempre ikaw pa rin ang pipiliin ko 'no."

"Then good, good choice."

"E, ikaw ba, between sa amin ni Adrianna... sino ang pipiliin mo?" tanong na bigla na lang lumabas sa binig ko dahilan para matigilan siya at mapatitig sa akin.

Napahagalpak siya. "Anong klaseng tanong iyan? Of course it's Adrianna, It's always her. Lagi ko siyang pipiliin, hindi na kailangan ng choices.

"Alam ko naman iyon, e. Sinusubukan lang kita. Baka kasi mamaya napo-fall ka na sa akin."

Napahagalpak ulit siya at this time sobra na ang pagtawa niya. "Me?" He pointed himself. "Mapo-fall sayo? Impossible. Hindi mangyayari iyan. Never."

Parang sinagasaan ng ten wheeler truck ang puso ko nang marinig ang salitang binitiwan niya.

"Grabe ka naman, parang biro lang naman."

Grabe siya sa puso ko 'no? Torture na torture, e.

"You know what, imbis na ako ang pinapanalangin mo na mahulog sayo–na imposible namang mangyari bakit hindi na lang 'yong taong gusto mo?"

Ikaw nga 'yong gusto ko, e!—Ang mahal ko!

"Gustong-gusto mo ba talaga siya?" tanong niya pa.

"Mahal ko siya..." mahinang wika ko.

...

Xaver's POV

Mahal ko siya. Paulit-paulit na nag-replay sa utak ang sinabi ito ni Lavisha.

Ganoon na kalalim ang nararamdaman niya sa lalaking iyon?

"Kung alam mo lang, lagi kong pinapanalangin–hinihiling na sana ako na lang 'yong babaeng mahal niya."

Napabuntong hininga ako. "Parehas pala tayo," wika ko.

Sunod-sunod siyang umiling. "Hindi tayo magkapareho, Xaver. Kasi hindi katulad mo---ako kaya kong magpraya, kaya kong isantabi ang nararamdaman ko. Kung sa piling ng babaeng iyon talaga siya magiging masaya... willing ako mag-give way. Ang hangad ko lang naman ay kasiyahan niya e, kasiyahan na hindi niya kailanman matatagpuan sa akin. Makita ko lang siyang masaya solve na ako doon, kahit pa ang kapalit ay pagkadurog ng puso ko..."

"That's bullsh*t, Lavisha! Katangahan iyang ginawa mo."

"Alam ko."

"Dahil sa isang lalaki magpapakatanga ka?" Iritado kong tanong.

Kung sinuman ang gag*ng lalaking tintukoy niya damn him! Ang tigas ng mukha niya!

"Bakit ikaw ba, hindi ka rin nagpapakatanga kay Adrianna?"

The Fake GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon