Kabanta 67

92 4 1
                                    

Xaver's POV

"No offensement, dre. Pero ikaw na yata ang pinaka tanga at pinaka duwag na taong nakilala ko."

Nagpantig ang tenga ko sa sinabi ni Caleb. "Anong sabi mo?"

"Hanggang kailan mo lolokohin iyang sarili mo?"

"You are talking nonsense, Caleb."

"Alam kong gusto mo si Lavisha."

"Saan mo naman napulot iyan?"

"Bakit hindi ba? Wala namang mawawala sayo kung aaminin mo."

"Tsk!" tanging nasabi ko.

"Ikaw rin dre, pabagal-bagal ka, sige ka baka maunahan ka ng iba."

"Last time na nag-usap kami, ako pa rin ang gusto niya."

"Kaya ba malakas ang loob mo na iisang-tabi muna siya, ganoon ba? Then what pupulutin mo lang siya kapag may bayag ka na?--Kapag na-realize mo na ang halaga niya? Hindi ka pa ba natuto sa nangyari sa inyo ni Adrianna? Ano saka mo lang pahahalagahan kung kailan huli na?--Kung kailan wala na sayo? Tapos saka ka maghahabol. Kung hindi ka ba naman kasi tanga. Simpleng bagay ginagawa mong kumlikado," mahabang lintaya ni Caleb sa inis na tinig.

"Hindi ko kailangan ng lecture mo. Alam ko ang ginagawa ko," wika ko.

"Talaga lang, ha dre?"

"Natuto na ako sa pagkakamali ko. Kung noon hinayaan ko si Adrianna na iwanan ako... hindi kay Lavisha."

Kung sa utak ko ako babase, ang gulo-gulo nito. Pero kapag sa puso na, isa lang ang sinasabi nito. I like Lavisha, I really really damn do. Actually matagal na, sadyang in denial lang ako.

I'm going to win her back, lahat gagawin ko, kung kinakailang kong lumuhod at magmakaawa... I will do it.

"So, sinasabi mo ba na gusto mo si Lavisha? Like I said it's so obvious but I want to hear it para makasigurado."

"...para hindi na ako makigulo pa..." May sinabi pa siya ngunit sa sobrang hina nito hindi ko na naintindihan pa.

"Higit pa sa pagkagusto, Caleb," anang ko.

...

AGAD akong humilata sa kama pagkapasok ko sa kuwarto ko.

Iba pala sa pakiradam kapag naamin mo na sa sarili mo ang isang bagay na dini-deny mo. Gumaan ang pakiramdam ko.

Bakit ko nga ba deni-deny ang nararamdaman ko kay Lavisha? Because Adrianna is right. Hindi ko matanggap na niloko niya ako at sa kaibigan ko pa. Nabulagan ako. Inakala kong pagmamahal 'yong insecurities na naramdaman ko. Imagine, isa ako Xaver Alvuena tapos lolokohin niya lang? Anong mayroon ang Marcuz na iyon na wala sa akin? I'm better than him sa kahit na anong bagay!

Pero ngayon wala na sa akin iyon. Magsama na sila ni Adrianna wala akong pakialam. Si Lavisha na lang ang mahalaga sa akin.

Ipinikit ko ang aking mga mata at ang weird lang dahil imbis na dilim ang nakikita ko ay ang nakangiting mukha ni Lavisha ang nakikita ko, mga ngiti niyang miss na miss ko na.

Damn! Bakit ngayon ko lang na-realize ang halaga niya sa akin?---Kung kailan wala na siya sa akin.

Tanggapin niya pa kaya ulit ako? Sa dami ng sakit na ibinigay ko sa kaniya?

'Nagawa ka nga niyang mahalin habang nasasaktan siya 'di ba? Paano pa ngayon? Basta maging sinsero ka lang sa kaniya,' my thought said.

Yea. Tulad nga ng sinabi ko. Kung kinakailang kong lumuhod at magmakaawa, gagawin ko.

...

WOW! Ngayon lang ako pumasok ng maaga. Inagahan ko talaga kasi ganitong oras pumapasok si Lavisha. Gusto ko siyang makausap. Ito 'yong perfect timing. Wala siyang kawala sa akin.

Sa room niya na ako dumiretso at ang suwerte ko dahil siya pa lang narito. Abala siya sa pagbabsa.

Dire-diretso akong pumasok at naupo sa bakanteng upuan sa tabi niya.

Napabaling siya sa akin at nanlaki ang mga mata niya nang makita ako.

"Good morning," bati ko sa kaniya.

"X-xaver? A-anong ginagawa mo dito?"

"Binibisita ang girlfriend ko," anang ko.

"Mali ka ng napuntahan. Nasa kabilang building ang room ni Adrianna," aniya.

"Kailan pa ba naging Adrianna ang pangalan mo? Mas maganda 'yong Lavisha. Mas gusto ko iyon."

Napatayo siya at matalim akong pinagkatitigan. "Ano naman ba itong laro mo, ha? Ano bang kailangan mo sa akin?Nananahimik na ako, oh!

Napatayo rin ako. "May gusto lang akong linawin sayo."

"Hindi ako interesado sa kung anuman ang sasabihin m—"

"Hindi kami nagkabalikan ni Adrianna."

Mapakla siyang natawa. "Kaya ba narito ka na naman, lumalapit sa akin? Anong gusto mong mangyari? Magpanggap ulit akong girlfriend mo, ganoon ba?"

Hinawakan siya sa mga kamay at pinagkatitigan sa mga mata. Ramdam ko ang pagkagulat niya sa ginawa kong ito. "Wala ng pagpapanggap Lavisha. This time totoo na. Totohanin na natin."

"A-anong ibig mong sabihin?" naguguluhang tanong niya.

"I like you, Lavisha. I really really damn do!"

Peke siyang natawa. "Gusto mo ako? Joke ba iyan? Kahapon lang si Adrianna pa ang gusto mo—ay correction mahal pala. Siya pa ang mahal mo tapos ngayon biglang ako na? Ang galing naman ng puso mo, ang bilis mag-switch ng feelings mo!"

"Listen to me Lavisha. Matagal na kitang gusto, hindi ko lang nabigyan ng pansin dahil akala ko si Adrianna pa rin, pero hindi na pala. Nabulagan ako. Hindi ko matanggap na niloko ako ni Adrianna kaya pinaniwala ko ang sarili ko na mahal ko siya kasi ayaw kong maging talunan!"

"At sa tingin mo maniniwala ako diyan? Baka nakakalimutan mo. Ako 'yong kasama mo noong mga panahong hayok na hayok kang bumalik sayo si Adrianna! Sobrang effort ka to the point na kumuha ka pa ng magpapanggap na girlfriend mo. Tapos ngayon sasabihin mo sa akin wala lang iyon? Puwede ba huwag mo akong gawing tanga? Ginawa mo na sa akin iyan, e! Ngayon natuto na ako! Hindi na ako magpapauto at magpapasindak sayo! At kung balak mong ipanakot 'yong cellphone mong nasira ko, matagal ko ng nabayaran iyon sa dami ng sakit na dinanas ng puso ko sayong letche ka!"

Galit siya sa akin, iyan ang nakikita ko sa mga mata niya.

The Fake GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon