Kabanata 39

88 3 1
                                    

Lavisha's POV

ANG sakit ng ulo ko, mukhang lalagnatin yata ako. Pero wala 'to. Aagapan ko na ng gamot para hindi na matuloy pa. Kailangan kong pumasok dahil malapit na ang sem break. Ang pangit naman kung uunahan ko ang sem break sa pagbabakasiyon 'di ba? Saka baka may ibigay na project or what. Ganiyan naman kasi ang mga teacher, magbabakasiyon nga't lahat-lahat pero may pahabol pang gawain.

"Ayos ka lang ba?" tanong sa akin ni Lancel. "Ang tamlay mo."

Dahil sayo. Masiyado mo akong ini-stress.

"Ayos lang ako, hindi lang ako nakatulog ng maayos kagabi."

"Kung inagahan mo kasi ang uwi mo edi sana maaga kang nakatulog," asik niya.

Hindi pa rin ba siya tapos sa panenermon niya?

"Masama na nga ang pakiramdam ko, inaaway mo pa ako."

He sighed. Dumukwang siya at hinipo ang noo at leeg ko. "Uminom ka na ba ng gamot?" tanong niya pa.

"Oum, kakatapos lang."

"Huwag ka na kayang pumasok?"

"Hindi puwede."

"Ang sabihin mo, gusto mo lang makita at makasama ang boyfriend mo," matabang niyang sabi.

"Boyfriend?--Sinong may boyfriend?" Si mama na kalalabas lang ng kusina. "Lavisha, may boyfriend ka na?"

Itong Lancel naman kasi na ito, e! Napaka ingay! Ngayon kailangan ko na namang umisip ng palusot. Kotang-kota na ako sa pagsisnungaling!

"Ah, mama. Hindi po--wala po. Ang pinag-uusapan po namin ni Lancel ay... sinasabi ko po sa kaniya na wala pa akong panahon sa pagbo-boyfriend, kaya dapat tularan niya ako."

"Talaga ba?" Lancel murmured.

Pinandilatan ko siya ng mga mata para iparating sa kaniya na... "Itikom mo iyang bunganga mo".

"Iyon nga ang pinag-uusapan namin, ma," sakay ni Lancel.

"Iyan lang naman talaga ang mahigpit naming bilin sa inyo. Pag-aaral muna ang atupagin. Papayagan naman namin kayong mag-boyfriend at mag-girlfriend pero saka na kapag nakatapos na kayo ng pag-aaral."

"Narinig mo iyan ate, ha? Bawal ka pa daw mag-boyfriend," ani ng kapatid ko at talagang pinagdiinan niya pa ang salitang 'boyfriend'.

"Hindi lang ang ate mo Lancel, maging ikaw rin," wika ni mama.

"Mama, makakaasa kayo sa akin. Saka wala naman talaga akong balak mag-boyfriend. Babae ang gusto ko."

"Ay, ang defensive, babae nga ba talaga?" tudyo ko.

"Ate, sa ating dalawa ikaw ang may tinatago. At alam ko kung ano iyon. Gusto mo ba i-share ko kay mama?" nakangising bulong sa akin ni Lancel.

Putik talaga itong kapatid kong ito!

"Subukan mo lang. I swear, iyang paratang mo na iyan tototohanin ko iyan," banta ko.

"Anong pinagbubulungan n'yo diyan?" tanong ni mama.

"Wala po," sagot ko.

"Oh siya, bilisan n'yo diyan sa pagkain n'yo at baka ma-late pa kayo sa klase," ani pa ni mama.

"Ihahatid na kita sa school mo," biglang salita ni Lancel na nagpatigil sa akin sa ambang pagkagat ko sa hawak kong pandesal.

Napabaling ako ng tingin sa kaniya. "Bakit?"

"Anong bakit? Sabi ko ihahatid na kita."

"Ngayon mo lang ako naisipang ihatid sa school. Saka ano ako, bata?" Sa malamang gusto niya lang ako bantayan.

The Fake GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon