Kabanata 26

95 2 1
                                    

Xaver's POV

"ALAM mo Xaver, kung may tampuhan kayo ni Lavisha, kausapin mo na siya agad para naman magkaayos na kayo," ani ni Adrianna.

"Siguro mamaya na," wika ko.

"Bakit mamaya pa?–Bakit hindi pa ngayon?"

"Tatarayan lang ako no'n. Mamaya na kami magtutuos kapag kaming dalawa na lang."

Nakakainis! Wala na kaming pinag-usapan na iba kundi puro si Lavisha na lang. Speaking of, heto siya sa tabi ko but not totally in my side, may isang dipa ang layo niya sa akin. Himala yata ang tahimik niya? Sa malamang baka naglalakbay na naman sa kung saan ng utak niya.

Hindi nagtagal ay narating na namin ang lugar na sinasabi ni Lavisha. Isa itong parke.

"Nandito na tayo!" masayang wika ni Lavisha, tapos ay nagtatakbo na siya papalapit sa tindahan ng fishball.

Parang bata.

Sinundan namin siya. Napaka takaw niya talaga, hindi manlang kami hinintay, nag-umpisa na agad siyang kumain.

"Kumuha ka na Adam, pero halagang singkuwenta lang, ah? Huwag mo akong gugulangan," anang ni Lavisha kay Adam.

"Teka, ililibre mo si Adam, Lavisha?" tanong ni Caleb kay Lavisha. "Ang unfair mo naman. Bakit siya lang?"

"May utang kasi ako sa kaniya. Saka ano naman kung ililibre ko siya? Huwag mong sabihing magpapalibre ka rin? Aba'y ang yaman-yaman mo kaya!"

"Dapat lang na ilibre mo ako, you invited me," anang ni Caleb.

"Dapat pala hindi na kita inimbita, e!"

Caleb laughed lightly. "Just kidding. But next time ako naman ilibre mo, ah?"

"Oum, sige, promise iyan," sagot ni Lavisha.

"Tsk. Nagpapalibre kayo diyan, e wala naman iyang pera,"  bulong ko.

"Ikaw ba Xaver, hindi ka kakain?" tanong sa akin ni Adrianna.

"Hindi ako gutom," sagot ko. "Tara, bili tayo ng pagkain mo," aniko at naglakad na ako. Nagpatiuna ako para hindi siya makatanggi pa.

"Xaver, saan kayo pupunta?" tanong ni Adam.

"Diyan sa seven/eleven," sagot ko.

"Pupunta kayong seven/eleven?" tanong ng baliw na babae kahit pa narinig na naman niya.

"Oum, Lavisha. Gusto mo ba sumama?" tanong ni Adrianna kay Lavisha.

Umiling si Lavisha.

Tatanong-tanong di naman pala sasama.

"Gusto ko ng ice cream, kaso wala na akong pera. Sayang naman." Narinig kong bulong ni Lavisha.

...

Lavisha's POV

"OH." Nagulat na lang ako ng bigla akong abutan ng ice cream ni Xaver.

"Para sa akin iyan?" gulat at hindi makapaniwala kong tanong.

"Kanino pa? Sayo ko inaabot 'di ba?" pamimilosopo niya.

Agad ko naman itong tinanggap. "S-salamat," aniko sa maliit na tinig. Ang galing nalaman niyang gusto ko ng ice cream.

"Ice cream lang binili n'yo, dre? Tapos para kay Lavisha lang? Akala ko ba bibili din kayo ng makakain n'yo?" tanong ni Adam.

"Wala kaming natipuhan, e," sagot ni Xaver.

"Ibang klase ka, Lavisha. Hindi ka ba nabusog sa dami ng kanain mo? Nakuha mo pa talagang mag-ice cream," anang ni Caleb.

"E, bakit ba? Bigay sa akin 'to ni Xaver, e. Alangan namang tanggihan ko, e blessing 'to," wika ko.

The Fake GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon