Lavisha's POV
TALAGA ngang walang balak ang kuto na iyon na pauwiin ako! Nababaliw na siya!
"Here. Kumain ka muna," ani ng telepandas habang binababa ang tray ng pagkain sa kama.
Hindi ko siya pinansin at nagtalukbong ng kumot.
Naramdaman ko ang pagupo niya sa kama. "Baby, you need to eat, kagabi ka pa hindi kumakain."
"Iuuwi mo ko ako, sa bahay ako kakain. Ayaw ko niyan, mamaya may lason pa iyan."
O kaya gayuma.
'Gayuma? Hindi na kailangan no'n dahil patay na patay ka na sa kaniya,' -my thought said.
Hindi ah! Wala na akong nararamdaman sa kaniya. Siya rin ang pumatay no'n---pinatay niya ang puso ko!
'Talaga ba? Kaya pala pinapatibok niya pa rin nang mabilis ang puso mo,' -my thought again.
Kinakabahan lang ako. Sino ba kasing hindi kakabahan sa pinaggagawa niya? Hello, he kidnapped mo kaya!
"We already talked about that. Hindi kita uuwi. That is final." Aniya na nagpabalik sa akin sa huwisyo.
"Kung ganoon hindi din ako kakain. That is final too!"
"Sure ka hindi ka kakain? Edi okay more for me. Sarap pa naman nitong fried chicken."
Fried chicken? Bigla akong naglaway. At 'yong mga bulate ko sa tiyan, nagkislutan.
Tinanggal ko ang pagkakatalukbong sa akin ng kumot. "'Yong chicken ko?" tanong ko at hanap sa pagakin. Natagpuan ko itong nakapatong sa kama, malapit lang sa akin. Lalo akong natakam ng makita ko ito.
"Akala ko ba ayaw mo?" nakangising tanong niya.
"Hindi ba puwedeng magbago ng isip?"
Mahina siyang natawa habang bahagyang napapailing.
Tinaasan ko siya ng isang kilay.
"Ubusin mo 'to lahat, ah. Niluto ko talaga ito para sayo," aniya.
"Eh, Ikaw?" mahinang tanong ko.
"Don't mind me. Makita lang kitang maganang kumakain at mabusog, solve na ako."
Naramdaman ko ang pag-iinit ng pisngi. 'Ano ba, Lavisha, huwag ka papadala sa kaniya at sa flowery words niya!' sita ko sa sarili ko.
"Hindi naman yata tamang kumakain ako dito tapos ikaw diyan nakatunganga."
Napahagalpak siya. "I already ate."
Napaismid ako. "Nauna ka na? Bakit ayaw mo ba akong makasabay?"
"Bakit gusto mo ba?"
"Ayaw ko!" maagap kong sabi.
"Kita mo na? Alam kong ayaw mo akong kasabay kaya nauna na ako."
"Still, dapat sinubukan mo pa rin. Aish! E, ano pa nga bang aasahan ko sayo? Selfish at hindi ka gentleman."
Napangiti siya.
"Oh, anong nginingiti-ngiti mo diyan?"
"Sabihin mo na lang na gusto mo akong makasabay kumain, kakain ulit ako."
"Hindi na. Mahahatian mo pa ako sa chicken, e."
"Damot naman." Hindi pa rin nawawala ang ngiti sa labi niya.
"Hindi ako madamot, sadyang super gutom lang talaga ako."
"Hindi rin. Ang sabihin mo sadyang matakaw ka lang talaga," natatawang sabi niya.
BINABASA MO ANG
The Fake Girlfriend
RomanceLavisha Magno have a peaceful life, pero ang tahimik niyang buhay ay nabulabog nang sa hindi inaasaang pangyari ay aksidente niyang natapakan ang cellphone ni Xaver Alvuena. Hindi alam ni Lavisha kung paano niya mababayaran ang cellphone nitong ubo...