Lavisha's POV
Gusto niya ako?
May part sa puso ko natuwa pero nawala din ito ng ma-realize ko na baka parte na naman ito ng laro niya.
Gusto niya ulit akong magpanggap na girlfriend niya. Alam kong iyan ang dahilan ng pagpunta niya dito. Kasi ano pa bang ibang dahilan 'di ba? Hindi ako naniniwala na gusto niya ako, kasi last time I checked si Adrianna ang mahal niya.
"Lavish—"
Hindi ko na siya hinayaan pang matapos sa sasabihin niya. "Umalis ka na. Baka hindi ako makapagpigil at mahampas kita ng silya!"
"Anong ginagawa mo ditong gago ka?" Si Cyrus na kararating lang at agad na lumapit sa akin at inilayo ako kay Xaver. "Ginigulo ka ba ng lalaking iyan?" tanong sa akin ni Cyrus.
"Huwag ka makialam dito, boy bestfriend. It's matter between me and her," seryosong wika ni Xaver.
Cyrus chuckled. "At least ako may katayuan sa buhay niya, unlike you... an ex, ex na hindi na babalikan pa ni Lavisha."
"How sure are you?"
"One hundred percent sure. Kaya nga iniiwasan ka na niya."
Nagtagis ang bagang ni Xaver. "Ang sabihin mo, bantay salakay ka. Sa tingin mo ba ngayong wala na kami magkakaroon ka ng pag-asa kay Lavisha? Gago, hanggang bestfriend ka na lang!"
"Puwede ba, Xaver, umalis ka na? Nanggugulo ka lang, e!" anang ko.
"Ako pa talaga? E, siya itong umepal sa pag-uusap natin!"
"Tapos na tayong mag-usap. Umalis ka na."
"We're not yet done," seryosong aniya sa akin then tinapunan niya ng masamang tingin si Cyrus na para bang binabalaan niya ito, tapos tinalikuran niya na kami at iniwan.
"Ano bang kailangan sayo ng lalaking iyon?" tanong sa akin ni Cyrus.
"Hindi ko alam." Hindi ko alam kung paniniwalaan ko ba siya o ano. Pero mas mabuting hindi na lang dahil panigurado kasinungalingan lang naman 'yong pinagsasabi niya. Gusto niya ako? Sa lahat ng puwede niyang sabihing kasinungalingan 'yong hindi pa talaga kapani-kapaniwala.
...
Xaver's POV
BUWISET! Mas lalong naging mailap sa akin si Lavisha, dagdagan pa no'ng Cyrus na laging nakabakod sa kaniya. Ayaw siyang hiwalayan ng loko. Kahit saan siya magpunta nakabuntot ito. Pero kung inaakala ng lokong iyon na na panalo na siya nagkakamali siya. Hindi niya alam kung sino ang binabangga niya.
Pagkatapos ng klase ko ay agad akong dumiretso sa room ni Lavisha at sakto dahil labasan na rin nila.
"Ano na namang ginagawa mo dito?" blangkong tanong niya.
"Sa akin ka na sumabay, ihahatid kita sa inyo."
"Kay Cyrus ako sasabay."
"Again? Sa kaniya ka na sumabay noong isang araw pati kahapon, ah!"
"E, ano ngayon? May problema ba doon?"
"Baka nakakaabala ka na sa kaibigan mo," matabang kong sabi.
"Hindi siya magiging abala sa akin kailanman," pagsingit ng asungot.
"Huwag kang makisali, hindi ka kinakausap," inis na ani ko sa asungot.
"Alam mo Xaver, imbis na ako ang kinukulit mo doon ka kay Adrianna magpalakas at magpasikat." At nilagpasan niya na ako. Nakasunod naman sa kaniya ang mga kaibigan niya na inirapan at inismiran muna ako bago lagpasan.
BINABASA MO ANG
The Fake Girlfriend
RomanceLavisha Magno have a peaceful life, pero ang tahimik niyang buhay ay nabulabog nang sa hindi inaasaang pangyari ay aksidente niyang natapakan ang cellphone ni Xaver Alvuena. Hindi alam ni Lavisha kung paano niya mababayaran ang cellphone nitong ubo...