Kabanata 49

92 2 1
                                    

Lavisha's POV

PUMATAK ang oras ng tanghalian. Nagpa-deliver ulit kami ng pagkain. Nagtubig ang bagang ko nang makita sa hapag ang mga pagkaing ni-request ko.

Nang mag-umpisa na kaming kumain ay agad kong tinarget alert ang paborito kong cabonara. Ang dami kong paborito 'no? Ganito talaga kapag may pagka-PG.

Kukuhain ko na sana ang carbonara na nakalagay sa styro kaso natigilan ako dahil nagkasabay kami ni Adrianna sa pagdampot nito. Nagkatinginan kami ni Adrianna.

"Sayo ba iyan, I'm sorry." Sabay bitaw niya sa styro.

"Gusto mo ba? Sayo na, oh." Inabot ko sa kaniya.

Payak siyang ngumiti. "Hindi na, Lavisha. Sayo iyan, e. Ikaw ang nagpa-oder niyan." Tanggi niya.

"Puwede naman tayong maghati, e," wika ko.

"Hindi na, Lavisha."

Hindi ko na siya pinilipit pa. Sabi ko nga maghati na lang kami kaso mukhang ayaw niya naman akong kahati, e. Kahit ako din naman ayaw ko ng kahati. Gusto ko sa akin lang.

'Ang tanong gusto ka ba?' ani ng kabilang parte ng utak ko.

'Pagkain ang tinutukoy ko,' sagot ko.

Pagkatapos naming kumain ay laking pagkabigla ko nang bigla na lang akong kinaladkad ni Xaver papunta sa dalampasigan, malayo sa mga kasama namin. At base sa ekspresiyon ng mukha niya... galit siya.

"Ano iyon, Lavisha? Ang damot mo naman! Bakit hindi mo na lang ibinigay kay Adi 'yong carbonara?

Wow! Ako pa 'yong madamot? Samantalang ako itong palaging nagpaparaya. Pati 'yong mararamdaman ko isinantabi ko maging masaya ka lang!

"Sana nagparaya ka na lang," aniya pa.

"Hanggang kailan ba ako magpaparaya, Xaver?" Hindi ko na napigilang bulalas.

"What?" Kumunot ang noo niya.

"Ahh, wala. Ang ibig ko sabihin ay binibigay ko sa kaniya, kaso ayaw naman niyang tanggapin, e."

"Kaya kinain mo? Sana manlang nag-initiate ka."

"E, ayaw niya nga! Anong magagawa ko? Saka akin naman iyon, e! Ako ang nagpa-order no'n! Gusto niya pala ng ganoon. Bakit hindi siya nagpa-order? Bakit kailangan niyang makiagaw sa akin? Ano gusto niyang ipamukha sa akin na lahat ng gustuhin niya makukuha niya?" Hindi na ako nakapagtimpi, sumabog na ako. Pagkatapos kong magsalita ay agad akong sumibat.

...

ANG buong araw namin ay winaldas namin sa pagligo sa dagat at pag-iikot-ikot. Naging masaya naman ako kahit pa ramdam ko ang harang sa pagitan namin ni Xaver. Bakit parang iniiwasan niya ako?

'Hindi ka niya iniiwasan, sadyang malamig lang talaga ang trato niya sayo kapag kasama niya si Adrianna. Hindi ka pa ba nasanay?' Ani ng kabilang parte ng utak ko.

'Sanay na ako, pero siyempre naaapektuhan pa rin ako.'

"Tok, tok!" Katok sa pinto ng kuwarto ko. "Lavisha?" Boses ni Xaver.

Dali-dali akong bumangon sa pagkakahilata ko sa kama at agad na tinungo ang pinto para buksan ito.

"Xaver... bakit?"

"Samahan mo ako."

"Saan?" tanong ko.

"Niyaya ko kasing maglakad-lakad si Adrianna, pero siyempre sinabi ko kasama ka para sumama siya."

Payak akong napangiti. "Ganoon ba... sige. Sandali magbibihis lang ako."

Nakapantulog pa kasi ako. Nagpalit lang ako ng kumportableng damit, my usual outfit t-shirt and jogging pants.

The Fake GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon