Kabanata 43

82 2 0
                                    

Lavisha's POV

INISA-ISA namin ang mga rides dito sa perya, octopus, rollercoaster, caterpillar, carousel. Sa buong ride namin wala akong ibang ginawa kundi magsisigaw, magsisigaw na akala mo mapapatid na ang ugat sa leeg, pero 'yong pagsigaw ko ay hindi dulot ng takot kundi ng tuwa. Ilang beses na ako nakasakay sa mga ito kaya sanay na sanay na ako.

"Ang saya 'di ba?" Baling ko kay Xaver sa likod ko.

"Tsk. Anong masaya doon?" Putlang-putla siya at kakatapos lang nitong sumuka.

"Ehhh... Ikaw naman kasi, bakit hindi mo sinabi sa akin na may fear of heights ka? Panay lang ang patangay mo sa akin kapag niyayaya kitang sumakay."

"Wala akong fear of heights, sadyang nahilo lang ako dahil sunod-sunod ang pagsakay natin, hindi mo manlang ako hinayaang makahinga ng kahit ilang minuto lang," nakasimangot na sabi niya.

Mga rides lang pala sa perya ang magpapatiklop sa isang Xaver Alvuena.

"Isa lang ang ibig sabihin niyan, weak ka--mahina ka. Daig pa kita." Nginisian ko siya.

"Teka sandali, maupo ka muna diyan." Tukoy sa bench sa tabi niya.

"Bakit, saan ka pupunta?" tanong niya.

"May bibilhin lang ako," aniko at iniwan na siya.

...

Xaver's POV

DAMN! Hilong-hilo ako. Nakakahiya para akong hindi lalaki, dinaig pa ako ni Lavisha. Imbis na siya ang mahilo at masuka... here, ako pa.

Unang sakay pa lang namin sa isang ride gusto ko nang masuka. Ayaw ko na sanang pumangalawa pa, kaso nang makita ko ang saya at tuwa sa mukha ni Lavisha, ewan ko ba pero natagpuan ko na lang ang sarili ko na nagpapatangay sa kaniya para sumakay sa mga rides na iyon na nagpayanig hindi lang sa katawan ko kundi maging sa kaluluwa ko. Oh, damn! Lavisha is right... I'm weak!

Hindi nagtagal ay nakabalik na si Laviha at may dala siyang bottled water.

"Uminom ka muna para mahimasman ka," aniya sabay upo sa tabi ko.

Tinanggap ako tubig na binibigay niya at ininom ito.

"Iyan lang ang nabili ko, iyan lang kasi ang keri ng bulsa ko. Alam mo ba, ang mahal kaya niyan. For real, trenta pesos para sa isang bote ng tubig? Hindi naman yata makatarungan iyon! Ipapa-Tulfo ko sila, humanda sila!"

'Yong hilong nararamdaman ko nawala matapos marinig ang sinabi niya. Napailing na lang ako habang natatawa sa aking isipan.

Bumaling siya ng tingin sa akin. "Ayos ka na ba? Nahihilo ka pa ba?"

"Hindi na. I'm perfectly fine now."

"Gusto mo ba umuwi na tayo para makapagpahinga ka na?" tanong niya pa. "Pero siyempre bago tayo umuwi, kain muna tayo ha? Nagutom kasi ako kakasigaw, e."

"Not yet. May hindi pa tayo nasasakyan," aniko.

"Oum, Ferris wheel ang last natin."

"Not that. I'm referring to that." Turo ko sa horror train.

Napalunok siya. "Ayaw ko diyan, hindi tayo sasakay diyan!"

Natatakot siya. Iyan ang nakikita ko sa mukha niya.

"Sinakyan natin lahat gusto ng mong sakyan. This time ako naman ang masusunod," sabi ko at nginisian siya.

"Gusto mo lang ako gantihan, e. Hindi mo kasi matanggap na weak ka."

"Nope. Wala akong intensyong ganiyan," tanggi ko pero iyon talaga ang gusto kong mangyari.

"Ah, basta, hindi mo ako mapapasakay diyan!"

The Fake GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon