Kabanata 25

99 1 0
                                    

Lavisha's POV

"NASAAN na ba sila?" tanong ko kay Adam.

"Si Caleb, dumaan pa sa library. Si Xaver naman pinuntahan si Adrianna."

"What if iwanan na lang natin sila?" aniko.

Bahagya siyang natawa. "Gusto mo bang pag-initan ka naman ni Xaver?"

Lagi niya naman akong pinag-iinitan. Wala ng bago doon.

"Hindi mo manlang ba ako ipagtatanggol? Akala ko pa naman sanggang dikit na tayo," aniko.

"Puwede rin naman," aniya.

"Hindi na. Alam ko namang solid 'yong friendship n'yo. Sino ba naman ako sayo para kampihan mo 'di ba?"

Marahan siyang natawa at ginulo ang buhok ko. "Mabuti pa puntahan na natin sila," aniya.

"E, hintayin na lang natin sila dito, nakakatamad maglakad."

Ano sila mga VIP? Kailangan sunduin pa?

"Ayan na pala si Caleb," anang ni Adam.

E, sila kuto kaya nasaan na? Binabagalan niya siguro lakad niya para masulit niya ang moment nila ng love of his life niya. Iba ka talaga kuto, ang galing mo dumiskarte.

"Sila Xaver, nakita mo ba?" tanong ni Adam kay Caleb.

Caleb shrugged. "Hindi ko napansin."

E, paano niya naman kasi mapapansin, e tutok na naman siya sa librong binabasa niya.

Napapansin ko dito kay Caleb, ang hilig niyang magbasa.

Hindi nagtagal ay dumating na rin sila kuto. Hmp! Abot tenga na  naman ang ngiti ng loko. Puro na lang siya Adrianna.

"Lavisha, okay lang ba talaga na sumama ako? Hindi ba ako makakaistorbo sa inyo?" tanong ni Adrianna. "Sabi ko naman kasi kay Xaver huwag na lang, kaso ang sabi niya ikaw daw ang nagpasama sa akin kaya hindi na ako tumanggi."

Ang galing talaga ni kuto, ginawa pa akong sangkalan.

"Oum, ako nga ang nagsabi kay Xaver na yayain ka." Sinakyan ko na 'yong sinabi ni kuto, wawa naman kasi, e. "Kasama din nati sila Caleb at Adam," anang ko pa.

"So, tara na?" ani ni Adam.

"Ako na ang magbubuhat ng bag mo," ani Xaver kay Adrianna.

"Hindi na, magaan lang naman 'tong bag ko," tanggi ni Adrianna.

Tignan mo 'tong kuto na 'to! Ako ang girlfriend pero mas iniintindi pa ang iba. Oo I know fake girlfriend lang ako at si Adrianna talaga ang mahal niya pero kasi ang alam ng lahat ako ang girlfriend, so dapat sa akin ang atensiyon niya. Saka paano namin mapagseselos si Adrianna kung ganiyan siya? Aish! Ang bobo! 'Yong puso niya ata nasa ulo niya e, kaya wala na siyang ibang alam kundi ang pagmamahal niya kay Adrianna.

"'Yong kay Lavisha na lang 'yong dalhin mo Xaver," mahinang ani ni Adrianna kay Xaver.

"Hindi na kailangan," masungit na wika ko. Heto na naman, aarte na naman ako 'alone',  kasi 'yong Xaver n'yo ay naulol na–nawala na sarili dahil pagkahumaling niya kay Adrianna. Sabagay wala naman talaga akong aasahan sa kaniya, palagi na lang ako 'yong umaaksyon, samantalang love niya 'to at siya 'yong makikinabang nito.

Pasimple kong siniko si Adam. Tumingin siya sa akin gamit ang nagtatanong niyang mga mata.

Pinandilatan ko siya at sinenyasan siya na makisali sa usapan. Mukhang na-gets naman niya.

"Nangangamoy love quarrel," sapaw ni Adam.

Sinenyasan ko rin si Caleb na gumatong.

Thanks God at naintindihan niya rin ang nais kong sabihin.

"Kanina lang ang sweet-sweet n'yo, ah?" ani naman ni Caleb.

"E, paano napaka galing ng isa diyan. Siya pa 'tong ganang magtampo. Parang hindi ko lang siya natawagan kagabi dahil nga nakatulog ako agad, tapos ayan sinusungitan na ako at hindi na ako pinapansin," wika ko.

Binato ako ni Xaver ng natatakang tingin.

Pansin ko lang, nagiging slow at aanga-anga si Xaver kapag nariyan si Adrianna.

"Iyon naman pala, Xave. Nakatulog lang pala, kaya huwag ka ng magtampo, pati si Adrianna dinadamay mo sa LQ n'yo ni Lavisha. Buti na lang talaga hindi selosa si Lavisha, kundi baka mapasama si Adrianna," patuloy pa rin na pagsakay ni Adam.

Kinuha ko ang cellphone ko at nagtipa ako ng message para kay Xaver.


To: Xaver
Hoy, Mr! Ano na? It's time to pretend na. Aba'y kung ganiyan ka ng ganiyan ay hindi mo talaga makukuha ulit si Adrianna. Napaka obvious mo. Pinapahalata mo talaga sa kaniya na patay na patay ka pa rin sa kaniya.

Nakita kong nagtipa rin si Xaver ng reply niya sa akin.


From: Xaver
Alam ko. Huwag mo ako pangunahan. At talagang dinamay mo pa talaga ang mga kaibigan ko.

Nag-reply ako.


To: Xaver
Siyempre, need ko ng suporta para mas bongga ang pag-arte. Galing ko ba?

From: Xaver
Hindi rin.

Hmp! Kunwari pa siya, for sure super thankful siya sa akin, sadyang in denial na lang siya dahil nahihiyang siyang aminin.

"Guys, naglalakad na lang tayo, malapit lang naman 'yong kalye na bilihan ng mga street food. Panigurado malulula at siyempre mabubusog kayo doon sa dami ng iba't ibang tindang street foods. Lahat ng tinda doon na natikma ko na at isa lang masasabi ko, solid 'yong lasa, napaka sarap."

"I can't wait na matikman," ani ni Adam.

"Pero teka kumakain ba kayo no'n? Si Adam kasi sabi niya kumakain daw siya. Kayo ba?" tanong ko sa kanila.

"I'm too," ani Caleb.

"Lavisha, hindi kasi ako kumakain no'n, e," mahinang sabi ni Adrianna.

"Huh?–Bakit naman hindi? E, ang sarap-sarap kaya ng street food. Seryoso hindi ka talaga kumakain no'n? Ayaw mo manlang ba i-try?"

"Hindi siya kumakain ng ganoon dahil bawal sa kaniya, sensitive ang tiyan niya," wika ni Xaver.

Mayayaman nga naman.

"Ako naman sensitive ang puso ko," bulong ko.

"E, paano iyan? Alangan namang tayo lang ang kumain at si Adrianna tumanod lang sa atin? 'Di ba parang ang pangit naman no'n?" aniko pa.

"Siguro, huwag na lang akong sumama," wika ni Adrianna.

"Hindi. Come with us. Baka naman may iba tayong mabili na pagkain doon na puwede sayo," pigil ni Xaver kay Adrianna.

Lahat talaga gagawin niya makasama lang si Adrianna.

"Oo nga, sumama ka na, may mga ibang  tinitinda pa naman doon, may convenient store din doon," wika ko.

Hindi na nakatanggi pa si Adrianna at sumama na sa amin. Habang papunta kami sa lugar na tinutukoy ko ay na kay Adrianna lang ang buong atensiyon ni Xaver. Kasabay ko silang naglalakad, pinagigitnaan namin ni Adrianna si Xaver. Alam n'yo ang pakiramdam ko para lang akong hangin sa kanila, hangin kasi nararamdaman nila 'yong presensiya ko pero hindi naman nila ako pinapansin–parang hindi nila ako nakikita–para bang walang 'ako' na nasa tabi nila.

The Fake GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon