Lavisha's POV
PAGLABAS ko ng kanto ay agad na naagaw ang atensyon ko ng pamilyar na sasakyan. Lumabas ang sakay nito at nilapitan ako.
"Hi." Nakangiti niyang bati sa akin.
"Anong gingawa mo dito, Adam?"
"Napadaan lang ako tapos naisip ko na hintayin ka na para sabay na tayo."
"Hindi na Adam, salamat na lang, parating na rin kasi si Cyrus, magsasabay kami."
"Pati ba naman ako iniiwasan mo? Akala ko pa naman sanggang dikit na tayo."
"Adam, hindi naman sa ganoon."
"Pero ganoon 'yong ginagawa mo. Oo kaibigan ko si Xaver pero labas ako sa issue n'yong dalawa."
"Pasensiya na, Adam. Sige na para hindi ka na magtampo diyan, sige sabay na tayo. Ite-text ko na lang si Cyrus."
"Iyon, oh! Lakas ko talaga sayo!"
"Wala ka naman kasing ibang pinakita sa akin kundi kabutihan. Ang sama ko naman kung lalayuan rin kita ng walang dahilan."
"Weh? Kung hindi pa ako nagpunta dito hindi mo naman mare-realize iyan."
"Sorry na nga, 'di ba?"
"Okay, sorry accepted, but kulang pa iyan."
"Huh?–Kulang pa?"
"Oo. Dapat ilibre mo rin ako."
"Ang demanding mo naman. Pero sige, pero ang keri lang ng budget ko, as usual street food."
"After class, ah? Pupuntahan kita sa room mo."
"Sige."
Sumabay na ako kay Adam at pagrating namin sa school ay nag-insist pa itong ihatid ako sa room ko kung saan nadatnan namin si Xaver na arang guwardang nagbabantay sa labas ng pintuan.
Ang dilim ng mukha niya. Galit ba siya? Ano na naman kayang dahilan?
"Adam, mag-usap tayo." Ubod ng lamig na wika ni Xaver, tapos ay nilagpasan na kami.
"May toyo na naman ang kaibigan mo," bulong kay Adam.
"Hindi siya tinotoyo. He's jealous."
"Jealous? Sa atin?"
"Yea."
"Bakit naman siya magseselos sa atin?"
"Alam kong alam mo na ang sagot diyan."
...
Xaver's POV
"BAKIT kayo magkasama?" tanong ko kay Adam.
"Nakita ko lang siya sa daan kaya sinabay ko na. Sa school din naman pareho ang punta namin."
"Adam, tapatin mo nga ako. May gusto ko ba kay Lavisha? Tinanong ko na sayo ito noon pero iniwasan mo lang, hindi mo sinagot, kaya ngayon tell me. 'Yong totoo lang!"
"Yes, I like her," walang paligoy-ligoy niyang sagot.
My hands turned into fist. "No. Hindi mo siya puwedeng magustuhan. She's mine." Seryosong wika ko.
"She's not yours, dre."
"SA AKIN SIYA!" mariin kong sabi.
"You already dump her, right?"
"I know, pero pinagsisisihan ko na iyon. Iyon ang pinaka bobong ginawa ko sa buong buhay ko. Napaka laki kong tanga dahil pinakawalan ko pa siya."
"So, sinsabi mo ba na gusto mo siya? How about Adrianna?"
BINABASA MO ANG
The Fake Girlfriend
RomanceLavisha Magno have a peaceful life, pero ang tahimik niyang buhay ay nabulabog nang sa hindi inaasaang pangyari ay aksidente niyang natapakan ang cellphone ni Xaver Alvuena. Hindi alam ni Lavisha kung paano niya mababayaran ang cellphone nitong ubo...