Kabanata 5

114 2 1
                                    

Lavisha's POV

"XAVER, puwede bang dahan-dahanin lang natin?"

Kunot noo niya akong binalingan ng tingin at naghintay sa sasabihin ko.

"P-puwede bang... huwang na muna nating ipaalam sa iba na may relasiyon 'kuno' tayo?"

"What? So, ako pa ang mag-aadjust?" Bahagyang tumaas ang boses niya.

"Ang dami mong pabor. 'Di ba nagpag-usapan na natin ang tungkol sa bagay na iyan?" aniya pa.

"Xaver... kasi—"

"You know what, ang arte-arte mo!" Nasa tinig niya ang pagkairitado.

"Hindi ako maarte. Iniisip ko lang na baka magtaka 'yong mga tao kapag bigla na lang out of the blue naging tayo. Masiyadong mabilis ang pangyayari. Parang noong isang araw lang hindi tayo nagpapansinan, tapos the next morning... tayo na agad? 'Di ba parang nakakapagtaka iyon?

"Damn!" mahina niyang mura. "Sa tingin mo ba may pakialam ako sa sasabihin ng ibang tao? Wala! Cause all I care is Adrianna! Siya lang!"

"Ang hirap lang ka—"

"Ang dami mong sinasabi! Napaka dami mong arte! Just tell if you can't para makahanap agad ko ng iba!"

"Aba't—Ikaw na nga lang 'tong humihingi ng pabor sa akin, tapos gusto mo pa na maging sunod-sunuran ako sayo?" Medyo may inis na sa tinig ko.

Buti na lang umalis na sila Caleb at Adam kaya kami na lang ang nandito sa VIS room.

He laughed sarcastically. "Ako?" He pointed himself. "Ginawan mo ng pabor? Baka nakakalimutan mo 'yong halaga ng cellphone na sinira mo?!"

"Hindi ko nakakalimutan iyon! Kaya nga narito ako ngayon kasama mo–nagpapanggap na girlfriend mo! Pumayag ako sa offer mo, pero hindi ibig sabihin ay puwede mo na akong control-in!"

"Okay, fine! Ano bang gusto mong mangyari, ha? 'Yong magsimula tayo sa umpisa? 'Yong kunwari makakabanggaan tayo sa gitna ng hallway, then mahuhulog 'yong gamit mo, then tutulngungan kita tapos magkakatitigan tayo? Mala-love at first sight ako sayo, then araw-araw kitang pupuntahan sa room mo at pagkatapos liligawan kita, ganoon ba?" Puno ng sarkasmong lintaya niya.

Napayuko ako. "Hindi naman sa ganiyan. Ang akin lang naman... let's take it slow..." nakalabing sabi ko.

"Puwede bang linawin mo?" Tila ba nauubusan na ng pasensiyang sabi niya.

"A-ano... huwag na muna nating ipaalam..." nakalabing sabi ko."

"What?" Umalon ang adams apple niya.

"Ang ibig kong sabihin ay... huwag nating sabihin sa iba–huwag nating ipangalandakan sa na may relasiyon tayo. Hayaan na lang nating sila ang makaalam..."

"Iyon naman talaga 'yong gagawin natin, e! Bakit sa tingin mo ba ipagsisigawan ko pa sa buong CLU na girlfriend kita?–Bakit ikaw ba si Adrianna?"

Hmp! Hindi ko papangarapin na maging siya.

"Ang labo mong kausap. Pinapainit mo lang ang ulo ko!" aniya at tinalikuran na ako.

Ako pa daw ang malabo kausap? Aish! Nakakainis siya!

Ang gusto ko lang naman ay maging smooth ang pagpapanggap namin para mas mukhang kapanipaniwala, para mas mapaniwala niya ang ex niyang mahal na mahal niya.

...

"ANONG ginagawa mo dito? Do I text you to come here?"

"Xaver, a-akala ko kasi—"

The Fake GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon