Kabanata 86

85 4 0
                                    

Lavisha's POV

"BAKIT sila magkasama?"

"'Di ba nagkahiwalay na sila?"

"Nagkabalikan na ba sila?"

Pagpasok namin sa gate ay mga bulungan at tsimisan agad ng mga estudiyante ang sumalalubong sa amin, pero hindi na namin ito binigyan pa ng pansin. Hawak kamay kaming naglakad ni Xaver.

"Bidang-bida tayo," pabulong kong sabi kay Xaver.

"Jowain mo ba naman ang isang Xaver Alvuena, talagang sisikat ka,"

"Paano iyan, I hate too much attention, i-break na ba kita?"

Sumeryoso ang mukha niya."Don't you dare."

"Ay, may pagbabanta?" Super seryoso naman ng lalaki 'to.

"Subukan mo lang makipaghiwalay sa akin."

"Bakit nong gagawin mo?" nanghahamon kong tanong.

"I will kidnapped you again, and this time hindi na kita ibabalik sa inyo. Itatanan na kita."

"Napaka seryoso mo naman. Biro lang naman 'yong sinabi ko."

"Hindi magandang biro iyon."

"Galit ka ba?"

"I'm not. But please huwag mo na uli gamitin 'yong biro mo na iyon."

"Hindi naman ako na-inform na sensitive ka pala."

"Only to you."

"Only to me?... Akin ka lang naman talaga, e."

'Yong seryosong mukha niya napilitan ng...

Oh my... he's blushing!

"Namumula ka," pansin ko sa pamumula niya.

Nag-iwas siya ng mukha. "Hindi, ah!" todo tanggi siya.

"Anong hindi? Iyan, oh." Turo ko sa tenga at leeg niya.

"Mainit kasi," dahilan niya.

"Pa-deny-deny ka pa, e kitang-kita na," tudyo ko sa kaniya.

Nagpatiuna siya sa paglakad na agad ko rin namang sinundan. "Uy?" Yumakap ako sa braso niya. "Bakit mo naman ako iniwan?"

"Kulit mo, e."

"Parang iyon lang? Ang sabihin mo nahihiya ka lang talagang aminin na kinikilig ka."

"This feeling is new to me. If kilig ngang tawag ito, then that's your effect on me."

Puwedeng tumili? Like nagawa ko talagang pakiligin ang isang Xaver Alvuena?

HINATID ako ni Xaver sa room ko. Sabi ko nga huwag na kaso ang kulit, e. Kesyo gawain daw ni boyfriend na ihatid si girlfriend room o sa kahit saang lugar man.

Kuwanri aayaw-ayaw ako pero ang totoo gustong-gusto ko naman talaga.

"Sabay tayo mag-lunch, okay? Susunduin kita dito," he said then after kissed me on my forehead.

Napapikit na lang ako nang maramdaman ang paglapat ng labi niya sa noo ko.

"Huwag kang aalis. Hintayin mo ako dito, understand?"

"What if dumiretso na lang ako sa VIS room?"

"Anong bang sinabi ko?"

Napanguso ako. "Dito lang ako at hintayin ka."

"Iyon naman pala."

"Pero ganoon di naman iyon, pupunta rin tayo sa VIS room."

"Nope. We're not going there. Sa labas tayo kakain. Magde-date tayo."

The Fake GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon