Kabanata 91

62 3 0
                                    

Lavisha's POV

NAGLALAKAD kami ni Xaver sa hallway ng bigla na lang lumapit si Cyrus sa amin. Napaka bilis ng mga sumunod na pangyayari. Bigla na lang sinapak ni Cyrus si Xaver dahilan para mapahiga si Xaver sa semento.

"Xaver!" Napatili na lang ako at agad na dinaluhan si Xaver.

"What the fvck is your problem?!" gigil na sabi ni Xaver kay Cyrus sabay tayo.

"Gag* kang tang *na ka! You used Lavisha to make your ex comeback to you. What a great game! Talagang dinamay mo pa si Lavisha sa kagaguhan mo!"

Paano niya nalaman?

"Nagulat ka 'no? Well, salamat sa mga kaibigan mong madadaldal."

"Tsk! Huli ka na sa balita. That's all in the fast. Me and Lavisha is officially in a relationships, and soon happily married," nakangising wika ni Xaver.

"Gag* ka!" Cyrus grunted.

"Mas gag* ka!" ganti ni Xaver pero sa kalmadong tinig.

"Tama na!" Pumagitna ako sa kanila. Pinagtitinginan na kami, marami na ring bulungan sa paligid. Chimis na naman ito.

"Lavi, hinayaan mo lang gamitin ka ng gagong iyan?"

"Ano ba, Cyrus? Tapos na iyon!"

"But still, he used you!"

"Hindi niya ako ginamit. Nagkaroon kami ng usapan."

"No! He blackmailed you!"

"At nagpapasalamat ako doon, kasi kung hindi niya ginawa iyon hindi namin mamahalin ang isa't isa."

"How sure are you na mahal ka nga lalaking iyan? Baka ginagamit ka lang niya uli, Lavi!"

"Mahal niya ako, Cyrus."

"Why, Lavi? She used you! There is no reason para mahalin mo siya!"

"Meron, Cyrus. Mahal ko siya kasi mahal ko siya. Tanggap ko ang lahat sa kaniya."

Pekeng natawa si Cyrus. "Basta hindi ako nagkulang sa paalala sayo, Lavi. Sana lang hindi ka saktan ng gag*ng iyan!" anito at tinalikuran na kami.

"Wooh!" Narinig kong buntong hininga ni Xaver.

"Ayos ka lang?" nag-aalala kong tanong sa kaniya sabay haplos sa pisngi niya. Wala naman itong pasa, pero siguro mamaya pa ito lilitaw kaya dapat lapatan na ng lunas.

"I think I'm not."

Lalo akong nag-alala. "Huh, bakit?"

"Kaya ko 'yong suntok, hindi nga kalakasan e, parang tapik lang."

"Kayabangan mo."

"Ang hindi ko kinaya 'yong ipinagsigawan mo kung gaano mo ako kamahal."

Uminit ang magkabila kong pisngi. "Siyempre... siyempre---ano, ginawa ko lang iyon para magtigil na si Cyrus."

"Anuman ang sabihin mo, hindi na mababago ang katotohanang

"Whatever you say, it will not change the fact that you screamed your lover for me." aniya, pagtapos ay tumawa. "Hay, Lavisha, masiyado mo akong binabaliw."

"Baliw ka naman talaga, e."

He winked. "Baliw sayo."

"Ang luma na niyan, ah."

"But still, it have an affect on you."

Siyempre ikaw iyan, e. Ang lalaking mahal ko.

"Anyway, I'm disagree in what you said earlier."

The Fake GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon