Kabanata 65

89 3 1
                                    

Xaver's POV

AYAW ko sanang sumama kay Dad dito sa kung sinuman ang may birthday na ito, kaso I have no choice.

"You will come with me, son. Mas magandang umpisahan mo nang pag-aralang patakbuhin ang kompanya natin para hindi ka na mahirapan kapag dumating ang araw na ikaw na ang papalit sa akin, which is malapit na. At uumpisahan natin sa pagpapakilala ko sayo sa mga ka-bussiness partner ko."

"Yes, Dad."

Dad tapped my shoulder. "Iyan ang gusto ko sayo son, napaka masunurin mo."

Takot ko lang kamo sayo. Dad is very strict, iba siya magalit, nasample-an na ako nito noon at ayaw ko ng maulit iyon.  What happened? Well, muntik lang naman niya akong itakwil at palayasin noong bumagsak ako. Bakit ako bumagsak? Ayaw ko ng pag-usapan pa. After that happened, nagtino na ako.

'Nagtino nga ba talaga?' my thought asked.

'Fine. In my father eyes only,' I answered.

Damn! Panigurado isang napaka boring at napaka habang gabi ang pagdususahan ko.

At tama ako, dahil after akong ipakilala ni dad sa mga ka-bussiness partner niya, puro about sa business na lang ang pinag-usapan nila. Pinagmukha ko na lang na interesado ako sa pinag-uusapan nila kahit ang totoo hindi ito pumapasok sa isipan ko... at mas lalong gumulo ang utak ko nang... makita ko si Lavisha.

She's here.

Bakit siya nandito?

Oh, kaya naman pala! Kaya naman pala pamilyar 'yong celebrant kasi kaibigan ito ni Lavisha. Nasagot na rin ang tanong ko kung bakit ganoon na lang ito kasamang tumingin sa akin. Sa malamang alam na nito ang nangyari sa amin ni Lavisha. Ano pang aasahan ko, they are friends. At panigurado sinumpa na rin ako nito at 'yong iba nitong kaibigan.

Nagkasalubong ang tingin namin ni Lavisha. Nabakas sa mukha niya ang gulat nang makita ako. Hindi siguro siya makapaniwala na makita ako dito. Well, panigurado nasabi na sa kaniya ng kaibigan niya ang dahilan. Agad siyang nag-iwas ng tingin sa akin at bumaling sa mga kaibigan niya.

She's with her boy bestfriend again. Palagi na lang silang magkasama. At ang loko, naka-akbay pa sa kaniya. Ganiyan na kapalagay ang loob niya sa lalaking iyan? Halata namang may gusto ito sa kaniya. For sure sasamantalahin na ito ng loko. Magpapansin ito kay Lavisha—'acting like a gentleman' para maka-score. Tsk! Style bulok amputa!

Damn, gusto kong marinig ang pinag-uusapan nila! Pero ang tanging magagawa ko lang ay panoorin sila.

...

Lavisha's POV

ANO iyang tingin na iyan, Xaver?

Bakit ganiyan mo ako tignan?

Hindi ko man siya nakikita pero ramdam ko ang matamang pagtitig niya sa akin. Mga titig niyang parang may pinapahiwatig na hindi ko matukoy kung ano.

"Guys, CR lang ako, ha?" paalam ko sa kanila.

"Samahan na kita," anang ni Cyrus.

"Hindi na, Cy. Kung nag-aalala ka na baka maligaw ako, hindi mangyayari iyon, dahil pamilyar na ako dito sa lugar, ilang beses na akong nakabalik dito."

"Mabuti ng sigurado, ang hirap sayo lutang ka pa naman."

"Sasama ka?" Tinaasan ko siya ng isang kilay. "Anong gagawin mo magtataas ng palda ko?" puno ng sarkasmo kong tanong

"Ay iba ka rin, girl. Hinay-hinay lang baka sakyan ni Cyrus iyang biro mo," ani Mayet.

"Kaya nga biro lang 'di ba?" ani ko.

"Hindi uso ang biro sa taong in love," ani naman ni Nicole.

"Huh?" Napakunot ang noo ko.

"Wala. Sige na mag-CR ka na. Huwag ka mag-ingat ah? Para mabagok iyang ulo mo at malimutan mo na si Xaver, ng sa ganoon ay manalo ang manok namin sa sabong," ani pa ni Nicole.

Lalo akong nalito. "Kailan ka pa nahilig sa sabong, Nicole?"

"Ay ang slow," bulong sa hangin ni Mayet. "Hindi mo malaman kung manhid ba o nagtatanga-tangahan lang."

Iniwan ko na sila at nagtungo na sa CR, hindi ko na kasi mapigil ang pagsabog ng pantog ko.

Nang matapos akong umihi ay bumalik na rin ako sa mga kaibigan ko, alangan naman kasing mag-stay pa ako doon sa CR. Ano namang gagawin ko doon 'di ba? Tutunganga? Maghihintay na may mapadaang butiki?

Habang naglalakad ako ay may pasheneyang bumangga sa akin. Inaamin ko medyo lutang ako, hindi ako tumitingin sa dinadaan ko, pero it's not my fault kundi nitong whoever na bumangga sa akin.

Handa na akong singhalan siya pero nabitin ang sasabihin ko nang makita siya.

Si Xaver...

Para akong makahiyang bulaklak na biglang sumara at tumiklop.

"P-pasensiya na." / "I'm sorry." Sabay naming sabi.

"O-okay..." Tangkang lalagpasan ko na siya ngunit natigilan ako nang hawakan niya ako sa braso. Sa paghawak niya sa akin–ng magdikit ang mga balat namin, may muryente akong naramdaman.

"B-bakit?" Utal na tanong habang hindi makatingin sa kaniya. Heto na naman ang abnormal na pagtibok ng puso ko na tanging siya lang ang nakagagawa. 'Yong feeling na akala mo nakaka-move-on ka na, pero malapit lang siya sayo--magkadikit lang kayo... nagba-back to zero na ang lahat.

"Kayo na ba no'ng Cyrus?" tanong niya.

"Huh?" Napatanga ako.

"Lagi kayong magkasama, kayo na ba?"

"Ano namang pakialam mo?" masungit kong tanong.

Bakit bigla siyang naging interesado sa buhay ko? Saka bakit niya inisiip na kami ni Cyrus? E, alam naman niyang kaibigan ko lang ito.

"E... kayo ni Adrianna... n-nagkabalikan ba kayo?" tanong na dapat sa isip ko lang pero nailabas ito ng bibig ko.

He smirked.

"Mukhang alam ko na ang sagot. Congrats sa inyo. Sana this time mas ingatan at mahalin mo na siya para hindi siya mawala uli sayo."

"No. Hindi kami nag—"

Hindi ko na siya hinintay pa na matapos sa sasabihin niya. Agad na akong nagsalita. "Kung maaari lang, bitawan mo na ako, babalik na ako sa mga kaibigan ko, baka hinahanap na nila ako." Hawak niya pa rin kasi ang braso ko.

Mukha ngayon niya lang din napansin na hawak niya pa rin ako. Binitawan niya ako. Agad ko na siyang tinalikuran.

"Girl, ang tagal mo naman. Akala namin nalunod ka na sa toilet bowl," salubong sa akin ni Mayet.

"Heto nga si Cyrus, susundan ka na dapat. Ang  praning, baka daw nagkita kayo ni Xaver," anang naman ni Nicole.

"Hindi, ah! Hindi kami nagkita."

"Eh, bakit ang defensive mo?" tanong ni Shanny.

"Saka hindi kami naniniwala na hindi kayo nagkita, magkasunod lang kayong lumabas, oh," segunda pa ni Nicole.

"Hello, nasa iisang lugar lang kaya kami, natural lang na magkita kami," dipensa ko.

"Nag-usap kayo?" tanong ni Mayet.

Sasagot na sana ako kaso muling nagsalita si Mayet. "Magsabi ka lang ng totoo."

Napalunok ako. "Nagkabangga kami, himumingi lang kami ng paumanhin sa isa't isa."

"Iyon lang?"

"Oo, iyon lang. Ano pa bang puwede namin pag-usapan 'di ba? Saka ayaw ko na siyang makausap pa. Wala na kami---wala ng rason pa para mag-usap pa kami. Nagmo-move on na nga ako---means gusto na siyang kalimutan."

The Fake GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon