Xaver's POV
KAKAGALING ko lang sa room ni Lavisha and as usual, pinagtabuyan niya na naman ako.
Noong mga panahong ganito ako kay Adrianna---naghahabol sa kaniya, palagi kong gustong sumuko pero hindi ko mapandigan dahil iniisip ko kapag ginawa ko iyon magiging talunan ako. Pero ngayon kay Lavisha, hindi kailanman sumagi sa isipan ko na sukuan siya.
"Assurance lang naman ang gusto naming mga babae." Si Adrianna na bigla na lang umupo sa tabi ko. Hindi ko manlang naramdaman ang paglapit niya.
"Why are you here?" tanong ko at hindi manlang ako nag-abalang tapunan siya ng tingin.
"Napadaan lang ako tapos nakita kita. Parang ang lalim ng iniisip mo, baka kailangan mo ng makakausap."
Hindi ko alam ang sasabihin ko kaya mas pinili kong tumahimik na lang. Wala rin naman kasi akong gustong sabihin sa kaniya.
"All this time itinanim mo sa isipan niya na ako ang mahal mo, kaya mahihirapan talaga siyang paniwalaan ka---na siya na ang mahal mo ngayon."
Nabaling ako ng tingin sa kaniya dahil sa sinabi niyang ito.
"Papasok talaga sa isipan niya 'yong ideyang baka niloloko mo lang siya at pinagtitripan--pinaglalaruan, kasi paanong bigla na lang siya na ang mahal mo ngayon? Parang kailan lang ako pa tapos out of the blue siya na? 'Di ba parang ang bilis naman yata ng pagbabagong iyon? To the point parang hindi na ito kapani-paniwala. Oo matagal mo na siyang mahal, alam mo iyan sa sarili mo, pero siya hindi niya alam iyon kasi nga ang alam niya ako ang mahal mo. Kaya hindi mo siya masisisi kung bakit ayaw ka niyang paniwalaan.
"Bakit sinasabi mo sa akin iyan?" I asked.
"Para hindi mo siya sukuan. Intindihin mo siya. She is just protecting her heart. Takot na siyang masaktan, kasi hindi naman talaga biro 'yong inabot niya sayo. Imagine minahal ka niya while you hurting her. Habang minamahal ka niya kasabay nito ang pagdurog mo sa puso niya. Napaka tapang niyang babae. Alam niyang masasaktan lang siya sa huli pero minahal ka pa rin niya."
"Wala naman talaga akong balak na sukuan siya."
"Finally na-figure out mo na rin ang totoong nararamdaman mo para sa kaniya."
"Medyo nahuli nga lang."
"Hindi pa huli, Xaver. Basta ipakita mo lang sa kaniya ang pagiging sincere mo, and don't give up on her."
"Thank you," wika ko.
"Be happy, Xaver. Deserve mong sumaya---mas deserve mo kaysa sa akin."
Sumaya? Ni hindi ko na nga matandaan kung kailan ako huling tumawa.
'You always laugh when Lavisha is around' my thought said.
Yea, pero ang tagal na noon.
"Kasiguraduhan, iyon ang lang ang gusto ni Lavisha. Kasiguraduhan na talagang siya na ang mahal mo," aniya pa.
"Thank you again, Adi."
Payak siyang ngumiti. "No, Xaver. Hindi mo kailangan mag-thank you sa akin. Ginagawa ko ito kasi may kasalanan din ako. Naging insensitive ako sa feelings ni Lavisha. Hindi ko manlang naisip 'yong nararamdaman niya---na nasasaktan na pala siya ng dahil sa akin pero in-ignore ko lang."
"No. Wala kang kasalanan. Ako 'yong gago. Kasalanan ko ang lahat," anang ko.
"Hope na magkaayos na kayo agad," aniya pa. "At may gusto pa pala akong sabihin sayo. Matagal ko ng gustong sabihin sayo ito actually, kaso pinangungunahan ako ng kaduwagan." Napayuko siya. "Xaver... I'm sorry... Sorry sa lahat ng ginawa ko. Maniwala ka man sa hindi, totoong minahal kita..."
BINABASA MO ANG
The Fake Girlfriend
RomanceLavisha Magno have a peaceful life, pero ang tahimik niyang buhay ay nabulabog nang sa hindi inaasaang pangyari ay aksidente niyang natapakan ang cellphone ni Xaver Alvuena. Hindi alam ni Lavisha kung paano niya mababayaran ang cellphone nitong ubo...