Lavisha's POV
"SABI na nga ba, e. Ikaw magiging validictorian sa batch natin, e. Congrats, Lavi!" anang ni Shanny.
"Ramdam ko na rin, Shan. E, ulirang estudiyante ang freny natin," wika naman ni Nicole.
"Hindi ko naman inaasahan iyon. Ang gusto ko lang ay mapanatili ang scholarship ko," aniko.
"Dapat mag-celebrate tayo!" Si Mayet. At napapansin ko sa kaniya, bumabalik na 'yong dating siya, 'yong maingay at jolly. Masaya na makita siyang okay na.
"Saka na iyan. After graduation na. Hindi ko na muna kasi sasabihin kay mama at papa. Gusto ko silang surpresahin sa araw ng graduation."
Magandang regalo iyon para sa kanila. Nang kahit doon manlang masukalian ko ang lahat ng hirap nila sa akin.
"For sure super proud ang parents mo sayo, Lavi." -Shanny
"Sa inyo rin 'no." Mayroon din kasi silang karangalan.
"Iyon talaga ang hindi expected. 'Yong kay Mayet at Cyrus puwede pa, pero kami ni Shanny, paano nangyari?" -Nicole
"Uy, deserve ko kaya iyon! Mukha lang akong hindi nag-aaral pero nag-aaral talaga ako, hindi man kasing tutok ni Lavi, pero I'm trying my best pa rin." -Shanny
"Well, sometimes, feel ko mag-aral. Binabawi ko na, deserve ko pala ang with honors ko."
"Gaano kadalas naman kaya iyang sometimes na iyan?" -Mayet
"Kapag madali ang lesson." -Nicole
"Kasi kapag mahirap umaasa ka kay Lavi." -Mayet
"Grabe ka, Mayet, ah! Porke tapos ka na sa pagpapaka sad gurl mo, babalik ka na sa pangta-trash talk sa amin?" -Nicole
"Well, I just realized na bakit ko ipagpipilitan ang sarili ko sa isang lalaking ayaw naman sa akin? Sa Ganda kong ito? Maraming lalaki diyan. Hindi siya kawalan." -Mayet
"Sige nga kung matapang ka, sabihin mo sa amin kung sino ang lalaking iyon?" -Nicole
"Okay. It's Cyrus." -Mayet
The way na magsalita sa Mayet ay parang wala na ito sa kaniya, kaso hindi niya ako mauuto. Ang bibig kayang magsinungali pero ang mga mata hindi.
"Ano?" gulat at sabay-sabay na sabi namin nina Shanny at Nicole.
"Cyrus? Our friend?" -Shanny
Tango lang ang isinagot ni Mayet kay Shanny.
"Nagkaroon kayo ng something?" -Nicole
"Wala. Pero gusto ko siya, kaso sinayang niya ako, e." -Mayet
"Foreal?" -Shanny
"Yah." -Mayet
"Mayet, I'm sorry, hindi ko alam," anang ko. May gusto siya kay Cyrus? Bakit hindi ko napansin?
'Paano mo napapansin, e puro si Xaver iyang laman ng utak mo,' my thought said.
'Ganoon naman talaga kapag in love, palaging nasa isipan mo ang taong mahal mo,' sagot ko sa isip ko.
"Ano ka ba, Lavi. You don't need to apologize," wika ni Mayet dahilan para bumalik ako sa reyalidad.
"Pero, Mayet, ako ang dahilan kung bakit naging malungkot ka."
"Ako ang gumawa noon sa sarili ko, Lavi. Ginusto ko siya kahit pa alam kong ikaw ang gusto niya." -Mayet
"Gusto mo ba kausapin ko siya?" suhestiyon ko. Kakausapin ko si Cyrus, baka sakaling may chance na magkapalagayan sila ng loob.
"For what? Aalis na rin namn siya 'di ba? He's going to state after ng graduation natin."
BINABASA MO ANG
The Fake Girlfriend
RomanceLavisha Magno have a peaceful life, pero ang tahimik niyang buhay ay nabulabog nang sa hindi inaasaang pangyari ay aksidente niyang natapakan ang cellphone ni Xaver Alvuena. Hindi alam ni Lavisha kung paano niya mababayaran ang cellphone nitong ubo...