Lavisha's POV
ITO na ang huling araw ng klase namin, sa wakas sem break na! Ang saya lang kasi finally maipapahinga ko na rin ang utak ko, ang katawan ko at puso ko.
Dalawang linggong bakasyon. Gugugulin ko ito sa pagtulog para pagdating ng pasukan looking fresh ako.
Anyway, heto ako ngayon pauwi na dapat pero nag-text si Xaver, pumunta daw ako sa VIS room. At naabutan ko silang tatlo na seryong nag-uusap pero naputol ito nang makita nila ako.
"Buti naman at nandito ka na, kanina pa kita hihintay," anang ni Xaver sa akin.
"Na-miss mo ako 'no?" tudyo ko sa kaniya.
"Tsk. Bilisan mo at maupo ka na rito," masungit na sabi niya.
Ano balik na naman siya sa pagsusungit sa akin?
"Ano ba kasi 'yong sasabihin mo? Uwing-uwi na kaya ako!"
"We are planning na mag-outing," wika ni Xaver.
"Oh, e ano naman? Edi mag-outing kayo!"
"You are coming with us, Lavisha," ani pa ni Xaver.
"Huh?" napatanga ako. "Ano?--Kasama ako?"
"Of course hindi ka puwedeng mawala."
"Hindi ayaw ko!" agad kong apila.
"You have no choice Lavisha."
"May choice ako! At hindi ako sasama!"
"This is last Lavisha."
Kumunot ang noo ko. "Anong ibig mong sabihin?"
"Ito na ang huling pabor na hihingin ko sayo... kasi balak ko ng magtapat kay Adrianna. Sasabihin ko na sa kaniya na it's still her---that I still madly in love with her..."
Aamin na siya kay Adrianna. Ibig sabihin ba nito ay? Endo na kami? Tapos na ang pagpapanggap namin?
"K-kasama siya?" halos manginig na ang boses na tanong ko. Tinanong ko kahit pa obvious naman na. Sadyang wala lang talaga akong makapa na puwedeng sabihin.
"Yea, kasi alam niya na kasama ka, kaya hindi puwedeng hindi ka sumama, Lavisha."
Mapait akong napangiti. "Talagang magtatapat ka na sa kaniya?"
"Napagtanto ko na huwag nang patagalin pa."
"P-pero paano kung mag-failed? What if i-reject ka niya?" mahinang ang boses na tanong ko.
"Hindi mangyayari iyan," buo ang kompiyansag sabi niya. "Mahal niya pa rin ako."
'Hindi Xaver. Hindi ka na niya mahal! Si Marcuz na ang mahal niya! Pinapaas mo lang ang sarili mo!' Gusto kong ipagsigawan sa kaniya iyan pero hindi ko kaya. Hindi ko kayang makita siyang mawasak dahil sa salitang bibitawan ko. At panigurado hindi rin naman siya maniniwala. Mas igigiit niya kung ano ang pinaniniwalaan niya.
"Kung ganoon... good luck..." Parang may bumara sa lalamunan ko.
"Please, sumama ka, Lavisha," pikausap niya.
Napakagat ako sa pang-ibabang labi ko. "S-sige..."
"Thank you!" Bigla niya akong niyakap.
Pumayag ako. Ewan ko ba para akong namahika, hindi ko siya kayang tanggihan.
Ngayon hindi ko alam kung paano ako magpapaalam kila mama. Kung isang araw lang ako mawawala magagawan ko pa ng dahilan pero hindi, e, kasi taylong araw. Pero buti na lang talaga may mga kaibigan ako na handang tumulong sa akin---na pagtakpan at sakyan ang pagsisinungaling ko sa pamilya ko. Ang paalam ko kila mama ay may outing kaming magkakabigan. Medyo truth naman ang paalam ko sa kanila, ang kasinunglingan lang ay hindi sila Mayet ang kasama ko kundi sila Xaver. Buti nga wala si Lancel sa bahay no'ng nagpaalam ako kaya nakaligtas ako sa kaniya. Wala rin ako balak na sabihin sa kaniya 'yong tungkol sa outing dahil panigurado katakot-takot na words of mema ang matatangap ko sa kaniya.
BINABASA MO ANG
The Fake Girlfriend
RomanceLavisha Magno have a peaceful life, pero ang tahimik niyang buhay ay nabulabog nang sa hindi inaasaang pangyari ay aksidente niyang natapakan ang cellphone ni Xaver Alvuena. Hindi alam ni Lavisha kung paano niya mababayaran ang cellphone nitong ubo...