Kabanata 44

79 1 0
                                    

Lavisha's POV

"IKAW ang alin?" tanong niya.

"Ano---ako na lang ang sasakay sa Ferris wheel," tarantang sabi ko. "Kasi baka mahilo ka na naman. Saka 'yong sinabi mo na gagawin mo ang lahat mawala lang galit ko. Hindi ko nakakalimutan iyon. Pag-iisapan ko muna iyan ng mabuti para hindi masayang."

"I said kung anong gusto mong gawin ko, hindi ko sinabing gagawin ko ang lahat."

"Ganoon na rin iyon, kahit anong sabihin ko gagawin mo."

"Yea, kinda."

Ano kayang maganda ipagawa sa kaniya?

"But I think hindi na kailangan, kasi mukha namang hindi ka na galit sa akin," aniya.

"Sino may sabi? Galit pa rin kaya ako sayo. Huwag mo akong pangunahan."

Nagsulubong ang mga kilay niya.

Takte! Baka bigla na lang niya akong bugahan ng apoy.

"Damn! Naiisahan ako ng babaeng 'to," bulong niya.

"Ganito na lang, samahan mo na lang ako sa ferris wheel nang sa ganoon mawala ang ang galit ko sayo." Hindi naman talaga ako galit sa kaniya, mema lang talaga ako.

"Okay," aniya.

.

.

.

NAKASAKAY na kami ngayon sa ferris wheel at kasalukuyan na ito ngayong umaandar.

"Alam mo ba, ito 'yong pinaka favorite kong rides," wika ko. Wala akong nakuhang respond sa kaniya.

Muli akong nagsalita. "Ang light lang kasi ng rides na ito, para bang hinihele ka lang. Tapos ang ganda pa ng view mula dito sa taas. Kitang-kita mo ang kabuuhan nitong lugar na pinasigla ng iba't ibang kulay ng ilaw. Tapos kapag nandito ka sa taas, parang abot kamay mo lang kalangitan--ang mga bituwin." ... "Ikaw anong masasabi mo sa ride na ito?" Baling ko sa kaniya at naabutan ko siyang nakatingin sa akin. Napakagat ako sa pang-ibabang labi ko at nag-iwas ng tingin sa kaniya. Ibinalik ko ang tingin sa view sa ibaba.

"Well, you are right---tama ang lahat ng sinabi mo about sa ride na ito," aniya.

"S-sabi sayo, e," naiilang na sabi ko.

Parang may dumaang anghel dahil sa biglang katahimikan.

Ako lang ba o kayo din? 'Yong hindi makahinga kapag sobrang tahimik? Kaya hindi rin natagal nagsalitan na ako.

"Dalhin mo dito si Adrianna, panigurado matutuwa siya at panigurado din paglabas n'yo dito kayo na ulit. Ang romantic kaya ng lugar na ito. Karamihan sa mga babae ganitong date ang gusto. 'Yong simple lang. Pero depende pa rin naman iyon sa babae, 'yong iba kasi gusto nila sa mamahaling restaurant, sa mall, sa sine, pero masiyado na kasing common 'yong ganoon."

"Hindi mahilig sa ganitong lugar si Adrianna," aniya.

"Paano mo nasabi?"

"I just know."

"Sinubukan mo na ba siyang dalhin sa ganito?" tanong ko.

"Hindi pa."

"Iyon naman pala, e. Bakit hindi mo subukan?"

"I tried but she don't like the idea."

"Sabagay, tulad nga sinabi ko, depende pa rin iyon sa babae. Basta ako kahit dito lang kami mag-date ng boyfriend ko sobrang saya at kuntento na ako."

"Masaya ka ba ngayon?" tanong niya.

"Oum, sobra..." ....kasi kasama kita. Kung puwede lang pabagalin ang oras, kanina ko pa ginawa. Gusto pa kitang makasama ng matagal.

"Xaver?..." tawag ko sa kaniya.

"Um?"

"Salamat..."

"For what?" kunot noong tanong niya.

"Sa pagsama sa akin dito..."

"Well, nag-enjoy din naman ako," aniya.

"Talaga?" Labis ang tuwang aking naramdaman at sa sobrang tuwa ko nga ay napahawak ako sa kamay niya na agad ko ring binitawan. "Pasensiya na, nadala lang," agad na sabi ko.

Hindi na nasundan pa ang usapan namin hanggang matapos ang ride.

"Anong oras na ba, Xaver?" tanong ko.

He checked his wrist watch. "Mag-aalas diez na."

"Hala, patay! Sobrang late na pala! Kailangan ko ng umuwi!"

Ang bilis naman tumakbo ng oras. Ang tagal na pala namin dito, hindi ko manlng napansin dahil sa sobrang pagkalibang.

"Yea, we really need to," natatawang sabi niya.

"Pero kain muna tayo, ha?"

He shrugged. "As usual, ano pang aasahan ko sayo? You are always hungry."

Pagkatapos naming kumain ay umuwi na rin kami. Gusto ko pa sanang maglaro sa mga games kaso masiyado ng late. Sobrang sasabunin na ako ng mga magulang ko 'plus' ni Lancel. Wish ko lang na tulog na sila pag-uwi ko.

Nasa sasakyan na kami ngayon. Kasalukuyang nagda-drive si Xaver.

"Next time balik ulit tayo doon, ah?—Ayyy... hindi na pala mangyayari iyon, kasi baka hindi magtagal ay makabalikan na ulit kayo ni Adrianna."

"Sa tingin mo ba talaga magkakabalikan pa kami?"

"Oo naman, wala namang imposible, basta just continue on pursuing her. Ipakita mo sa kaniya na mahal mo siya at mas deserve mo 'yong pagmamahal niya," wika ko at peke akong napangiti.

Gusto kong sabihin sa kaniya na... Hindi napipilit ang pagmamahal. Kapag hindi na tayo mahal ng isang tao... matuto tayong tanggapin ito at I-let go 'yong taong iyon, kasi kailanman hindi sisibol at mamumulaklak ang isang pilit na pag-ibig. Gusto kong sabihin iyan sa kaniya pero ayaw ko namang pahinain ang loob niya. Ayaw kong isipin niya na sinusul-sulan ko siya or what. Pero ayaw ko rin namang paasahin siya na may chance pa sila ni Adrianna, kahit pa ang totoo... wala na, kasi si Adrianna mukhang sorbang mahal niya na 'yong Marcuz. Every time kasi na binabanggit niya ang pangalan ni Marcuz, wala akong ibang nakikita sa mga mata niya kundi ang labis na kilig at pagmamahal.

Xaver, wala ka ng lugar sa kaniya--sa puso niya. Pero sa akin, Xaver... maluwag pa sa puso ko, puwede ka dito, wala ka pang kahati.

.

.

.

"SALAMAT sa paghatid," aniko at bababa na sana ako sa sasakyan niya, kaso nakalimutan ko nakakabit pa nga pala ang seatbelt ko.

Mahina siyang natawa. "Let me," aniya at siya na mismo ang nagtanggal ng seatbelt ko. Ang lapit-lapit niya sa akin kaya naman nagmistulan akong tuod na hindi makagalaw, parang bumagal din ang paghinga ko. Xaver ano itong ginagawa mo sa akin?

Nang matanggal niya ang seatbelt ko, akala ko lalayo na siya sa akin pero hindi...

Sumulyap siya sa mukha ko. Ngayon naglalaban na kami ng tingin--ng titigan

Bakit ganiyan siya makatitig sa akin? May kung anong itong nais ipahiwatig ngunit hindi ko naman matukoy kung ano ito.

Masiyadong naging mabilis ang mga sumunod na pangyayari. Natagpuan ko na lang ang labi niya at labi ko na magkadikit.

He kissed me.

The Fake GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon