Kabanata 4

117 2 0
                                    

Lavisha's POV

NAG-VIBRATE ang cellphone ko, sign na may nag-message. Pasimple ko itong nilabas sa bulsa ko, kasalukyan pa kasi kaming nagkaklase.

Binuhay ko ang cellphone ko para makita kung sino ang nag-text at para mabasa na rin ito.

Si Xaver ang nag-text.

Oo, alam niya ang number ko, hiningi niya at kahit ayaw ko... ibinigay ko pa rin. Para naman kasing may choice ako 'di ba?


Xaver:
After your class pumunta ka dito sa VIS room.

VIS, it means 'very important students' iyan 'yong room na tinatambayan nilang magkaibigan, 'yong pinuntahan namin kahapon.

Ano na naman kayang kailangan niya? Don't tell me may part two 'yong pag-uusap namin kahapon?

Kahapon hindi na ako nagkapag-lunch, pati ba naman ngayon?

Nagtipa ako ng reply ko sa kaniya.


Ako:
Opo.

PAGKTAPOS ng klase namin ay agad kong inayos ang gamit ko at isinalpak sa bag ko.

'Ayaw ko ng pinaghihintay ako.' Parang narinig ko ang boses ni si Xaver  sa isipan ko.

"Uy Lavi, tara lunch na tayo. Libre ka ulit namin," yaya sa akin ni Mayet.

"Ahm, kayo na lang. Dadaan pa kasi ako sa library," pagpapalusot ko, pero ang totoo sa VIS room ako pupunta.

"Anong gagawin mo do'n? Wala naman tayong homework, ah?"

"A-ano kasi... mag-a-advance reading ako," sagot ko.

"Edi ikaw ng masipag." -Nicole

"Sana all na lang talaga." -Shanny

"Hindi ka manlang ba kakain?" -Cyrus

"May baon naman akong tinapay. Iyon na lang 'yong kakainin ko," aniko.

"Samahan na kaya kita?" -Cyrus

"Cyrus napaghahalataan ka na, ha." -Mayet

Nag-vibrate ang cellphone ko. Nagtext na naman si Xaver .


Xaver:
Where the hell are you?

Xaver:
Anong hindi mo naiintindihan sa ayaw kong pinaghihintay ako?

Patay!

"Ahm, guys mauna na ako," ani ko sa kanila at kumaripas na ako nang takbo.

"Lavi, aral na aral lang?" sigaw pang habol sa akin ni Mayet.

Kung alam mo lang, Mayet!

"BAKIT ngayon ka lang?" Kakapasok ko pa lang pero ang madilim na mukha na ni Xaver  ang sumalubong sa akin.

"A-ano kasi... ang kulit kasi ng mga kaibigan ko, niyaya nila akong kumain sa centeen," paliwanag ko. "Ano bang kailangan mo? Kung may sasabihin ka puwede mo namang i-text na lang sa akin."

"From now on, dapat palagi na tayong sabay na kumain. Sa ngayon dito na muna tayo kumain."

"Huh? Bakit kailangan pa nating magsabay?"

"Bakit ang slow mo? Girlfriend na kita 'di ba? Kailangan malaman ng lahat iyon."

"Correction lang, fake girlfriend kamo."

"Of caurse. Bakit sa tingin mo ba may chance na maging totoo?–Tsk, huwag ka ng umaasa."

"Kapal mo naman. Hindi ako umaasa, pinaalalahanan lang kita. Mamaya kasi baka ma-fall ka sa akin."

The Fake GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon