Lavisha's POV
"SAAN ka galing? Kanina pa ang labasan n'yo, ah?" Salubong sa akin ni Lancel. Umaasta na naman siyang panganay.
Hayyy... wala ako sa mood makipag bardagulan sa kaniya.
"Dumaan 'po' ako sa park, kumain kami doon ng street food," sagot ko. Nilagyan ko ng 'po' tutal kung umarte na naman siya ay parang siya ang panganay. Pagbibigyan ang pag-iilusiyon niya.
"Sino kasama mo?" tanong niya pa.
I rolled my eyes. "Mga classmate ko 'po'."
"Sinong classmates? Huwag mong sabihing sila Sila Mayet dahil tinanong ko siya kung kasama ka niya, hindi daw. Si Cyrus naman nakasabay kong umuwi, kaya sino iyang mga classmate mo na tinutukoy mo?"
Ayos 'tong kapatid ko, tinalo pa si Detective Conan kung maka-interrogate.
Ano na ang sasabihin kong palusot? Bahala na nga si Batman!
"Basta mga classmates ko. At kahit sabihin ko naman sayo ay hindi mo sila kilala."
"Edi ipakilala mo sa akin."
Hindi talaga siya susuko.
"Sige next time ipapakilala kita, sa ngayon tantanan mo muna ako dahil marami pa akong gagawin."
"Hintayin mo lang talaga, ate. Kapag lang talaga ako nakapasok sa school mo yari ka sa akin. At kapag nalaman ko lang talaga na may boyfriend ka... humanda siya sa akin.
Yep, magkaiba kami ng school. Ako sa private while him is in public. May scholarship kasi akong nakuha sa CLU kaya hindi ko na pinalagpas.
"Wow! Tapang, ah? Mag-aral ka munang mabuti para tumaas ang grade mo at makakuha ka ng scholarship sa school na pinapasukan ko. Saka mo na ako angsan kapag nagawa mo iyan."
"Maghintay ka lang, makikita mo."
"Oo na lang, Lancel," sabi ko na lang.
Ang kulit-kulit ng kapatid kong 'to. Ayaw sumuko. Hindi talaga siya titigil ang hanggat hindi niya nakikilala ang boyfriend 'kuno' ko. Pero buti na lang hindi nachi-chicka ng mga kaibigan ko–nila Mayet at Cyrus ang tungkol sa amin ni Xaver. O baka hindi pa nagtatanong sa kanila si Lancel? Mabuti siguro kausapin ko na sila, na huwag na muna nilang sasabihin sa family ko na may boyfriend 'kuno'na ako, kasi panigurado mayayari ako. Saka isa pa, hindi ko naman kasi talaga boyfriend si Xaver.
"Si mama nasaan? At si papa nakauwi na ba?" tanong ko.
"Si mama nasa kusina nagluluto ng hapunan, si papa hindi pa dumadating," sagot niya.
Pumunta akong kusina para magpakita kay mama na nakauwi na ako at para magmano.
"Bakit ginabi ka na?" tanong ni mama.
"Kumain pa po kasi kami ng mga kaklase ko sa parke," sagot ko.
"E, bakit hindi ka manlang nagte-text? Alam mo bang kanina pa hindi mapakali iyang kapatid mo? kinukulit ako na tawagan ka, kaso cannot be reached naman ang cellphone mo, kaya hindi ko rin tuloy maiwasang kabahan."
"Ma, pasensiya na po kung pinag-alala ko po kayo. E, alam n'yo naman po ang cp ko, lowbat-in na po—ayon na deadbat na."
"Pagtiyagaan mo muna Lavi, hayaan mo at kapag medyo nakaluwag-luwag tayo bibilhan kita ng bagong cellphone, lalo pa't alam kong kailangan mo sa school iyan."
"Ma, hindi pa naman kailangang palitan ang cellphone ko, puwede-puwede pa ito," wika ko.
"Ma, 'yong sa akin kailangan ng palitan." Biglang sulpot ni Lancel.
"Hoy Lancel magtigil ka nga, iyang cellphone mo walang ibang pakinabang kundi puro laro–mga laro mong wala ka namang mapapala," anang ko sa kapatid ko habang makapamewang.
"Saka kung gusto mo ng bagong cellphone, pag-ipunan mo!" dagdag ko pa.
Masama akong tinignan ni Lancel.
"Baka kung saan na naman umabot iyang banghayaan n'yo ah?" pagitna ni mama sa amin ni Lancel.
"Iyan kasing si ate napaka-epal!" sumbong ng kapatid at nagpaawa pa nga kay mama.
"Ako pa talaga, ha? Gusto mo ba na sabihin ko kay mama na hindi mo ako tinatawag na ate minsan at Lavisha lang tinatawag mo sa akin?"
"Dumb, you already said it." Lancel murmured.
"Ma, si Lancel ako tinawag akong tanga," sumbong ko kay mama.
"Lancel?" seryosong tawag ni mama kay Lancel.
"What? Wala naman akong sinasabi, ah?" deny niya.
"Anong wala ka diyan? Malamang sinadya mo na hindi iparinig kay mama!"
"Ah ganoon? Gusto mo ba sabihin ko kay mama na may boy—"
Dali-dali kong tinakpan ang bibig ni Lancel. "Huwag ka nga magkalat ng fake news, mamaya baka maniwala pa si mama at mayari pa ako."
"Kayong dalawa talaga, mabuti pa maghiwalay na kayo. Ikaw Lancel salubungin mo ang papa sa labas, at ikaw naman Lavisha magbihis ka na," anang ni mama.
Bago kami tuluyang maghiwalay ni Lancel ay biniletan ko muna siya, habang siya inirapan naman ako.
...
MAAGA pa naman kaya naisipan kong maglakad na lang. Sayang din kasi 'yong ipangko-commute ko.
Paglabas ko sa kanto ay namatahan ko si Cyrus na naglalakad hindi kalayuan.
"Cyrus?" pasigaw kong tawag sa kaniya habang hinahabol siya.
Lumingon naman siya. "Ikaw pala, Lavisha," aniya.
"Sabay na tayo," wika ko.
"Sige," aniya.
"Buti nakita kita," anang ko.
"Hindi mo kasabay si Lancel?" tanong niya.
"Nasa bahay pa, naghihilik pa," sagot ko.
Mahina siyang natawa.
"Oh, bakit ka natawa?" tanong ko.
"Wala lang, para kasi kayong aso't pusa. Walang araw yata na hindi kayo nag-aasaran."
"Ewan ko ba doon sa kapatid ko na iyon, parang hindi kumpleto ang araw niya kapag hindi niya ako inaasar at iniinis."
"Ang sarap mo naman kasing asarin," natatawang sabi niya.
Sinimangutan ko siya. "Talaga ba Cyrus? Share mo lang?"
Ginulo niya ang buhok. "I miss you," biglang aniya. Ako lang ba talagang parang malungkot ang tinig niya? "Naka-boyfriend ka lang kinalimutan mo ang bestfriend mo–kinalimutan mo na ako."
"Drama yarn?" anang ko.
"Bakit hindi ba totoo?" tanong niya.
"Hindi," maagap kong sagot. "Sa tingin mo ba talaga basta na lang kitang makakimutan? Ganiyan ba kababaw ang tingin mo sa akin bilang kaibigan mo?"
"Kaibigan lang ba talaga?"
"Huh?" nalilito kong tanong. Hindi ko siya maunawaan.
"I mean... of course n-not, hindi mababaw ang tingin ko sayo."
"Solid kaya ang friendship natin 'di ba?" tanong ko pa.
"O-oo naman," sagot niya na para bang nag-aalangan pa siya.
Matamis ko siyang nginitian. "Alam mo ba na bukod kay papa ay ikaw na lang ang matinong lalaki sa buhay ko."
"E, 'yong boyfriend mo?"
"Hindi iyon matino kasi abnormal iyon," bulong ko.
"Huh?"
"Hehehe!" alanganin ako natawa. "Wala iyon."
"Basta sabihin mo sa akin kapag may hindi magandang ginawa sayo ang Xaver na iyon, ah?"
Gusto ko mang sabihin sayo Cyrus ay hindi ko magawa dahil ayaw kong idamay ka pa sa problema ko.
BINABASA MO ANG
The Fake Girlfriend
RomanceLavisha Magno have a peaceful life, pero ang tahimik niyang buhay ay nabulabog nang sa hindi inaasaang pangyari ay aksidente niyang natapakan ang cellphone ni Xaver Alvuena. Hindi alam ni Lavisha kung paano niya mababayaran ang cellphone nitong ubo...