MILO
BREAKING NEWS.
News Anchor :
Ang kaisa-isang anak at tagapagmana ng mga Artamendi, ipinakilala na sa madla. Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na mayroong isang anak na babae ang mag-asawa na Artamendi, sapagkat kilala na rin ito sa mga kaliwa't-kanang charity works at madalas na paglabas sa mga kilalang magazine at commercials sa loob man o labas ng bansa ngunit ngayon na lamang ito bukas na inihayag ng pamilya sa mga tao. Naka-set na rin ang muli nitong pagbabalik bansa mula Paris France.
" Good morninggg!" Masayang bungad na bati ko sa mag-ama na abalang nanunuod ng tv habang nasa hapag kainan ngayon.
" Oh, good morning, anak! Agad ako na lumapit dito at nagmano, tinapik-tapik naman nito ang balikat ko.
" Grabe! Sobrang ganda niya talaga. Ang swerte ng magiging asawa niya." Nakatingala pa nitong sambit na tila hindi ako na pansin.
" Good morning sayo bunso! Humalik pa ako sa pisngi nito.
" Kuyang yung laway mo naman ehh! Inis na inis nitong saad at pinunasan ang pisngi pero tinawanan ko lamang ito. Gawain ko nang inisin ang kapatid ko sa umaga.
" Halika na rito anak at sumabay ka na sa amin ni bunsong kumain. "
" Sige po tay, maghihilamos lang po ako saglit." Kagigising ko lang kasi at papungas-pungas pa ako.
" Oh sige, ipagtimpla muna kita ng kape anak." Tumango lang ako rito at tumungo sa lababo. Ganoon talaga si tatay malambing sa amin na magkapatid.
" Ganda-ganda niya na ang yaman-yaman pa nila.. " Medyo napakunot ang noo ko nang marinig ko 'yon sa kapatid ko.
" Sino, bunso?? Pagkatapos ko maghilamos ay naupo ako sa tabi nito.
" Ito ang pinggan anak at kape mo. " Pagpatong ni tatay sa dala nito sa ibabaw ng mesa.
" Salamat po tay. " Kumuha na ako ng makakain mula sa gitna ng mesa.
" Ito kuyang oh, si miss andra." Pagturo pa nito sa megazine na nasa mesa ngunit hindi ko man lang ito tiningnan.
" Sinong andra, naman yan bunso? Kunot noo na tanong ko.
" Ano ba kuyang, hindi mo kilala si miss andra?? Oo kuyang ang tawag nito sa akin simula noong magkaisip na kami. Dahil sa tagilid naman daw akong lalake, tagilid din na babae. ( Intersex )
" Uhm hindi bunso eh." Napapakamot ulo pa ito na parang hindi makapaniwala na hindi ko nga kilala talaga ang tinutukoy niya.
" Palagi ko kayang kinukuwento sayo yun! Si miss andra. Maureen Alejandra Artamendi!
" Ahh, yun ba? Okay. " Kumain na lamang ako pagkat hindi naman ako interesado sa buhay ng mga mayayamang tao. Napakamot ulo na lang ulit ito dahil sa akin.
Sino ba naman ang hindi makakakilala sa mga Artamendi. Simula bata pa lamang ako naririnig ko na palagi ang pangalan ng kanilang pamilya, paano lahat na yata ng negosyo at building dito sa pilipinas kung hindi nila pagmamay- ari ay may mga share naman sila roon. TV networks, airlines, telecommunications company, malls, hotels, resorts, brewery, textiles at maraming pang iba. Hindi lang sila bilyonaryo, dahil sila lang naman ang pinakamayamang pamilya rito sa bansa.
Pero wala akong masyadong nalalaman sa anak na babae nila. Hindi naman kasi ako mahilig manuod ng balita o tv eh. Ang alam ko lamang ay hinahangaan talaga siya ng karamihan, mapa babae o lalake man. Dahil sa angking ganda at kabaitan niya raw pero hindi ko pa siya nakikita sa personal, puro haging lang sa magazine ng kapatid ko. Sobra rin siya kung hangaan ng mga kabataang babae at isa na roon ang kapatid ko mala prinsesa raw kasi. Siguro dahil sa sobrang yaman ng pamilya nila.
" Ngayon kaba magre-report sa opisina niyo anak?
" Opo tay, tinawagan na ako ni ninong, puwede na raw akong mag-report ngayon. "
" Ah ganun ba? Sige tapusin mo na ang pagkain para hindi ka ma-traffic sa biyahe mo mamaya." Tumango ako rito bilang tugon at nagpatuloy sa pagkain.
Ngunit Ilang minuto pa lang kaming kumakain ay napansin kong parang hindi mapakali ang kapatid ko sa upuan niya subalit hinintay ko na lang na magsabi ito sa akin.
" Uhm milo?
" Hmm? Napatitig ako rito dahil tinatawag niya lang akong milo kapag may kailangan siya.
" Uhm—
" Ano yun bunso?
" Puwede ba akong makahingi ng pera? Parang nahihiya pa nitong tugon. Natawa naman dito si tatay.
" Hmm magkano naman sopiyang?
" Ka- Kahit 500 lang kuyang, kasi.. nagyaya ang mga kaklase ko mamasyal sa mall mamaya eh, wala na akong pera." Minsan lang naman ito manghingi sa akin kapag wala na talaga siyang pera.
" Sige kumuha ka sa wallet ko nasa bulsa ng pantalon ko. Gawin mo na rin 1000 at baka kulangin pa ang 500 eh. " Tumayo na ako at akmang tutungo ng banyo para maligo.
" Talaga kuyang? Thank you! Mabilis itong tumayo para humalik sa pisngi ko.
" Oo, sige na sophia mae. Maliligo na ako at baka magbago pa isip ko eh."
" Eh, wala nang bawian!! Muli itong humalik sa pisngi ko at dali-daling tumungo ng kuwarto ko.
" Mag-aral ng mabuti sophia mae ha?! Habol na sigaw ko pa rito.
" Opo! Natawa na lamang kami dito ni tatay.
Ako nga pala si Mikhail Jay-lo Lim, 25 years old. Kilala ako sa tawag na milo ng karamihan. Ang biro nga nila sa akin, ipinaglihi raw kasi ako ni nanay sa milo noong ipinagbubuntis niya pa lang ako, ngunit ang sabi ni tatay ang ibig sabihin ng milo sa latin word ay soldier. Graduate ako ng PMA at isang ex- military, dalawang taon akong nagsilbi sa sandatahan ng pilipinas, hanggang sa hilingin ng aking ama na tumigil na ako sa serbisyo at pagkasundalo. Dahil sa isang insidenteng muntik kumuha ng aking buhay.
May isa akong kapatid si sophia mae at 3 years na itong kumukuha ng psychology at ako rin ang nagpapaaral dito. Ulila na kami sa ina ni sophia, nagkaroon ng malalang sakit si nanay noong paakyat pa lamang ako ng kolehiyo. Si tatay naman ay dati rin na sundalo, hanggang sa tumigil ito, dahil na disgrasya sa labanan at nabaldado ang paa. Tanging ang talyer na lang namin ang libangan at trabaho ngayon ni tatay.
Simple lang ang buhay namin, hindi nga siguro ako makakapagtapos ng PMA kung hindi dahil sa ninong ko. Simula noong nalaman niya na gusto kong magsundalo at sumunod sa yapak nila ni tatay tinulungan niya akong makakuha ng full scholarship, kaya naman ang laki talaga ng utang na loob ko at pasasalamat sa kaniya. Pero kahit hindi kami mayaman, masaya naman at kontento na kami sa buhay at sa kung anong meron kami.
———
BINABASA MO ANG
The Successor [ Book 1 ]
FanfictionMIKHAIAH AU Isang anak ng pinakamayamang pamilya sa bansa at kaisa-isang tagapagmana ng mga artamendi ngunit paano na lamang kung mahulog ang loob nito sa taong hindi niya dapat mahalin sapagkat matagal nang naitakda ang sarili nito para sa iba. Ipa...