THE NEXT DAY MORNING.
Nasa gitna nang agahan kanina ang inspector ng mapatigil ito sa pagkain niya. Sinabihan kasi ito ng isa sa mga kasama na pinapatawag siya ng lalakeng Artamendi sa opisina ngayon nito. Nagtataka man si milo sa maagang pagpapatawag ni Enrique sa kaniya ay tumalima ito at agad na tumayo sa upuan upang magtungo doon. Pagpasok ni milo sa opisina ni Enrique ay agad na bumungad ito sa kaniya na nakaupo sa karaniwang puwesto nito. Muling nagtaka si milo dahil nasa loob din ng kuwarto si ramon at dalawa pang bodyguard ng lalakeng Artamendi at dahil sa nadatnan ay bahagya itong nakaramdam ng kaba.
" Uhm magandang umaha hoh, Mr, Artamendi pinapatawag niyo raw ako? Ngiming bati ng batang inspector.
" Yes! Inspector lim. " Hindi na ito pinaupo ni Enrique at siya na mismo ang tumayo. Nanatili rin nakatayo si milo na nagtataka pa rin ngayon.
" May ipapagawa ho, ba kayo sir?
" Hmmm kakayanin mo kaya ang ipapagawa ko sayo milo?
" Wala naman.. kayong utos, na hindi ko ginawa sir."
" Sabagay, milo. " Lumapit si Enrique sa batang inspector kaya't lalo itong nakadama ng kaba.
Sandaling pinagmasdan ni Enrique ang batang inspector habang iniikutan niya ito.
" Inspector lim, alam na alam mo naman siguro na ayoko sa lahat eh, yung niloloko ako diba? Malinaw naman yun sayo? Tinapik pa ni Enrique ang balikat ni milo.
" Ye- Yes, sir! Nauutal na tugon ni milo habang nakatingin ito ng deretso
" At alam mo rin naman milo, na mataas ang respeto ko at tiwala sayo, hindi ba?
" O- Opo, sir."
" At ang ayoko sa lahat ehh, yung sinisira ang tiwalang ibinigay ko, Inspector lim! Madiin na pananalita ni Enrique at muling tinapik sa balikat si milo ngunit mas malakas ito kumpara kanina.
" Y- Yes, sir! Yukong tugon ni milo na bahagyang ininda ang pagtapik ni Enrique sa kaniya.
Umiiling- iling na huminga nang malalim ang lalakeng Artamendi bago muli itong magsalita. Nanatiling tahimik naman si ramon sa isang tabi, gayon din ang dalawa pang kasama nito sa lahat nang nakikita nila ngayon.
" Inspector lim, may relasyon ba kayo ng anak ko? Lubhang na gulat si milo sa tanong ni Enrique kaya't hindi agad ito nakatugon.
" Hmm Inspector, lim?! Sambit ni Enrique ngunit mataas na ang tuno nito ngayon. Tinitigan naman ni ramon ang batang inspector na tila nagsasabi na sabihin na dito ang totoo.
" O- Opo." Nagdikit ang panga at namuo ang kamao ni Enrique sa pag-amin ni milo.
" Did you touch my daughter, Inspector lim? Tanong ni Enrique na pilit kinukumpos ang sarili ngayon.
" S- Sir-
" Did you touch my daughter, Inspector lim?! Yes or no?! Sigaw ni Enrique.
" Patawarin niyo ho, ako sir, mahal ko po ang anak niyo at handa naman ako- Isang malakas na suntok sa sikmura ang dumapo kay milo mula kay Enrique kaya't napaluhod ito sa sahig.
" Mr. Artamendi? Sambit ni ramon at akmang lalapitan si milo.
" You stay there! Pag-turo ni Enrique sa personal bodyguard. Tumugon dito si ramon at nanatili sa puwesto nito.
Inalalayan ni Enrique si milo na tumayo kahit inuubo-ubo pa ito dahil sa lakas na suntok niya sa sikmura nito.
" You touched my daughter?! Naiiling na sabi ni Enrique na hindi makapaniwala na isang hamak na bodyguard lamang ang nakakuha sa anak nito.
BINABASA MO ANG
The Successor [ Book 1 ]
FanfictionMIKHAIAH AU Isang anak ng pinakamayamang pamilya sa bansa at kaisa-isang tagapagmana ng mga artamendi ngunit paano na lamang kung mahulog ang loob nito sa taong hindi niya dapat mahalin sapagkat matagal nang naitakda ang sarili nito para sa iba. Ipa...