THE NEXT DAY.
Host 1 - Para naman sa ating umagang showbiz balita mainit pa. Congressman francisco gonzales at Maureen Alejandra Artamendi, secretly dating nga ba?! Mayroong mga lumabas na mga litrato online na nagdi-date ang dalawa sa isang kilalang restaurant sa makati at ayon sa ating source, ay legit ang mga ito. Matagal na ring bulong-bulongan na rumored boyfriend ng magandang artamendi ang nasabing congressman ngunit walang makitang katibayan hanggang sa kumulat na ang mga litrato ng dalawa kagabi lamang.
Host 2 - Ayy! Grabe naman talaga 'yang showbiz balita natin ngayong umaga ah, pero kung totoo man yan! Ay sobrang bagay naman talaga silang dalawa diba?
Host 1 - Tama ka diyan partner, sobrang bagay naman talaga sila eh, isang mayamang maganda at gwapong congressman diba? Mapapasanaol kana lang talaga.
Sandaling napatigil sa agahang pagkain si milo sa narinig niyang balita, hindi niya maintindihan ngayon, kung bakit, tila may tumusok sa kanang dibdib niya sa kaniyang narinig, at ang saya nga nitong naramdaman kahapon at kagabi lang, ay naglahong bigla, sobrang saya pa naman nito nang magising kanina. Napatigil rin sa pagkain ng almusal yung dalawang kaibigan nito, nang mapansin nilang parang nagbago ang mukha ni milo sa narinig niyang balita.
" Tol, happy crush lang tayo diba?" Sabay akbay ni george, sa kaibigan tinitigan lang naman siya nito.
" Hmm ano sa tingin niyo totoo kaya yang balita na yan mga tol?" Tanong ni chase, na maaga palang ay dinalaw, na ang dalawang kaibigan, sa mansyon.
" Ewan, siguro palagi naman silang.. lumalabas na magkasama ni miss andra eh, sorry tol ahh. " Tugon ni george dito at humigpit ang akbay nito kay milo.
Sapagkat ramdam naman ng dalawang kaibigan ni milo na hindi nalang simpleng pag-hanga ang nararamdaman niya, para kay andra, kahit na 'di nito aminin.
" Kung sa pagwapuhan, lang naman tol, ilalaban ka namin diyan kay congressman e, at panalo ka doon, kaya lang kung yaman yung pag- uusapan umuwi nalang tayo, at wala tayong laban doon." Naiiling na usap ni chase.
" Kaibigan ka namin tol ahh, at mahal ka, namin kaya kami na ang magsasabi sayo na iba nalang hanggang happy crush lang tayo tol, hays langit si miss andra, lupa ka naman milo." Asar pa ni george, natawa naman dito si chase.
" Ano bang, sinasabi niyong dalawa diyan? Hays! Katulad niyo.. humahanga lang din ako, kay miss andra, pe - pero yun lang yun at hanggang doon lang yun. "
" Alam ko naman na hanggang pangarap, lang ang isang katulad niya hays "
" Weh? Tugon ng dalawang kaibigan nito, na tila hindi naniniwala sa kaniya.
" Oo!
" Hmm ganyan ka rin noong bago ka dito milo sabi mo hindi mo siya type tapos ngayon naging crush mo na siya. "
" Ehh, nagbabago ang tingin ng isang tao, kapag nakilala niya na, hi- hindi ba puwedeng.. ganoon lang rin ako, kay miss andra ha, george? Hays at tsaka humahanga lang talaga ako sa kaniya kasi mabait siya. "
" So.. ang sinasabi mo ba sa amin ang paghanga mo kay miss andra, hindi romantic ha, milo? Tila hindi pa rin kumbinsidong tanong ni chase.
" Oo chase at tsaka yung... katulad ni miss andra imposible namang magkagusto, sa katulad natin hays at hindi pa ako, nababaliw para pangarapin siya."
" Hmm." Patango tangong tugon ng dalawa kay milo.
" Kumain na nga lang tayo at ikaw chase dumadagdag kapa rito kay george sa pangbubuwesit sa akin. Wala kabang trabaho ngayon?!
BINABASA MO ANG
The Successor [ Book 1 ]
FanfictionMIKHAIAH AU Isang anak ng pinakamayamang pamilya sa bansa at kaisa-isang tagapagmana ng mga artamendi ngunit paano na lamang kung mahulog ang loob nito sa taong hindi niya dapat mahalin sapagkat matagal nang naitakda ang sarili nito para sa iba. Ipa...