CHAPTER 48

11.5K 454 151
                                    

Pagpapatuloy...

" Kumusta na si andra, doc? I- Is she pregnant? Alalang tanong ni elizabeth sa doctor sa labas ng kuwarto ng anak. Hindi naman lingid sa kaalaman ni elizabeth na mayroong nangyari na sa anak at sa kasintahan nitong pulis at maaaring buntis si andra at hindi lamang nito alam.

Pagkatapos na mawalan si andra, ng malay ay agad- agad na inutusan ni elizabeth si janika na iuwi na lamang ang kaibigan sa mansyon upang dito ay matingnan ng doctor sapagkat kung dadalhin pa nila si andra sa hospital ay magiging usap-usapan na naman ito, lalo na at kalat na sa lahat ang nangyaring aksidente sa na tsitsismis nitong kasintahan noon.

" Uhm no, she is not pregnant Mrs, Artamendi. " Nakahinga ng maluwag si elizabeth sa kaniyang narinig sapagkat kanina niya pa ito gustong malaman, dahil kung buntis nga ang anak ay panibago na naman itong iskandalo sa pamilya nila na kailangang ayusin.

" Na-over fatigue siya, kulang sa tulog at kain kaya bumitaw ang katawan niya and maybe na shocked siya sa mga nalaman niya? Napaiwas ng tingin si elizabeth sa doctor sa naturan nito. - Ang kailangan niya lang ay magpahingang mabuti at umiwas sa stress." Dagdag ng doctor sa huli.

" Okay, thank you. doctor jeminez? Tinanguan lang siya ng doctor bago ito magpaalam at umalis.

Humingang malalim na muna si elizabeth bago ito muling pumasok sa kuwarto ni andra nakita niya itong gising na habang pinipilit ni janika na kumain ito sa pagsubo sa kaniya ng pagkain.

" Please miss andra, kailangan mong kumain para lumakas ka agad." Subok muli ni janika na subuan ng pagkain ang kaibigan ngunit iling lamang ang itinutugon nito sa kaniya.

" Ako na diyan, janika."

" Sige po, ma'am." Agad na tumalima at tumayo mula sa gilid ng kama si janika at inabot kay elizabeth ang pagkain ni andra.

" Kumain ka andra, hindi puwedeng ganito ka na lang palagi." Malumanay na pakiusap ni elizabeth at inuwang ang kutsara sa bibig ni anak ngunit umiling lamang din ito sa kaniya.

" Mama'? Maririnig sa boses ni andra ang labis na sakit na nadarama nito ngayon. - Hayaan mo akong makita siya? Hayaan mo akong makasama siya kahit ngayon lang? Sumamo ni andra habang ang mga luha nito ay unti-unting pumapatak sa kaniyang pisngi.

" Anak, andra." Tila ba may matalim na bagay na tumutusok ngayon sa dibdib ni elizabeth sa nakikita niya sa anak at hindi ito kinakaya ng kaniyang puso.

" Pakiusap mama', gu- gusto ko siyang makita." Pagsusumamo pa rin ni andra at hinawakan ang kaliwang kamay ng ina habang ang mga luha niya ay hindi na tumitigil sa pag-agos. Alam niyang walang buhay na at maaaring hindi kompletong katawan ng kasintahan ang makikita, ngunit nais niya pa rin itong masilayan o madalaw man lang.

" Andra, gusto kong kumain ka at magpagaling na muna, pakiusap makinig ka sa akin? Haplos ni elizabeth ng kanang kamay niya sa ulo at buhok ng anak bilang lambing dito.

" Please, mama'? Paghigpit ng hawak ni andra sa kanang kamay ng ina, tanda ng kaniyang pagsusumamo rito.

Sandali at tahimik na tinitigan ni elizabeth ang anak at hinaplos ang magandang mukha nito pagkatapos ay isang mapait na ngiti at malalim na paghinga ang kaniyang pinakawalan bago ito tumayo mula sa kinauupuan.

" Janika? Senyas ni elizabeth dito at ipinatong ang plato sa side table ng kama bago lumabas ng kuwarto.

" Yes, ma'am. " Pagsunod ni janika sa among babae patungo sa labas ng kuwarto.

Lubhang hindi na kinaya pa at natiis ni Elizabeth na makita ang anak sa sitwasyon nito ngayon na lugmok at tila wala na ring buhay at labis itong kinadudurog ng kaniyang puso kaya't isang desisyon na ang na buo nito.

The Successor [ Book 1 ] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon