CHAPTER 13

13.7K 641 139
                                    

Pagpapatuloy...

Papasok sa mansyon ay nagkukuwento pa ang dalaga sa binata subalit tila nasa iba ang isipan nito simula nang makita siya na kausap niya ang bodyguard sa labas ng mansyon.

" Uhmm alejandra, bakit ka nagti-thank you sa bodyguard mo? Tanong nito pagpasok nila ng mansyon, napataas kilay naman ang dalaga at napabitaw sa kamay nila.

" Oh at bakit naman hindi chico? Dahil sa kaniya buhay pa ako hanggang ngayon. "

" Yah I know pero trabaho niya yun andra, bayad siya para siguraduhin na ligtas ka."

" Mr. Francisco gonzales, l- lahat nalang ba sayo ay tungkol sa pera, hmm? At kahit na bayad siya nakataya pa rin ang buhay niya ro'n at dapat lang na magpasalamat ako. "

" I don't know, pera lang naman katapat ng mga katulad niya, andra." Muling napataas ang kilay ni andra, dahil hindi nito nagustuhan ang narinig sa kababata.

" Naririnig mo ba ngayon ang sarili mo c- chico? Naturingan ka pa naman na isang congressman tapos ganyan ka magsalita? Ganoon nalang ba kababa ang tingin mo sa kanila? Nabatid naman agad ni chico na mali siya.

" Okay, I'm sorry. "

" H- huwag ka sa akin mag-sorry, chico." Iritang tugon ni andra, dito at napatingin sa dala dalang bulaklak ng binata.

" At isa pa.. wala ka sanang dinadalhan ngayon ng bulaklak, kung hindi dahil sa kaniya Francisco kaya tingin ko dapat lang din na mag-thank you ka sa kaniya. " Napayuko ang congressman sa sinabi ng dalaga at akma na sanang tatalikod ito sa kaniya.

" Nag- aaway ba kayo, andra? May problema ba chico.? Tanong ni Mrs. Artamendi, pagkat narinig nito ang dalawa na tila nagtatalo.

" Uhm no, tita—

" No mama', nag-uusap lang po kami. " Putol ng dalaga kay chico.

" Sigurado ba kayo? Sabay tingin nito kay chico.

" Yes po, tita. " Pagtugon dito ni chico at akmang lalapit pa kay andra.

" Uhm sige po mama', akyat na po muna ako sa kuwarto, magpapahinga lang." Pag-iwas nito sa binata dahil inis pa rin siya sa inasta nito.

" Oh, sige anak.. " Kaagad na tumalikod si andra sa mga ito.

" Andra?" Tawag pa ni chico, ngunit hindi na siya nilingon ng dalaga.

Napatingin na lamang si Mrs. Artamendi kay chico kung ano ba talagang nangyari sa dalawa at tila na wala sa mood ang anak.

—————

FAST FORWARD.

Pagkatapos ng isang linggo'y nakabalik na rin sa trabaho at sa mansyon si milo, at unti- unti na ring bumabalik sa normal ang buhay nito, kahit na mayr'ng mga makukulit pa rin na taga media na gusto siyang mainterview ngunit hanggang ngayon nga ay wala itong pinaunlakan, kahit na isang interview, at hanggang sa ngayon nga ay wala pa rin resulta sa imbestisgasyon sa ambush shooting na nangyari kay alejandra, at habang si milo ay nakakabalik na sa normal ang buhay si alejandra naman ay nag- desisyong magpahinga pa ng kaunti, mayro'n mga gabi pa rin kasi itong nanaginip sa insidenteng nangyari sa kaniya, at hindi rin nito maiwasan na matakot lalo na nga't hanggang ngayon nga, ay wala pa rin suspect sa nangyaring ambush shooting.

Nag-iikot ikot lamang ngayong umaga sa buong paligid ng mansyon si milo, sapagkat wala pa rin naman silang importanteng mga lakad kasama si andra, ito na muna ngayon ang ginagawa niya habang pahinga pa ang amo, sa pag- iikot nito sa paligid ng mansyon, ay nakarating na siya sa malawak na garden nito, tila tahimik naman ang paligid kahit na medyo umuulan ulan, at sa pag- iikot pa nito sa paligid ay may na pansin itong pinto na kahoy na nababalutan lamang ng mga halaman sa paligid nito, ngayon niya lamang ito nakita at hindi niya nga alam na may ganitong parte sa paligid ng mansyon, dahil hindi naman ito na kuwento, ni ramon o kahit ni janika, noon sa kaniya.

The Successor [ Book 1 ] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon