CHAPTER 21

14.5K 749 293
                                    

FAST FORWARD.

Isang linggo ang lumipas at mas naging malapit pa sa isa't-isa sila milo at andra at mas pansin na nga ito ni janika lalo na ang mga palihim na tinginan ng dalawa at kakaibang ngitian ng mga ito sa tuwing magkasama. Ramdam rin janika na parang palaging masaya ang amo't kaibigan. Hindi na nga talaga maitatanggi ang kakaibang koneksyon ng dalawa sa isa't-isa sa mga kilos at galaw ng mga ito sapagkat kahit ang kaibigan ni milo'ng si george ay pansin na rin ito. Lalo na noong bumalik sila galing sa Quezon Province sapagkat gaya ni andra parang mas sumaya ang inspector kumpara noong bago ito sa mansyon. Nagpatuloy lamang rin ang mga pagbibigay ni milo ng sunflower kay andra, araw-araw. Katulad ngayong umaga.

" Good morning, gorgeous. May your day begin with a smile, and with happiness for your soul to embrace."

Sincerely...
Sky.

" Hmm Inspector lim

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


" Hmm Inspector lim." Ngiting sambit ni andra nang mabasa niya ang note kasama ng tatlong pirasong sunflower sa side table ng kama niya.

Wala nang araw na hindi napapangiti si andra ng mga mensahe ni milo sa kaniya gaya ng mga umaga nang dumaan. Matapos mabasa ni andra ang note ay masaya itong nag-unat ng katawan at bumangon mula sa kama.

---

Maagang nag-ayos ng sarili si milo pagkatapos ng agahan niya pagkat nasabihan na itong may maagang meeting, yung among babae kasama ng mga board of directors ng kompanya. Hindi pa rin nga mawala, ang ngiti sa labi nito at sigla ngayong umaga, sapagkat muli niyang makikita ang magandang mukha ni andra. Ngayon ay matiyaga na lamang nilang hinihintay si andra na lumalabas, mula sa mansyon. Maya maya ay napatindig ng maayos sila milo nang iniluwa ng malaking pintuan nang mansyon ang kanina pa nilang hinihintay kasama ang assistant nitong si janika.

" Good morning, miss andra! Bungad na pagbati ng mga ito, habang sandali namang natigilan at napatitig si milo dito.

Hindi naman masisisi din ang inspector sapagkat ang ganda talaga ng among babae, sa suot-suot nito ngayon na black elegant office dress. Para bang, hanggang ngayon nga, ay bago pa rin kay milo, at hindi pa rin siya nasasanay sa presensiya ni alejandra, at palagi pa rin siyang natutulala sa tuwing makikita ito.

" Good morning." Maiksi ito, ngunit masayang tugon naman ni andra, sa kanila at bumaling ng tingin kay milo, at nginitian ito. Ngumiti rin dito si milo, at agad na tumungo sa pintuan ng kotse upang pagbuksan ang babae.

" Miss andra. " Sambit nito na kahit nakasuot ito ng salamin ay mahahalata ang mga tingin nito kay andra dahil sa mga ngiti nito sa labi.

" Thank you, m- milo." Ngiting tugon ni andra at bumaling pa ito ng tingin dito, bago sumakay ng kotse.

" You're welcome.. miss andra... " Tangong tugon ni milo dito, bago isarado yung pinto na hindi pa rin nga mawala-wala, ang ngiti sa labi hanggang sa sumakay ng kotse.

The Successor [ Book 1 ] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon