Pagpapatuloy...
Pailing-iling ang ulo ni milo habang nakayukong naglalakad sa may hallway ng mansyon patungo sa kaniyang kuwarto, sapagkat ang ipinangako ng nobya sa kaniya ay hindi nangyari at magkahiwalay pa sila ngayon ng kuwartong tutulugan. Pagkatapos nilang makakain ng hapunan ay agad na naghiwalay ang magkasintahan na kinalungkot ng inspector. Ang akala kasi nito ay makakasama niya ang nobya sa buong magdamag sa pagtulog sa iisang kuwarto lamang, ngunit hindi nga pumayag si andra sa kaniyang nais. At nalalaman niya naman na hindi puwedeng pilitin ang nobya sa hindi nito nais gawin at kailangan niya itong respetuhin. Sa kabilang banda ay naiintindihan niya rin ito. Lalo na at hindi pa sila nito na ikakasal at hindi pa bukas sa publiko ang kanilang relasyon.
" Nag-promise pa siya sa akin, hindi naman pala niya tutuparin! Itulog mo na lang talaga milo!" Bulong ng inspector at napapakamot batok.
" Inspector, lim? Agad napaangat ang ulo ni milo sa taong kasalubong nito.
" Oh, janika?
" Pinapatawag ka ni miss andra sa kuwarto niya." Palihim na napangiti si milo sa kaniyang narinig ngunit nagtaka rin ito.
" Huh? Nailing at napangiti ng bahagya si janika sa tugon sa kaniya ng inspector.
" Pinapatawag ka ni miss andra, sa kuwarto niya ngayon." tumalikod na si janika rito ngunit muli itong humarap.
" Uhmm nasa dulo ng hallway pala ang kuwarto ni miss andra, sige maiwan na kita milo. "
" Oh, okay salamat, janika." Nginitian lamang ito ng kaibigan ng nobya at agad ding tumalikod sa kaniya.
Tila na buhayan naman ng dugo si milo dahil sa biglang pagpapatawag sa kaniya ng nobya, kaya't dali-dali itong lumakad patungo sa kuwarto ni andra.
---
You are not blind, you are not stupid you can read. There is a warning. So if you are not comfortable with these kinds of scenes and themes. Don't read it. ⚠️🔞
Pagdating sa tapat ng kuwarto ni andra ay agad na kumatok dito si milo, ngunit walang tugon ang nobya sa kaniya kaya't pumasok na ito. At sa pagbukas ng pinto at bumungad sa kaniya ang loob ng kuwarto ay lubhang namangha ito. Sapagkat mas malaki pa ang kuwarto ng nobya sa maynila. Inilibot ni milo ang mga mata sa loob ng kuwarto na namamangha pa rin sa laki at ganda nito. European ang istilo ng kuwarto katulad sa disenyo ng buong mansyon na lalong nagpaganda at pagarbo rito. Sa pag-iikot pa ng mga mata ni milo sa kuwarto ay nakuha ang kaniyang atensyon nang makita ang isang malaking swimming pool mula sa labas nito. Dahil sa kuryusidad ay lumakad ito patungo sa pintuan at dito ay agad na bumungad sa kaniya ang nobyang nakatalikod, at nakasuot lamang ng black two piece swim suit habang nakalubog ang katawan nito sa tubig. Nang dahil dito ay napalunok ng laway ang inspector at sandaling natigilan at kinatitigan ang katawan ng nobya sapagkat kahit nakalubog ang katawan nito sa tubig ngayon ay makikita pa rin ang kabuoang hubog at ganda ng katawan nito.
" An- Andra?" Tila naglinis pa ng lalamunan si milo bago nito sambitin ang pangalan ng nobya. Sa pagtawag niya rito ay kagad itong humurap sa kaniya na may ngiti sa labi.
" Oh hi, inspector lim? Sambit ni andra habang hinahawi ang buhok nito palikod na tila inaakit ang kasintahan.
" H- Hi! Nauutal na tugon ni milo na palihim na kinangiti ni alejandra. Alam na alam talaga nito ang kahinaan ng kasintahan.
" Bakit parang... kinakabahan ka yata? Inspector lim hmm? Pilyang tugon ni alejandra na muling kinalunok ng laway ng kasintahan.
" Ako? Hi- Hindi ahh! Ba- Bakit ako kakabahan?" Tanggi ni milo at napakamot batok na lalong nagpangiti kay andra.
BINABASA MO ANG
The Successor [ Book 1 ]
FanfictionMIKHAIAH AU Isang anak ng pinakamayamang pamilya sa bansa at kaisa-isang tagapagmana ng mga artamendi ngunit paano na lamang kung mahulog ang loob nito sa taong hindi niya dapat mahalin sapagkat matagal nang naitakda ang sarili nito para sa iba. Ipa...