CHAPTER 17

14.3K 669 86
                                    

SUNDAY MORNING.

Nagising si andra sa sinag ng araw na dumadampi sa kaniyang mukha, pinilit nitong iminulat ang mga mata at nakita niya na bahagyang nakahawi na ang kurtina sa bintana, hindi pa nga sana nitong gustong bumangon ngayon, subalit naalala niyang may trabaho rin siya ngayong araw, kaya bumangon ito at naupo muna sa kama, at nang inikot-ikot, naman nito ang mga mata sa paligid ng kuwarto, ay napatigil ang tingin nito, sa side table ng kama niya't nakita ang isang pirasong tangkay ng sunflower dito, bahagya pa nga siyang lumapit dito upang tingnan at kunin ito, nakita niya rin sa ilalim ng sunflower ang isang papel, kinuha niya rin ito at umuwang naman yung magandang ngiti sa labi niya sa kaniyang nabasa.

Do you know why the sun rises every morning?? Just to see your beautiful smile :)

Sincerely,
Sky...

" Sky? Sinong sky hmm?" Sapagkat wala naman siyang kilalang sky, bagamat napaisip ito kung sino ba, ang nagbigay sa kaniya ay napangiti pa rin ito lalo na nga't paboritong bulaklak nito ang sunflower

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

" Sky? Sinong sky hmm?" Sapagkat wala naman siyang kilalang sky, bagamat napaisip ito kung sino ba, ang nagbigay sa kaniya ay napangiti pa rin ito lalo na nga't paboritong bulaklak nito ang sunflower.

Sandaling tinitigan pa nga ni andra, ang bulaklak at note na hawakhawak niya ngayon at muli nga itong napangiti, maya maya ay na isipan na nitong tumayo sa kama pagkat tila gumaan ang pakiramdam nito sa nabasa at nagkaroon ng energy bigla at matapos ang umagang routine nito ay bumaba na ang dalaga upang makakain ng agahan.

--

Hanggang sa makarating nga si andra, sa dining area, ay hindi nawala yung mga ngiti nito sa labi pansin naman ito agad ng mga katulong at yaya rosario nito.

" Magandang umaga po, miss andra.... " Bungad ng tatlong kasambahay.

" Good morning." Maiksi ngunit masayang tugon ng dalaga sa mga ito at lumapit kay rosario para humalik sa pisngi nito.

" Hmm.. mukhang maganda ang gising ng alaga ko ngayon ah? Hinagod-hagod pa nga nito ang pisngi ng dalaga.

" Opo yaya uhm sila mama't papa' pala? Ngiting tugon ni andra naupo na.

" Ahh, kanina pa umalis may maagang business meeting." Habang nilalagyan nito ng pagkain ang plato ng alaga niya, nakasanayan na nga ito gawin ng matanda, kahit ngayon na dalaga na si andra, naitimpla niya na rin ito ng kape.

" Okay, hmmm thank you yaya rosario.. " Muling tugon ni andra, na kita yung dimples sa ibaba ng labi nito at yumakap pa ito saglit sa balakang ng matanda.

" Para sa maganda kong alaga, ohh sige kumain ka lang ng marami at parang pumapayat kana.." Pagbiro pa nito kay andra, natawa naman ito, sa kaniya.

The Successor [ Book 1 ] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon