CHAPTER 49

17.2K 454 159
                                    

1 YEAR LATER.

" Uhm janika, ang deal sa japan investor natin na close na ba yun? Tanong ni andra habang naglalakad sila sa hallway patungo sa opisina niya katatapos lang ang meeting nito ngayong umaga.

" Hindi po miss andra, bigla silang nag-back out eh." Kumunot ang noo ng kaibigan sa narinig nito sa kaniya.

" Huh? B- But why? Sandali pa itong napatigil sa paglalakad ngunit muli rin namang nagpatuloy.

" Yung nalaman nila na hindi ikaw ang makaka- deal nila biglang nag-back out." Nagtaka naman si andra.

" Bakit kailangan na ako pa janika, hindi ba may naka-assign naman doon? Kunot pa rin ang noo ng dalaga sapagkat marami na itong trabaho at hindi niya na maisisingit pa sa schedule.

" Uhm ewa- ewan ko? Taas balikat na pagtugon ni janika.- At tsaka nabalitaan ko rin na nagkasakit daw ang presidente ng kompanya nila, kaya siguro hindi na lang itinuloy." Patuloy nito na kinataas ng kilay ni andra at napailing na lamang sa huli.

" Hmm okay hayaan-

" Finally at naabutan ka rin namin dito, andra." Bungad na saad ni sabrina pagbukas ni miguel ng pintuan para sa kanila.

" Kanina pa daw po kayo nila hinihintay, miss andra." Saad pa ng bodyguard bago isara ang pinto na tinanguan lang ni andra bilang tugon.

" Maia, sa- sab? A- Ano'ng ginagawa niyo rito? Ilang linggo na rin na hindi sila nagkikita ng mga kaibigan kaya't bahagya itong na surpresa. Tumayo at lumapit naman ang dalawa sa kaniya para bumeso.

" Ano pa nga ba andra hmm? Binibisita ka, ang hirap mo kasing hagilapin eh." Matapos na makabeso si maia sa kaibigan.

" Request lang ako miss andra, ng maiinom niyo." Saad ni janika na tinanguan lang rin ng kaibigan bago siya tumalikod at iwan ang tatlo.

Iginiya naman ni andra ang mga kaibigan na maupo sa round table malapit sa malaking bintanang salamin ng opisina niya.

" Bakit ba ang hirap mong hagilapin, andra? Masyado ka na yatang workaholic, palagi kang wala." Maarteng saad ni sabrina.

" Marami lang talaga akong trabaho." Tugon ni andra na tila paiwas. Nagbatuhan naman ng tingin ang dalawang kaibigan niya sa mesa.

" Talaga bang maraming trabaho o sinasadya mo lang na isubsob ang sarili mo sa trabaho, andra? Usisa ni maia.

" Ako lang naman ang maaasahan ni mama'." Alibi pa ni andra na hindi pasado sa dalawa.

" Hindi yan ang kuwento ni tita sa amin andra, Ang sabi niya. Siya pa ang pumipilit sayo na mag-break muna sa trabaho." Pasandal na tugon ni sabrina sa upuan at nagpa-cross ng kamay sa mga braso nito. Hindi naman dito nakatugon ang kaibigan.

" Andra, hindi masama ang magtrabaho pero hindi rin masama ang magpahinga. Kayo ang may-ari ng kompanya, hindi ka empleyado rito at hindi mo kailangan na isubsob ang sarili mo trabaho. Ni hindi ka na nga sumasama sa amin." Litanyan ni maiara na may tila pagtatampo. Napabuntong hininga naman si andra.

" Okay, babawi na lang ako sa inyo next week." Matapos na lamang ang paninermon ng mga kaibigan kay andra.

" Hmm next week andra? Eh bukas na alis ko pa spain at nagtatampo na ang afam ko." Taas kilay na saad ni sabrina. May nobyo na kasi itong business man na banyaga.

" When you come back." Parang pang-aasar ni andra sa kaibigan na inirapan naman siya.

" Matatagalan ako andra, may trabaho rin kasi ako roon, at tsaka gusto na rin ni luis na magpakasal kami eh, hindi ko na nga alam kung paano pa ako magdadahilan sa kaniya."

The Successor [ Book 1 ] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon