FAST FORWARD.
Lumipas pa ang dalawang linggo at mas naging maganda pa ang samahan nila milo at andra bilang mag-amo ngunit habang tumatagal na nakikilala ni milo ang babae ay mas lalong lumalalim ang paghanga niya dito at alam niya na sa sarili na hindi lamang simpleng paghanga ang nararamdaman niya para kay andra subalit alam naman niya kung hanggang saan lamang siya lalo na at alam ng lahat na mayroong nobyo na ito na siya ring inaakala niya. Nagpatuloy rin ang patagong pagbibigay ni milo ng bulaklak kay andra sa ganitong paraan ay napapasaya at napapakita niya ang nararamdaman para dito.
Habang nakikilala naman ng husto ni andra ang bodyguard ay mas lalong tumaas ang tiwala niya dito at pakiramdam niya ay palagi siyang ligtas kapag kasama ito bagay na hindi naman niya naramdaman sa ibang naging bodyguard noon. Pansin pa rin ni andra ang mga palihim na pagtitig sa kaniya ng bodyguard ngunit tulad ng dati ay hindi niya ito binibigyan ng kahit na anong malisya bagamat ramdam niya na may kakaiba dito dahil sa ang alam nga niya ay may nobya na ito. Palaisipan pa rin kay andra kung sino ba'ng nagbibigay sa kaniya ng sunflower na bumubungad at nagpapangiti sa kaniya tuwing umaga.
Matiyagang naghihintay lamang si milo ngayon sa labas ng mansyon kasama ang mga kapwa security nito sa paglabas ni andra. Naka-leave rin ngayon si milo sa trabaho sapagkat ngayon ang araw ng kaarawan ng kapatid na si sophia at nangako nga rito si andra na sasama siya sa swimming nila. Naglaan talaga ang dalaga ng oras at kinansel ang mga trabaho ngayong araw upang pagbigay ang hiling ang tagahanga kaya't nagdesisyon si milo na sumabay na sa amo at upang mabantayan din ito lalo na at labas ito sa trabaho ni andra ang pagpunta sa kaarawan ng kapatid niya at obligasyon niyang protektahan pa rin ito kahit naka-leave siya.
" Magandang umaga po miss andra." Napatayo naman ng tuwid ang tatlo, nang makita nila ang amo kasama si janika sa likuran nito habang si milo ay napatitig dito.
Malayang nakatitigan ngayon ni milo ang buong mukha ng babae pagkat nakashades ito, at hindi sya mahahalata kung nakatuktok ang mga mata niya dito, kahit na napakaganda ngayon ni andra sa suot nitong white off-shoulder top at yellow trouser ay hindi nga ito nagustuhan ng inspector dahil kita ang tiyan at balikat ng amo na para sa kaniya nga' y masyadong sexy pero hindi naman niya ito puwedeng sabihan o sitahin pagkat sino nga ba siya, isa lamang naman siyang hamak na bodyguard nito.
" Good morning." Tugon ni andra na nakalitaw ang mga dimples sa pisngi at ibabang labi nito pagkatapos ay napabaling ng tingin sa inspector at lumapit dito.
" Inspector lim, you looked good ah, bagay sayo 'tong suot mo. " Inayos pa ni andra ang kuwelyo ng long-sleeved ng inspector, bahagya namang nagulat ito sa ginawa ng babae.
Ang gandang gwapo naman kasi talaga ngayon ng bodyguard sa suot nitong white cotton long-sleeved at cream pants kaya't hindi napigilan ni andra na i-complement ito. Lihim na lamang natatawa kay milo ang mga kasama sa inaasta niya ngayon.
" Sa- Salamat po, miss andra." Napapakamot batok na tugon ni milo at ngumiti lamang ito sa kaniya at tumalikod. Sumunod siya rito at pinagbuksan ng pinto ng kotse.
" Thank you, milo." Hindi talaga ito nakalilimot na magpasalamat bago sumakay ng kotse.
" You're welcome, miss andra. " Sumunod na sumakay ang assistant nito na palagi lamang nakamasid sa dalawa.
Pagpasok ni janika sa kotse ay bahagya itong lumapit sa kaibigan at pasimple itong binulungan.
" Hmm nag-usap kayo ng isusuot?" Pansin kasi ni Janika na parehong nakaputi ang dalawa.
" Huh?" Tiningnan ni andra sandali ang suot niya ngayon at napakunot ang noo.
" Couple kayo?" Asar pa kay andra ng assistant, inirapan nalang niya ito.
BINABASA MO ANG
The Successor [ Book 1 ]
FanfictionMIKHAIAH AU Isang anak ng pinakamayamang pamilya sa bansa at kaisa-isang tagapagmana ng mga artamendi ngunit paano na lamang kung mahulog ang loob nito sa taong hindi niya dapat mahalin sapagkat matagal nang naitakda ang sarili nito para sa iba. Ipa...