CHAPTER 44

10.1K 375 166
                                    

Pagpapatuloy...

" Sir, kay mikhail jaylo lim po? Bungad ni nestor sa mesa ng pulis pagdating nila sa presinto.

" Ah si inspector lim? Ngiting nakakalokong tugon ng pulis.

" Oho." Sabat ni sophia.

" Hmm brad, pakisamahan nga muna na ito sa kuwarto ni milo." Naiiling na baling nito sa kapwa pulis.

" Sige brad, kuwarto?! Selda kamo! Natatawa pa nitong tugon sa kasama at tumayo sa kinauupuan ngunit sa narinig ni george ay tila kumulo ang dugo nito.

" Gago 'to ah! Akma pa itong lalapitan ni george at balak komprotahin kaya' t tinitigan siya nito.

" George, huwag na hayaan mo na. " Awat dito ni nestor.

" Tama si tatay, george baka magkaproblema kapa kapag pinatulan mo yan. " Saad na awat na rin ni sophia.

Walang nagawa si george kung hindi tanguan na lamang ang mag-amang sophia at nestor at pinilit magtimpi ng galit habang ang pulis ay nangingiting tumalikod sa kanila. Tahimik na sinundan nalang nila ito patungo kung saan nandoon si milo.

" Ohh, inspector lim, may bisita ka! Agad-agad na napaangat ang ulo ni milo mula sa pagkakayuko nito sa narinig at ng makita ang pamilya ay tumayo ito sa pagkakaupo sa sahig.

" Tay, sophia? Paglapit ni milo, sa rehas.

" Meron lang kayong 30 minutes ha?! Saad ng pulis bago ito tumalikod ngunit bumaling pa ng masamang tingin sandali kay george.

" Pulis din ako gago! Paglabas ni george rito ng tsapa niya at muntik na itong isampal sa mukha ng pulis ngunit natatawa lang itong tumalikod sa kaniya.

" George, please? Anak, tama na yan." Saway ng mag-ama rito.

" Pasensiya na ho." Tinanguan at tinapik na lamang ito sa balikat ni nestor bago bumaling sa anak.

Sandaling tinitigan ni nestor ang anak sa sitwasyon nito ngayon sa loob ng kulungan na sa kaniyang hinagap ay hindi kailanman nakitang, makikita rito ang anak.

" Milo, anak." Naluluhang sambit ni nestor at bagamat na mayroong rehas na pumapagitna sa kanila ng inspector ay niyakap ito.

" Tay, wala akong alam sa binibintang nila sa akin nakita ko na lang si Mr. Artamendi na walang malay doon, maniwala kayo sa akin. "

" Naniniwala kami sa'yo anak." Pagtapik-tapik pa ni nestor sa likod ng anak at tuluyan na itong tumangis sa kaniya.

" Kuyang. " Umiiyak na sambit ni sophia at lumapit na rin kay milo at yumakap mula sa labas ng rehas nito. Kapwa tumatangis na ang mag-anak at awa naman ang nadama rito ni george.

" Tol." Pagtapik nito sa balikat ni milo at naluha na rin ito.

" Salamat sa pagdala sa kanila rito, george." Saad ni milo at bumitaw sa yakap ng ama't kapatid at pinunasan ang luha.

" Wala yun tol, pasensiya kana sa kanila ko lang nalaman ang nangyari eh, kung nalaman ko lang agad, kagabi palang sana bumalik na ako sa mansyon. "

" Okay lang tol, balitaan mo nalang ako sa mga nangyayari roon kapag may panahon ka nang makabalik ulit dito. Sigurado naman ako na hindi papayagan si andra na makadalaw sa akin. " Naiiling na tugon ni milo.

" Sige tol, akong bahala. "

" Sana lang talaga, hindi siya maniwala sa mga naririnig niyang balita. " 'Pagkat makadaragdag pa si isipan at dalahin ni milo kung pati ang nobya ay hindi maniniwala sa kaniya.

" Ma- Magtiwala ka lang tol, kay miss andra." Pagtapik muli ni george sa balikat ni milo na tinanguan nito.

Wala namang magagawa ang inspector kung hindi ang magtiwala nalang sa nobya na siya ang papanigan at paniniwalaan nito.

The Successor [ Book 1 ] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon