2 DAYS LATER
MANILA PHILIPPINES.MILO
Ilang araw ko ring ipinagpaliban na sabihin kay ninong na pumapayag na ako sa gusto at utos niya sa akin dahil sa huli hindi ko lang siya basta ninong at mas nakakataas siya sa akin sa trabahong pinili ko at kailangan ko itong sundin sa ayaw man o sa gusto ko. Maaga pa nga lang umalis na ako ng bahay at ngayon nga malapit na ako sa bahay ng mga Artamendi, ito rin yung unang pagkakataon na tatapak yung paa ko sa tahanan ng isang mayaman, hindi ko alam kung anong mararamdaman ko ngayon eh, dahil sa kakaiwas ko sa mga gaya nila ehh, ngayon nga magtatrabaho pa ako sa kanila.
Ilang minuto lamang at nakarating na rin ako sa subdivision kung saan ang mga ito nakatira, at sa labas palang ng subdivision ay mahigpit na ang security at hindi ka makakapasok ng walang ID o NBI at kahit pahintulot lang sa pupuntahan mo, mabuti na lamang pulis ako at meron papel galing opisina, ilang minuto pa ang tinahak ko bago ko narating ang mismong bahay ng mga Artamendi, at hindi pala ito bahay, kundi isang mansyon sapagkat sa parking lot pa lamang nila ay aakalain mo nang parking lot ito ng mall sa sobrang laki at ang mismong mansyon aakalain mo ring mall sa laki nito at nakaka- mangha rin ang disenyo at instraktura nito.
At mahigpit din ang security sa paligid ng bahay, sa gate pa nga lamang bago ako mag-park ay dalawang guard na ang bumati sa akin, makikita rin ang mga lalake at babae na naka-black suit sa paligid ng mansyon marahil ito ang security ng mga Artamendi, at parang abala rin ang mga tao sa buong paligid ng mansyon, siguro dahil sa naghahanda na sila sa muling pagbabalik ng pilipinas nung Andra, pinatuloy naman ako sa mismong loob ng mansyon at pagpasok ko dito bumungad sa akin ang matataas na ceiling nito, may iilan rin akong nakasalubong na katulong siguro, tantiya ko hindi lang sampu ang katulong nila dito.
Habang nag-lalakad nga ay hindi ko maiwasang mamangha talaga sa laki at ganda ng mansyon na ito ngayon lang kasi ako nakapasok sa ganito kagandang bahay at madalas nga sa pelikula ko lang ito nakikita noon, may ganito pala talaga sa totoong buhay. Sumusunod lang naman ako kung saan ako dadalhin nitong mayordoma yata ng pamilyang Artamendi, narinig ko kasing tinawag siyang nanay rosario ng isang katulong kanina at halatang iginagalang siya ng mga ito, maya maya ay tumigil kami sa malawak na pool area ng mansyon at nakita ko na may dalawang lalake pa ang parang naghihintay rin dito.
" Uhm inspector lim? Dito na muna po kayo maghintay at maupo." Mukha naman itong mabait dahil panay ang ngiti sa akin.
" Sige ho, maraming salamat po." Ngiting tugon ko dito at tumango lamang naman ito sa' kin at tumalikod agad.
Agad naman naupo ako sa parang waiting area nila, dito sa pool kasama ng dalawang pulis na halatang mga bagitong pulis ang mga ito dahil sa rango na po1, maya maya may dumating na matangkad na lalake at hinarap kami.
" Inspector lim? Agad na bungad nito sa akin at nakipagkamay.
" Yes, sir. " Tumayo naman ako at tinanggap ang kamay nito at nakipagkamay rin ito sa dalawang pulis na kasama ko.
" Kayo siguro ang pinadalang tao ni general cruz ano? Pagtukoy nito sa ninong ko.
" Yes sir, kami nga po. "
" I see, ako nga pala si Ramon ang head ng security ng mga Artamendi, hali kayo sumunod kayo sa akin." Ngiting usap pa nito at halata sa kilos nito na matagal na siyang nagtatrabaho dito at mukha rin itong mabait.
Tumalikod at lumakad ito, at kagad na sumunod kami sa kaniya kahit na hindi namin alam kung saan kami dadalhin nito, sandali pa at pumasok kami sa isang malaking kuwarto, library marahil ito dahil ang daming libro sa loob nito, pina-upo kami ni kuya ramon sa isang mahabang mesa at iniwanan kami, ewan ko ba nandito lang naman ako para mag- report kasi ang alam ko hindi pa ito ang araw na mag- uumpisa ako, ngunit ang dami na namin na pinagdaanan na tao, minuto ang lumipas nang muling bumakas ang pinto at napatayo kaming tatlo sa pumasok dito, ito ang mag- asawa na Artamendi, hindi ko inaasahan na makikita ko sila ngayong araw mismo, dinaig pa nila yung presidente, ng pilipinas sa higpit ng security bago makaharap sila.
BINABASA MO ANG
The Successor [ Book 1 ]
FanfictionMIKHAIAH AU Isang anak ng pinakamayamang pamilya sa bansa at kaisa-isang tagapagmana ng mga artamendi ngunit paano na lamang kung mahulog ang loob nito sa taong hindi niya dapat mahalin sapagkat matagal nang naitakda ang sarili nito para sa iba. Ipa...