THE NEXT DAY.
Nagmamadali na tumungo si milo sa gallery house ng nobya sapagkat maaga pa lamang ay nakatanggap na siya ng mensahe mula rito at para bang napakaimportante talaga nito dahil ngayon lamang nag-message ang nobya nang ganito kaaga sa kaniya. Pagpasok at pag-ikot ng mata ni milo sa loob ng gallery houseay nakita agad nito ang nobyang si andra na ngayon ay nakaupo sa sofa at nakayuko ang ulo. Agad niya itong nilapitan at lumuhod dito.
" Baby, may problema ba? Bakit ang aga mong mag-text sa akin?" Inangat ni alejandra ang ulo at nakita ni milo, ang nangingilid na luha nito, sa mata kaya't nag-alala na siya dito.
" M- Milo. " Yumakap dito si andra at tuluyan ng lumuha.
" Bakit, ano po'ng nangyari, baby?" Nag-aalalang tanong ni milo.
" Oh, Inspector lim, nandito kana pala?" Nilingon ni milo ang babaeng nagsalita mula sa likuran niya at napatayo siya nang makita ito.
" Mrs, A- Artamendi? Gulat na sambit ni milo, at bumaling sandali ng tingin sa nobya. Hinawakan naman siya nito sa braso habang nanatili ito na nakaupo.
Nasa kusina kanina si Elizabeth kaya' t hindi siya napansin o nakita agad ng inspector pagdating nito.
" Uhm magandang umaga sayo, milo." Inilapag ni Elizabeth ang dalawang tasang may lamang kape sa center table bago ito na upo sa kabilang sofa.
" Ma- Magandang u- umaga ho.. mam, sa inyo." Nauutal at yukong tugon ni milo.
" Please sit down, milo. " Magalang na pakiusap ni Elizabeth sa batang inspector.
" Sa- Salamat po, mam. " Ngimi pa rin na tugon ni milo, at naupo sa tabi ng nobya, at hinawakan ang kamay nito ng mahigpit.
Saglit bumalot ang katahimikan sa buong paligid habang matiim na pinagmamasdan ni Elizabeth ang anak niya at kasintahan nito na magkalapat ngayon ang mga kamay sa isa't-isa. Pumikit ito at huminga ng napakalalim bago magsalita.
" Hindi mo manlang ba na iinumin ang kape mo milo?" Kumpos na sabi ni Elizabeth na makikita ang pagiging sopitikada nitong malinaw na dito na mana ng anak na si andra.
" Po?" Sambit ni milo at nagkatinginan pa sila ni andra.
" 'yang coffee, tinimpla ko yan para sayo milo." Tila mataray na tugon ni Elizabeth at kinuha ang isang tasa sa mesa at uminom ng kape.
" Pasensiya na hoh, kayo mam." Agad na kinuha ng inspector ang kape sa mesa, kahit ilag at may kaba ito ngayon sa dibdib.
Muli na tumahimik ang paligid, at pinagmasdan ni Elizabeth ang magkasintahan na magkalapat pa rin ngayon, ang mga kamay sa isa't- isa kahit halata na kinakabahan ang dalawa. Pero lalo na ang inspector pagkat sa bahagyang panginginig ng kamay nito habang hawak-hawak ang tasang may lamang kape.
" Gaano na katagal ang relasyon niyo ng anak ko, milo?" Paglapag ni Elizabeth ng tasa sa mesa.
" Uhmm da- dalawang bu- buwan na po, mam." Napalapag din ng tasa si milo sa biglang tanong ni Elizabeth. At sa narinig nga nito' y tumaas ang kilay dahil matagal na palang may itinatago ang anak sa kanila.
" Sa mahabang panahon na yun milo, hindi mo manlang ba naisipang hu- humarap sa amin at umamin sa relasyon niyong dalawa? Oh, balak mo talagang ilihim at itago lang ang anak ko?"
" Mama' ako ang-
" Hindi ikaw ang kinakausap ko alejandra!" Napayuko nalang ang dalaga sa saway ni Elizabeth. At humigpit naman ang hawak ni milo sa kamay ng nobya.
" P- Patawarin niyo po ako, hindi ko po gustong itago ang anak niyo mam. Gustong- gusto, kong humarap sa inyo, pero humahanap lang kami ng tamang panahon. Alam ko po kasi na mabibigla kayo at may iba kayong gusto para kay andra."
BINABASA MO ANG
The Successor [ Book 1 ]
FanfictionMIKHAIAH AU Isang anak ng pinakamayamang pamilya sa bansa at kaisa-isang tagapagmana ng mga artamendi ngunit paano na lamang kung mahulog ang loob nito sa taong hindi niya dapat mahalin sapagkat matagal nang naitakda ang sarili nito para sa iba. Ipa...