2 DAYS AFTER.
Dahil sa walang trabaho ngayong araw si andra na isipan nito na ipagpatuloy ang pagpipinta sa malaking paintings niya na hindi pa natatapos.
" Andra, anak?" Pagtawag ni rosario sa dalaga na abala na ngayon sa pagpipinta nito.
" Yes, yaya rosario?" Malambing na pagtugon ng dalaga sa matandang abala naman, sa paglilinis ng kuwarto niya, sa gallery house. Hindi naman agad na tumugon sa kaniya, ang matanda kaya't binalewala nalang ito. Maya-maya lang lumabas ang matanda mula sa kuwarto niya.
" Anak, andra?? May.. buwanang dalaw kaba ulit ngayon?? Tawag, at takang tanong, ng matanda habang palapit, sa dalaga. Napa- lingon, naman ito at napatingin sa dala dalang kumot nito.
Makikita sa buong mukha at reaksyon ng dalaga ang pagkagulat o takot nito sa nakitang hawak ng matanda, ngunit mabilis na umiwas, ng tingin dito. Gustong sapukin ni andra, ang sariling ulo ngayon pagkat iniwan niya lamang na nakatupi sa isang tabi sa loob ng banyo ang kumot at sapin ng kama niya, na mayroong mga dugo at nakalimutan niya itong itapon. Nakita naman ng matanda ang pagbabago ng timpla sa mukha ni andra.
" Uhmm o- opo, yaya rosario." Tugon ni andra at patay malisya, na ipinagpatuloy ang ginagawa nito.
" Eh, di- diba? Mahigit dalawang linggo palang natatapos ang buwanang dalaw mo, anak hmm? Usisa pa ng matanda.
" Ahh si- siguro po yaya, nagbago lang ang cycle ko.. ngayon? Iwas na tugon at katwiran pa rin ni andra na tila hindi kumbisido ang matanda.
" Andra, may.. hindi kaba, sinasabi kay yaya hah? Malambing na tanong ng matanda.
" Wala naman po yaya.. " Pagtugon nito na hindi nililingon ang matanda.
" Anak.. ako nagpalaki sayo, kaya't alam ko kung hindi ka nagsasabi sa akin ng totoo... " Iginiya ng matanda, ang baba ng dalaga, at ibinaling ito, sa kaniya.
" Yaya?? Ngiming pag-tugon ni alejandra, ngunit kinatitigan ito ng matanda nang maigi na tila ba sinasabi na magsabi ng totoo sa kaniya.
" Andra?
" Wal- Wala na- naman po talaga yaya, rosario." Huminga ng malalim, ang matanda't kinuha ang kamay ni andra.
" H- Halika anak, at mag- usap tayo.. " Marahan na hinala ni rosario, ang dalaga patungo, sa sofa upang ma-upo doon, at wala namang nagawa si andra kundi ang sumunod.
At muling huminga ng malalim, ang matanda at hinawakan ng mahigpit, ang dalawang kamay ni andra bago ito mag- salita.
" Andra, anak kilala mo si yaya, hindi ba?? Lahat puwede mong.. sabihin kay yaya... " Pagkumbinsi ng matanda sa kaniya.
Napayuko ang dalaga sapagkat totoo naman ito lahat ng mga bagay tungkol sa kaniya, lalo na noong bata pa siya, ay sinasabi niya, dito. Subalit ang tungkol sa kanila, ng kasintahang si milo, ay hindi niya nga puwedeng sabihin dito sa ngayon. Muling napa- hinga ng malalim ang matanda sapagkat nanatiling tahimik at nakayuko lamang ang dalaga.
" May nangyari na ba sa inyo ni milo hah, anak? Napa-angat ang ulo ni alejandra sa gulat niya sa tanong ng matanda.
" H- hoh?
" Hmm akala mo ba, hindi ko alam, ang tungkol sa inyo ni milo?
" Paano niyo- Dito ay mas lalong na huli ito ng matanda.
" Hmm.. hindi mo na kailangang sabihin sa akin. A- Ang sabi ko nga sayo diba?? Kilala kita, andra ang mga pagbabago sa... kilos mo. At.. mga ngiti mo kapag nandiyan si milo, na ngayon ko lang nakita sayo. " Napayuko muli si andra, sa narinig niya at tila' y hindi makapaniwala na nabasa siya ng matanda sapagkat nag-ingat silang mabuti ni milo upang walang makaalam ng relasyon nila.
BINABASA MO ANG
The Successor [ Book 1 ]
FanfictionMIKHAIAH AU Isang anak ng pinakamayamang pamilya sa bansa at kaisa-isang tagapagmana ng mga artamendi ngunit paano na lamang kung mahulog ang loob nito sa taong hindi niya dapat mahalin sapagkat matagal nang naitakda ang sarili nito para sa iba. Ipa...