CHAPTER 38

15.6K 564 320
                                    

2 WEEKS LATER.

Katulad ng private plane na sinasakyan ngayon ni andra ay lumilipad rin ang isipan nito kung saan habang ang mga mata ay nakatingin sa kaulapan ng langit. Pagkatapos ng mga nangyari sa nakalipas na ilang linggo ay ngayon na lamang ito pinayagang lumabas ng mansyon ngunit hindi niya alam kung saan sila patungo. Nasa isipan pa rin ni andra ang kasintahang si milo, kung nasaan at kumusta na ba ito at ang tanging hiling niya lamang ay sana na sa mabuti itong kalagayan at wala sanang ginawa ditong masama ang kaniyang ama. Sa mga lumipas na araw at gabi ay hindi nawala sa isipan ni andra ang kasintahan at wala ring gabi na hindi ito tumangis sa pag-aalala.

" Miss andra? Bumalik sa kaniyang ulirat ang dalaga mula sa abalang isipan sa pagtawag sa kaniya ng assistant at kaibigan na si janika at napalingon dito.

" Yes, janika? Napansin agad nito na malalim na naman ang iniisip ng kaibigan.

" Uhm kumain kana muna habang wala pa tayo sa airport." Sapagkat hindi pa kumakain si andra simula noong gabi.

Sinenyasan ni janika ang flight attendant sa likuran niya na ilapag sa mesa ni andra ang pagkain na dala.

" Janika, uhm hi- hindi pa kasi ako nagugutom e, mamaya nalang please? Malambing na tugon ni andra at muling ibinaling ang mata sa labas ng bintana.

Muli namang sinenyasan ni janika ang flight attendant na sundin ang nais ng kaibigan at agad na tumalikod ito sa kanila matapos. Sandaling pinagmasdan ni janika ang kaibigan na malayo pa rin ang isipan hanggang sa ngayon at pansin na dito ang pagpayat ng katawan sa maiksing panahon at bakas pa rin ang lungkot nito sa mga mata. Tahimik na umupo na lamang si janika sa kabilang bahagi ng upuan sa harap ni andra.

" Andra, ilang linggo ka nang hindi kumakain ng maayos baka magkasakit kana niyan? Napabaling ang tingin nito kay janika at agad na nangilid ang luha ngunit pinigilan ito.

" Ano bang dapat kong gawin para mapagaan ang loob mo, andra? Umiling- iling lamang sa kaniya ang kaibigan at tuluyan nang lumuha, ngunit alam naman ni janika kung ano ang magpapagaan ng loob nito subalit paano niya ito tutulungan kung siya rin mismo ay hindi alam kung nasaan ang kasintahan nito.

" Andra? Sa habag ni janika ay lumapit at tumabi siya dito at niyakap ito ng mahigpit sapagkat ito lamang ang alam niyang kayang gawin sa ngayon para sa kaibigan. Hinayaan lamang nito na umiyak ng umiyak si andra sa balikat niya hanggang sa mapagod at makatulog ito.

Naging tahimik ang buong biyahe nila andra sa himpapawid hanggang sa makarating sila sa airport at dito na lamang ito nagising. Sa pagsilip ni andra sa bintana ay bahagya pa siyang na surpresa at napangiti dahil pamilyar sa kaniya ang lugar pagkat noong bago siya tumungo ng paris france ay palagi siyang nandito at minsan ay kasama pa ang pamilya niya at nang dahil dito ay bahagyang naibsan ang bigat ng dinadala nito. Gaya niya ay na surpresa din ang kaibigang si janika na wala rin ideya na rito ang kanilang tungo ngayon. Pagbaba ng eroplano ay agad silang sumakay ng kotse patungo sa isang malaking hacienda ng pamilya rito sa ilocos norte.

---

HACIENDA ALEJANDRA.

Sa entrada karatula pa lamang ng hacienda nang makita ito ni andra ay agad ng umuwang ang mga ngiti nito sa labi at biglang bumalik sa isipan nito ang kaniyang pagkabata, pagkat marami siyang magagandang alaala rito kasama ang mama' at papa' niya. Dito rin halos nahubog at nalinang ang pagkatao at kaalaman na mayroon siya ngayon. Ang hacienda ay isinunod at ipinangalan din kay andra bilang nag-iisang anak at tagapagmana ng mga Artamendi. Habang tinatahak nila ang mahabang daan patungo sa mansyon ay palihim namang pinagmamasdan ni janika sa tabi niya ang kaibigan, sapagkat sa wakas ay muli niyang nakita ang mga magandang ngiti nito sa labi kahit na mababakas pa rin sa mga mata nito ang lungkot ngayon ay kahit paano'y naibsan ang pag-aalala niya rito.

The Successor [ Book 1 ] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon