3 DAYS LATER.
Nagpatuloy lang ang mga palihim na pagsulyap at pagtitig ni milo kay andra hindi niya nga maintindihan kung bakit niya ba ito ginagawa at sobrang saya niya kapag nakikita, ang among babae, wala naman siyang ibang hinahangad na makuha dito sapagkat nalalaman naman niyang sobrang layo ng antas nila sa buhay at malabo namang, magustuhan siya nito, sadyang masaya lamang talaga siya sa tuwing ito ay makikita lalo na ang magandang mukha at ngiti nito sa labi, isa si andra sa mga dahilan ngayon ni milo kung kya mas ginaganahan na ito, sa trabaho na kahit kailan nga ay hindi naman niya pinangarap noon pero para bang nagugustuhan, niya na nga ito ngayon.
Si andra naman ay natutuwa na naging maayos na ngayon ang relasyon nila ni milo bilang mag-amo, ngunit kahit ganoon ay pansin rin nito ang mga palihim na pag-titig at pagsulyap, sa kaniya ng bodyguard, pero lahat ng ito ay binabalewala na lamang niya at hindi binibigyan ng malisya o ibig sabihin, sapagkat iniisip niyang may nobya naman na ito, at marahil ay humahanga lamang ito sa kaniya, katulad ng ibang normal na tao, at katulad rin niya ay masaya lang din itong naging maayos na nga rin, ang kanilang relasyon bilang mag-amo, subalit hindi rin nito, maitatanggi na napapangiti siya sa tuwing makikita ang lihim na pagtitig ng bodyguard sa kaniya.
Ngayon ang araw ng anibersaryo ng foundation na si alejandra, mismo ang nagtayo kaya naman napaka- importante talaga ang araw na ito para sa dalaga at ' di nga siya puwedeng mawala sa selebrasyong ito, kaya't kahit natatakot pa rin ito hanggang ngayon, ay kailangan niyang harapin ang takot, para sa mga taong umaasa sa kaniya pagkatapos ng ambush shooting, at ilang linggo' pagpapahinga at pagtigil sa trabaho ng dalaga ay ngayon nalang siya lalabas, para sa trabaho kaya nga't mas marami itong kasamang security ngayon, kumpara noon na tatlo lamang, pagkat nag- ingat pa rin sila dahil hindi pa natatagalan ang insidenteng nangyari dito.
" Good morning miss andra." Bungad na pagbati ng mga ito paglabas ng dalaga sa pintuan ng mansyon kasama ang assistant na si janika.
Palihim naman napangiti si milo nang masilayan yung maamong mukha ng babae, ang ganda pa rin kasi nito, kahit sa simpleng suot niya, ngayon na white blouse at jeans lamang, sa lagpas isang buwan ni milo, na sa mga artamendi, ay ngayon niya lamang ito nakitang nag- jeans at bagay rin pala ito dito, at kahit ano yatang suotin nga nito ay babagay sa kaniya.
" Good morning din sa inyo.. " Ngiting pagbati ni andra, na labas yung mga dimples, nito sa pisngi at ibabang labi, halatang maganda yung itinulog nito kagabi at gising ngayong umaga.
Napabaling naman ang tingin ni andra kay milo at kagad niyang na pansin ang hindi na namang maayos na pagkakasuot ng necktie nito ngayon kaya't lumapit siya dito.
" Uhm Inspector lim, hanggang ngayon ba, hindi kapa rin marunong mag- suot ng necktie, hmm? Pagharap ni andra kay milo, ngunit may lambing ang boses nito.
Napatingin naman ang lahat sa dalawa lalo na ang assistant ni andra' si janika at ang kaibigan ni milo' si george dahil kasama rin ito ngayon patungo sa foundation pagkat isa ito sa dagdag na security ni andra ngayong araw.
" Uhm- Tila na pipi at hindi naman makasagot si milo dito. Napangiti lang si andra sa inasta ng bodyguard sa kaniya at tinanggal sa pagkaka-tie ang necktie nito para ayusin.
Kahit na pangalawang beses na itong ginawa ni andra sa kaniya ay nagulat pa rin siya at napalunok ng laway. Iba talaga ang epekto kay milo ni andra at hindi niya maintindihan kapag nasa harap niya na ito ay tila na pipipi siya nauutal at tumitigil ang kaniyang paghinga.
" Palagi ko nalang ba... aayusin ang.. necktie mo inspector lim, hmm? Taas kilay na usap ni andra at lalong tila na pipi si milo dito. Natawa naman ang kaibigan ng dalawa at iba pang mga tao sa paligid nila.
BINABASA MO ANG
The Successor [ Book 1 ]
FanfictionMIKHAIAH AU Isang anak ng pinakamayamang pamilya sa bansa at kaisa-isang tagapagmana ng mga artamendi ngunit paano na lamang kung mahulog ang loob nito sa taong hindi niya dapat mahalin sapagkat matagal nang naitakda ang sarili nito para sa iba. Ipa...