CHAPTER 11

12.6K 540 13
                                    

FAST FORWARD.

Halos tatlong araw na ang lumilipas simula noong mangyari ang hindi nila inaasahang gulo sa photoshoot ni andra, at hanggang ngayon nga ay nanatili pa rin si milo, sa mga artamendi, hanggang ngayon kasi ay hindi pa rin, nababasa ni Mr. Artamendi, ang resignation letter niya dito sapagkat kailangan muna itong dumaan sa ama ni andra at maaprobahan ito, at kailangan rin na magkaroon muna nang bagong kapalit ni milo bago siya tuluyang umalis sa trabaho lahat nang ito ay kailangan niyang daanan rin, upang hindi rin, naman masira at mapahiya ang ninong niya sa pagrerekomenda sa kaniya sa trabahong ito pagkat nandito lamang siya sa utos at pakiusap nito.

At sa ilang araw na pananatili pa rin ni milo sa mga artamendi ay naging civil na lamang ang pakikitungo nila sa isa't-isa ni andra, pagkat ayaw na rin nito na gumawa pa ng panibagong kaiinisan ng dalaga sa kaniya, kaya naman kahit na siya pa rin ang bodyguard nito ngayon ay siya na ang dumidistansya dito, habang si andra naman ay nag-focus na lamang sa mga trabaho nito at pilit na kinalimutan nalang ang ginawang gulo ng bodyguard sa photoshoot niya, naiinis pa rin siya dito ngunit gusto niya itong intindihin na trabaho lamang ang ginagawa nito, lalo na' t ayaw niya din naman ito na pakitunguhan ng ' di maganda.

" Good afternoon miss, andra." Bungad dito ni milo, paglabas ng babae galing sa mansyon at pinagbuksan ito ng pinto.

" Good afternoon. " Balik nitong tugon sa kaniya ngunit wala ito, masyadong expresyon sa mukha at kagad din ito na pumasok ng kotse, sumunod naman dito ang personal alalay na si emily.

May napakahalagang event na pupuntahan, sila milo ngayon, dahil na imbitahan si alejandra, na maging speaker ng isang kilalang university dito sa bansa, upang magsalita sa harapan ng mga istudyanteng magtatapos ngayong taon, kahit noon pa ay madalas talagang maimbitahan ang dalaga sa mga ganitong klaseng event sapagkat graduate ito with high honors, valedictorian ito noong grade school/high-school at summa cum laude naman noong college at nag- masteral pa nga ito sa paris france, kaya ganoon na lamang ang paghanga ng marami sa kaniya, sapagkat hindi lamang ito maganda at mayaman kung 'di matalino din talaga.

Si emily ngayon ang katabi at kasama ni andra sa sasakyan dahil nagpaalam si janika na may emergency sa bahay nila at kailangan niya nga' umuwi muna, pinayagan naman ito ng boss at kaibigan, katulad naman ng dati, ang armoured car pa rin ni andra' rolls royce, ang gamit nilang sasakyan at katulad rin ng dati, ay naka- convoy lang sa kanila, yung dalawang bodyguard sakay ng Mercedes-Benz, maayos at tahimik naman ang biyahe nila, patungo sa university, na pansin lang ni milo, na nawala sa likod nila ang convoy na Mercedes-Benz kaya tinawagan nito ang mga kasama gamit ang ear piece radio.

" Eric nasaan kayo?? Bungad ni milo sa kabilang linya.

" Sor- sorry m- milo nawala kayo sa mata namin eh, bigla din nawala yung gps niyo kanina, tapos naipit pa kami dito sa eskinita ang traffic. "

" Huh?? Bakit diyan kayo dumaan?? Naka-kunot noo'ng tugon ni milo.

" Ehh naghahanap nga kami ng mabilis na daan para maabutan kayo eh, dito naman kami dinala ng waze, sabi ko dito kay mark huwag na sundin yung waze eh, hays." Kamot ulong tugon naman ni eric.

" Okay, sige bilisan niyo na ha, alam niyo naman na hindi kayo, puwedeng mawala ng matagal sa likod namin. "

" Sige milo.... " Naka- tingin lang naman si andra kay milo habang may kausap ito.

Muling itinuon nalang ni milo, yung atensiyon sa paligid lalo na ngat medyo namumuo ang traffic sa daang tinatahak nila, pero napansin naman ni milo na parang na iba rin ang daan na tinatahak nila ngayon.

The Successor [ Book 1 ] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon