3 DAYS LATER.
" Good morning. " Bungad na pagbati ni andra pagdating nito sa hapagkainan at bumeso sa ama at ina.
" Good morning iha. " Paghagod pa ni Elizabeth sa buhok ni andra bago ito maupo. Tinitigan lang naman ito sandali ng ama na tila sinusukat ang anak.
" Kumusta ang tulog mo? Wala masyadong ekspresyon sa mukha ni Enrique na tanong sa anak. Napatitig naman dito ang asawa.
" Uhm mabuti naman po, papa'." Ngiming tugon ni andra.
Noong gabi lamang kasi ito dumating. Sabay- sabay silang bumalik sa maynila kasama ang mga kaibigan at pamilya ni milo. Nagdesisyon naman ang kasintahan na tumuloy na lang muna sa mansyon kasama niya at ni janika.
" Hmm mabuti naman kung ganun." Tugon ni Enrique na patuloy sa pagkain nito ngunit hindi nililingon ang anak. Tinanguan lamang ito ni andra sapagkat hindi niya alam kung paano kakausapin ang ama, matapos ang mga nangyari sa nagdaan na mga linggo.
" Coffee, andra? Paglapit ni rosario sa dalaga at inilapag ang isang tasa ng kape sa harap nito. Dahil dito ay saglit na putol ang hindi malamang tensyon sa pagitan ng mag-ama.
" Salamat po, yaya rosario. " Ngiting tugon ni andra na tinugunan rin ng ngiti ng matanda, habang patuloy naman ang ama na palihim na sinusukat siya. Sa isang tabi ay tahimik si Elizabeth, rosario at mga katulong na nag-ooserba sa dalawa.
" Kumusta na kayo ni milo? Biglang tanong ni Enrique na bahagyang kinagulat ni andra, kaya't napabaling ito ng tingin sa ama at gayon din ito sa kaniya.
" Uhm mabuti rin naman po, papa'. " Matapos nitong tumugon ay yumuko upang iwasan ang tingin ng ama.
" Ang mga sugat at pasa niya, magaling na ba? Napaangat ang ulo ni andra sa muling tanong ng ama.
" Opo, papa'. "
" Good, gusto kong makausap ulit si milo at makilala naman ang pamilya niya, andra. " Seryoso at maotoridad na saad ni Enrique. Hinawakan naman ito sa kamay ng asawa.
" Si- Sige po, papa'." Ngimi pa rin ang tugon nito sa ama.
" Magpapahanda ako ng dinner, mamaya para sa kanila."
" Mamaya po, papa'? Hindi inaasahan ni andra na biglaan ang nais ng ama.
" Oo, bakit may problema ba andra? Pagsandal ni enrique sa upuan niya at tumigil sandali sa pagkain. Humigpit naman dito ang hawak sa kamay ng asawa.
" Wa- Wala naman po papa'. " Sandali pang bumaling ng tingin si andra sa ina.
" Mabuti nang mas maagang makilala ko ang pamilya ni milo, at makilala nila ang pamilya natin." Alam na agad ni andra na kasama ang pangalawang pamilya ng Artamendi sa hapunan mamaya.
" O- Opo, papa'." Tanging tugon na lamang nito pagkat hindi siya puwedeng tumangi sa nais ng ama.
" Sa ngayon habang inaayos ko ang problema kay chico, itago niyo na muna sa mga tao ang relasyon niyo ni milo, kapag naayos ko na ang problema, tsaka ko isusunod ang kasal niyo." Maotoridad muli ni Enrique na saad sapagkat ayaw niyang makaladkad ang pangalan ng anak at pamilya sa publiko.
" Kas- Kasal po, papa'? Pagkat hindi inaasahan ni andra nabubuksan ng ama ang usapin may kinalaman sa kasal nila ng kasintahan.
" Oo, ayokong manatili kayong hindi kasal, na alam ko, na may nangyari na sa inyo ng pulis na yun! Medyo mataas na boses ni Enrique na dikit ang mga panga na kinayuko ni andra.
" Enrique? Malumanay na awat dito ni Elizabeth. Tinitigan lang naman ito ng asawa.
" Gawin mo nalang kung ano ang inuutos ko sayo alejandra, para wala tayong problema, naiintindihan mo? Matatag nitong saad.
BINABASA MO ANG
The Successor [ Book 1 ]
FanfictionMIKHAIAH AU Isang anak ng pinakamayamang pamilya sa bansa at kaisa-isang tagapagmana ng mga artamendi ngunit paano na lamang kung mahulog ang loob nito sa taong hindi niya dapat mahalin sapagkat matagal nang naitakda ang sarili nito para sa iba. Ipa...