THE NEXT DAY MORNING.
Nagising si andra sa malakas na tunog ng alarm nito at nang maimulat nya ang mata ay agad na bumungad sa kaniya ang isang pirasong tangkay ng sunflower kaya't napangiti ito dahil alam niya na kung kanino ito nanggaling. Agad naman siyang naupo at kinuha ang sunflower sa ibabaw ng side table.
" Mi- Milo. " Ngiting sambit ni andra nang nasa kamay niya na, ang bulaklak. Alam na talaga ng inspector kung paano siya pakikiligin.
Sa ilalim ng sunflower ay mayroon nakalagay na maliit na note katulad ng dati na agad niya ring kinuha at binasa.
" I was dreaming of you all night long."
I love you, baby...
Sky..Lalong lumaki ang mga ngiti, sa labi ni andra, sa nabasa nito at hindi maitatanggi na kinilig ito sa ginawa ng kasintahan.
" I love you too." Mahinang sambit nito na 'di pa rin mawala ang ngiti at kilig.
Sandali pa nanatiling nakaupo si andra sa kama bago ito nag-unat-unat ng katawan at tumungo sa banyo upang maligo. Bagamat na anong oras na itong nakatulog noong gabi ay magaan ang pakiramdam nito ngayon at maligaya ang puso. Sapagkat matagal din silang nakapag-usap ni milo na ngayon ay kaniyang kasintahan na. Subalit hindi pa napag-uusapan ng dalawa kung ano ang kanilang magiging set-up sa mga susunod na araw. Ang alam lang nila ay kapwa silang masaya sa ngayon.
———
MEANWHILE.
" Good morning!"
" Oh, chase ang aga mo, ah? Tugon ni george at tumayo ito para makipag- apir sa kaibigan.
Nasa gitna nang almusal, sila milo, at george, sa kusina ng mga security, nang dumating si chase, parang hindi naman siya na pansin ni milo, dahil abala ito sa kaniyang telepono.
" Oo tol, wala kasi akong... trabaho ngayon, ohh bumili pala ako ng pandesal at pansit.. " Inangat pa nito, ang dala habang ang mga tingin, ay na kay milo.
" Salamat tol, teka kuha lang ako ng pinggan at tasa mo para makapagkape ka."
" Sige salamat, tol." Pagtugon ni chase habang nakatingin pa rin kay milo.
Dahil tutok na tutok ang mga mata ng kaibigan sa telepono nito na ngiting-ngiti rin.
" Hoy! Milo!"
" Chase, kumusta?" Tiningnan lang siya sandali ni milo at muling ibinalik ang mata sa telepono.
" Langya ka tol, wala manlang ba good morning diyan ha? Natawa naman sa kaniya si george na naglalapag ngayon ng pinggan at tasa sa lamesa para sa kaniya.
" Hayy naku chase, kanina pa yan busy sa phone niya eh, hindi ko nga rin makausap kanina pa " Naiiling na tugon dito ni george ngunit nanatiling tahimik si milo.
BINABASA MO ANG
The Successor [ Book 1 ]
FanfictionMIKHAIAH AU Isang anak ng pinakamayamang pamilya sa bansa at kaisa-isang tagapagmana ng mga artamendi ngunit paano na lamang kung mahulog ang loob nito sa taong hindi niya dapat mahalin sapagkat matagal nang naitakda ang sarili nito para sa iba. Ipa...