CHAPTER 43

10.9K 357 141
                                    

Pagpapatuloy...

Mabilis na nilapitan ng inspector ang lalakeng artamendi na naliligo ngayon sa sariling dugo nito.

" M- Mr, Artamendi? Mr, Artamendi?! Lumuhod ito upang tingnan ang pulso ni enrique at narinig na may tibok pa ito.

Lumingon-lingon si milo sa palagi kung saan siya hihingi ng tulong, pagkat hindi nito suot ang ear piece radio niya at wala rin siyang dalang telepono. Alam din ni milo na walang makakarinig sa kanila sa loob ng gusali kaya't wala na itong naisip na ibang paraan kundi ang buhatin na lamang ang lalake palabas. Buong lakas niya itong binuhat at ipinasan mula sa likuran at dahil may taas na anim na talampakan ang lalakeng artamendi, at wala rin itong malay, ay medyo nahirapan dito ang inspector, ngunit sa huli ay matagumpay niya pa rin itong naipasan at narating ang bungad ng gusali.

" Konti nalang Mr, Artamendi." Hingal na sambit ni milo dahil sa labis na kabang nadarama ngayon, sapagkat kailangan madala agad sa hospital ang lalake bago maubusan ito ng dugo.

Dahil naman sa malakas na putok ng baril na narinig ay naalarma at naalerto ang buong security sa mansyon, gayon din ang pamilya ng artamendi na abala pa sa gitna ng kuwentuhan. Sa hindi kalayuan ay nakita ni ramon kasama ng ibang security, ang inspector na pasan sa likod niya ang lalakeng artamendi na papalabas ng gusali, kaya't agad nila itong nilapitan.

" Milo, anong nangyari? Napaluhod ang batang inspector sa sahig nang makita ang tulong na kailangan niya at dahan-dahan na inilapag dito ang lalakeng pasan nito.

" Hi- Hindi ko alam kuya ramon, tumawag kayo ng ambulansya. " Nanginginig na pananalita ni milo na hindi magawang magpaliwag pa, dahil na rin sa halong kaba at pagod. Balot na ang katawan nito ng dugo mula kay enrique, kaya't sandaling napatitig at tulala rito si ramon.

" Kuya ramon, tumawag kayo ng ambulansya! Sigaw ni milo rito.

" Oo, milo." Pagbalik ni ramon sa ulirat niya at inutusan ang mga tauhan nito na kumilos.

Ang pamilya namang nagsasaya at kuwentuhan lamang kanina ay lumabas na rin at tumungo kung saan ang mga tauhan at security sa mansyon ay nagkakagulo.

" Anong nangyayari rito, ramon? Tanong pa ni antonio sa nakatalikod na personal bodyguard ng kapatid.

" Si- Sir— Lingon ni ramon dito.

" Enrique! Papa'? Gulat na gulat na sambit ng mag-inang Elizabeth at andra nang makita ang lalake mula sa sahig, duguan at walang malay. Agad naman na pinigilan ang dalawa na lumapit dito.

" Diyan ka lang, andra." Nang marinig at makita ni milo ang nobya.

" Enrique?! Umiiyak na sambit ni elizabeth at napaluhod sa sahig.

" Huminahon ka, elizabeth." Yakap dito ni rebecca.

" Tita." Pakalma rin dito ni jazz, na gulat din ngayon sa mga nasasaksihan.

" Papa'?! Papa'?! Umiiyak at paulit-ulit na sigaw ni andra na nais talagang makalapit sa ama ngunit pilit itong pinipigilan ni janika at rosario.

" Andra, iha." Pagyakap dito kapwa ni janika at rosario ng mahigpit.

Sa pagkagulat sa nakitang, nakahandusay na kapatid ay sandaling natulala at hindi nakagalaw o nakapagsalita manlang si antonio pagkat kanina lamang ay masaya pa nila itong kausap at nagpaalam lang sandali ngunit hindi na ito nakabalik at ngayon nga ay duguan at walang malay.

" Kuya, sinong may gawa sayo nito?! Pagluhod ni antonio na umiiyak at niyakap ang kapatid.

" Da- Dad? Nanginginig na pananalita ni brent at alalay sa ama mula sa likod nito.

The Successor [ Book 1 ] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon