CHAPTER 35

13.8K 474 123
                                    

Pagpapatuloy...

Matapos ang mahaba at mapupusok na palitan ng mga halik sa isa't-isa ay kapwa bumitaw ang magkasintahan upang kumuha ng hangin.

" Sama ka sa akin?" Hingal na hingal na sambit ni milo at hinawakan ang mukha ng nobya.

" Saan tayo pupunta?"

" Basta kahit saan, andra." Tumango lamang dito ang nobya bilang tugon.

Lumipat ang paghawak ng kamay ni milo sa kamay ng nobya at inilapat ito sa palad niya pagkatapos ay dinila ito patungo kung saan. Wala namang pagaalinlangan na sumama si andra sa kasintahan kahit hindi niya alam kung saan sila nito tutungo.

" Tol, saan ba kayo pupunta? Palinga- linga na tingin ni george sa paligid habang kausap ang magkasintahan sa likurang gate ng mansyon, pagkat dito lamang ang medyo maluwag ang security.

" Hindi ko pa alam george eh, bahala na basta makaalis lang kami dito." Bumaling pa ito ng tingin sandali sa nobya na halatang may kaba sa ginagawa nila ngayon.

" Sige, mabuti na pakiusapan ko yung guard dito kanina na kumain muna hays! Ako kinakabahan sa ginagawa niyo, tol!

" Pasensiya na tol, nadamay kapa dito." Naiiling na tugon ni milo pero wala naman na siyang ibang malalapitan sa mansyon kundi ito na lamang.

" Ano kaba milo, wala yun! Sabi ko nga sayo diba? Ilaban mo?! Tinapik pa ito ni george sa balikat at bahagya na bumaling kay andra. Tumango naman dito ang kaibigan at ngumiti.

" W- Wala bang makakakita sa'tin dito? B- Baka mahuli tayo ni papa', milo? Humigpit ang hawak ni andra sa kamay ng kasintahan dahil sa takot at gayon din naman ito sa kaniya.

" Huwag po kayo mag-alala miss andra, pinatay ko na muna yung cctv dito, mabuti nakalusot ako doon sa monitoring room." Sabat ni george sa nagaalalang babae. Bahagya naman itong na kampante sa narinig mula sa kaniya.

" Salamat talaga george, ha? Sapagkat kung hindi dahil nga sa kaibigan ay hindi sila makakalabas ng mansyon.

" Wala nga yun! Sige na tol, umalis na kayo at baka maabutan pa kayo dito ni miss andra." Muli itong tinapik ni george sa balikat.

Agad na Inalalayan ni milo sa pagsakay ang nobya sa motor niya at sinuotan ito ng helmet.

" George, thank you! Sambit ni andra dito.

" Wala ho, yun miss andra." Kamot ulong tugon ni george at nakadama ito ng hiya dahil ngayon niya lamang nakausap ng ganito ang among babae. Muli naman itong ngumiti sa kaniya.

" Alis na kami george! Pag-tapik rin ni milo sa balikat ng kaibigan. Agad namang yumakap ng mahigpit sa bewang niya ang nobya.

" Sige tol, ingat sa pag- drive! Tumawag ka, kung may kailangan kayo, ha?

" Oo george, salamat! Tango at ngiti lamang tinugon ng kaibigan sa kaniya at pinaharutrot na niya agad ang motor.

" Pag-ibig nga naman oh, hahamakin ang lahat masunod ka lamang." Naiiling na sabi ni george ngunit natutuwa ito sapagkat sa wakas ay naging matapang na ngayon ang kaibigan.

Sakay nga ng motorsiklo ni milo ay umalis ito kasama ng nobyang si andra, bagamat kapwa hindi alam ng dalawa kung saan sila patungo. Pagkat wala nang ibang mahalaga at iniisip si milo sa mga sandaling ito kundi ang makasama ang nobya at gayon din naman ito sa kaniya. Ang nais ng dalawa ay makalayo mula sa lugar na sumasakal sa kanila.

———

Sa gitna nang biyahe ng magkasintahan patungo kung saan ay humigpit pa lalo ang yakap ni andra kay milo, at ang lahat ng sakit na kaniyang nadama noong nagdaan na mga araw ay napawi na ngayon at bagamat may takot siyang nadarama ay hindi niya ito alintana. Ramdam naman ni milo ang paghigpit ng yakap ni andra sa kaniya kaya't lihim itong napangiti at gaya ng nobya. Ang lahat ng sakit, takot at alinlangan niya ay napawi na rin ngayon pagkat kasama niya ito at wala na siyang mahihiling pa. Dinama lamang ng dalawa ang presensiya ng isa't-isa kasabay ng paghaging ng hangin sa balat nila at bagamat hindi sila naguusap sa gitna ng biyahe ay alam nilang kapwa silang masaya at kontento. Sa haba ng daan na tinahak ng magkasintahan ay nakarating sila sa tagaytay at sa isang tabi ng daan na isipan huminto at magpahinga sandali.

The Successor [ Book 1 ] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon