THE NEXT DAY MORNING.
Nagising si andra dahil sa sobrang pangangalay ng kanang kamay nito. Pinilit nitong magmulat ng mga mata, sapagkat ramdam niyang siya na lamang ang mag-isa sa kuwarto at hindi naman siya nagkamali dahil malinis na ang higaan ng kaibigan, at wala na nga ito. At bago ito tumayo ay naupo muna sandali sa higaan at nag-check ng phone, nakita niya ngang alas siete na nang umaga kaya' t nag-unat na ito ng katawan niya't bumangon. Iniligpit naman muna ni andra, yung hinigaan niya bago siya lumabas ng kuwarto at tumungo ng lababo upang maghilamos at mula dito ay amoy niya na ang pagkain na niluluto sa labas ang lutuan kasi ng mga tagarito ay nasa labas dahil karamihan ay kahoy ang gamit maya maya ng matapos siya ay lumabas na rin ito.
" Good morning ho, aling ising." Bungad dito ni andra, na mukhang katatapos lang magluto ng agahan.
" Magandang umaga rin po miss andra g- gising na pala kayo. " Inikot naman ni andra, ang mga mata na tila may hinahanap.
" Uhm si janika, ho? Naupo naman ito sa harap ng mesa na gawa sa kawayan.
" Ah.. naligo po agad pag- Siya namang dating ni janika galing sa banyo.
" Ayan na pala siya miss andra, eh.. " Pagturo ng nguso ni ising sa assistant ni andra.
" Good morning, miss andra. "
" Good morning, janika. Uhm ang aga mo yatang naligo ngayon?
" Para... kayo nalang ho... ang gagamit ng banyo mamaya miss andra. "
" Hmm... okay. " Naupo naman si janika sa tapat niya.
" Kumain na po kayo.. miss andra... " Nag- lapag si ising ng tuyo, itlog at sinangag sa lamesa may kasama pa itong mga sawsawan at kamatis.
Tumayo naman si janika at kumuha ng tasa para ipagtimpla si andra ng kape.
" Sige hoh, kayo rin po.. sabayan niyo na kaming kumain aling ising. " Aya pa nito sa matanda.
" Ayy mamaya nalang ako, pagdating nila dado." Nakita ni andra, na nagtitimpla na nang kape si janika para sa kaniya.
" Ah sige ho, aling ising uhm janika, ako na yan." Tumayo si andra, upang ito, na ang mag- timpla para sa sarili, hinayaan naman ito ng kaibigan at naupo nalang.
Matapos na makapagtimpla ay nagumpisa nang kumain ang dalawa, at maya maya ay lumapit si ising na may bitbit at inilapag sa mesa.
" Miss andra, nag- luto rin pala ako ng suman at biko para sa inyo."
" Maraming salamat, aling ising, naku ang dami niyo namang niluto, nag- abala pa kayo." Tugon ni andra na tila nahihiya.
" Hmm... minsan lang naman po kayong nandito at tsaka... request kasi yan ni milo ehh, para daw sa inyo miss andra.. " Nagkatinginan naman dito ang magkaibigan sa narinig nila.
" Huh? Si milo ho, aling ising? Gulat na tugon ni andra.
" Opo, miss andra, ang aga nga niyang gumising kanina eh, para pumunta ng bayan, kasi hindi na sapat yung asukal nandito sa bahay para sa biko at suman. "
Ngunit yung totoo, talaga ay bibili lamang, sana ito ng chocolate para kay andra sa bayan subalit sarado pa ang mga grocery doon.
" Pumunta pa ho, siya ng bayan? Sapagkat isang oras rin ang biyahe patungo doon. Muli namang nagkatinginan ang magkaibigan.
" Opo.. miss andra... bumili na nga rin si milo ng pang- ulam natin para mamaya ehh, ayy! Teka ipinabibigay rin pala niya ito sa inyo." Pag- abot ni ising ng isang balot, ng honey bars, sa dalaga na pinagtakhan nito.
" Honey bars?
" Sabi niya kasi... sa akin may... buwanang dalaw daw kayo at... kailangan niyo daw niyan, at nang matatamis na mga pagkain, kasi grabe daw, ang mood swing niyo ngayon."
BINABASA MO ANG
The Successor [ Book 1 ]
FanfictionMIKHAIAH AU Isang anak ng pinakamayamang pamilya sa bansa at kaisa-isang tagapagmana ng mga artamendi ngunit paano na lamang kung mahulog ang loob nito sa taong hindi niya dapat mahalin sapagkat matagal nang naitakda ang sarili nito para sa iba. Ipa...